Ako ang ginawa ko pinalitan ko ng rubber bushing na ginawa ko galing sa bahagi ng gulong ng truck. Gamit ang grinder at dinarang na malaking pako sa pagbutas sa gitna. Maganda dahil hindi basta nasisira kahit sa mga biglaang arangkada. Hindi tulad ng dati, ilang linggo pa lang sira na. Medyo mahirap lang gawin pero tiyaga lang. At isa pa ginawa ko sinapinan ko sa likod yung butas bago ko inilagay yung rubber bushing na ginawa ko, kasi masyado malalim yung butas, kaya sa katagalan, pag nasira at lumuwang na yung rubber bushing na original, yung metal tube sa gitna na pinapasukan ng bolt nahuhulog sa loob; dahilan para yung bolt matanggal sa hub. So ngayon ok na.