sakto lang naman, pero expect lang na medyo babagal overall overtaking power nya if mabigat total load mo pero kng rider/obr lang meron at hindi ka naka touring mode, malakas din magovertake.
Musta lods? New subscriber from north cot. Inaabangan ko mga ride video mo. Dito Malaki ni c baby n dati kinakandong p, now mkalakad na😁 RS always lods🙏
Kmusta Naman c rfi175 as of now lods, ok pba, ano bang mga issue n na experience so far, senxa n lods makulit....Plano ko kasing kumuha din Ng rfi175. Recommended b?
masyadong delekado boss, may dala kang baby, isang slide o bato lang sa gulong disgrasya abutin, sana boss mag sasakyan nalang kung long driving man lang kesa nakamotor pag may baby, concern lang po. pero btw yung video ang ganda ng pagkaedit at mga view malinaw na malinaw.
salamat sa pagbisita. Alam ko risks nyan paps, pero marami halos nalibot na namin buong Mindanao sa total byahe namin (20k++ na odo ko sa rfi sa dami ng long rides)
Wala sa brand paps, nasa owner tlga yan. Sakin 2 years na yung unit pero d pako tinirik nyan o nagka aberya dahil lagi ako nag ppreventive maintenance 👌
ganda po nang cinematography nyo pinag isipan at very detailed. it look more quality than other youtuber po which is nakakahilo sundan yung angle nang camera nila also another point po sa pag shown nang mga scenery and transition. kudos po sir! and keep it up po
Keep safe lang po kasi may bata kayong kasama rusi sana nalang araw magkaroon ako gusto ko yang motor na iyan lalo na color favorite ko yellow happy trip always God bless po.
Okay naman yung consumption nya, matipid sa long ride. Basta alaga lang sa change oil at maganda condition ng belt mo. Depende nlng sa disiplina mo sa throttle, sakin umabot ng 37-40kpl
Pinaka madalas na issue lang, spark plug cap na naluluwag pero madaling remedyuhan. Overall ok naman performance kahit laging long ride basta hindi mo lang titipirin sa change oil
Personally oo kasi KPL ko nasa 35-38 din pag long ride at sa performance solid naman, durability wise. Hindi ganun kabilis vs sa branded pero reliable naman sa bawat ride
oo ganyan yung KPL range nya depende nlng din sa setup mo pero kung stock lahat, ganyan yung range nya. Pero kng madalas byahe mo at traffic lagi daanan, d ko recommended to kasi 175cc engine, malakas tlga sa gas. Mas matipid mga 110-125cc kng gagamitin mo sa Angkas pero kng personal use naman swak na to. Para sakin saktong sakto lang KPL nya.
@@kplatagaw thanks sir. Plano ko bumili kasi nag lo long ride ako ng norte. Concern ko lng yung mga paakyat din. Yung liquid cooled ko kasi na motor kaya ng 4hrs drive n wlang hinto. D ko kasi sure kung kaya din ng air cooled.
@@CrossBlank check mo lang status ng clutch lining at belt mo, madalas nagooverheat yung belt drive basta scooter kesa sa engine. malalaman mo yan pag nangangamoy na yung CVT mo. Pahinga mo muna saglit tapos rekta ulit wag mo ituloy tuloy. Nasa setup mo din kasi yan kng ano combination ng spring at clutch RPMs mo, kasama sa flyball weights mo din. Kung stock lang setup mo, kayang kaya yan, basta good pa condition ng belt at lining mo lang tsaka yung Bell if hindi pa kulay ube o makinis na masyado sa loob. RS 🙂