Parts?? parang di nmn mahirap mag hanap, kahit namn r15 rc200 mahirap mag hanap eh walang parts kung san san yan, sa mga malalaking distrubutor ng parts store meron nun rs200 d nmn ako nahihirapan mag hanap never nga ko na momoblema sa parts eh
Maganda ang performance pero di matipid sa gas. Expected na yun kasi mataas na rin CC niya pero naka-carb pa rin. Nakaka around 25KMPL lang ako, 80 to 85 kph ang normal na speed ko. Pero may narinig na akong nakaka 35KMPL sa takbong pogi lang.
@@infinityvlogo Masmaganda talaga ang automatic kapag long rides kasi relax ang position, di ka na magkakambiyo, walang clutch. Pero wala kang overtaking power, mahirap sa paahon kasi 125 lang, at ang FI namamatay at ayaw sumindi kapag nagooverheat. Nakakaantok din kasi tahimik. Kapag sportsbike naman, sarap sa ears, may tank na pwedeng sabitan ng legs sa bankingan, kayang kaya mag overtake kahit na paahon, at pogi. Pero masakit sa kamay, likod, at batok. Matatagalan ka pa bago masanay sa body position. Ako ngayon nangangalay sa NMAX pero relax sa Sigma 250 hahaha
@@infinityvlogo Yun, sana all, Luzon loop agad maglalabas pa lang ng motor. Ingat, lods. Tag-ulan na. Kung wala kang pamalit agad ng magandang gulong, kaskasin mo na lang ng papel de liha yung gulong mo para matanggal yung dulas niya.
may rusi sniper type ako lods na 12 years na mp 110-z, magastos lang yun sa bearing ng mags. pero 2012 pa naka monoshock na at naka mags.mas maganda talaga ang design ng gp 250. pero si sigma ay six speed at loncin pa gumawa. malaking problema talaga ang desisyon. kung mag bajaj ka naman napaka overprice.
@@LodicatMotovlogs kaya noon paman matibay na talaga yung rusi. kasi yung mga unit na naglalabasan sa youtube na brandnew pa sira na ay mga unit ng mga kilalang matibay daw na brand. hahaha.
Pero ngayon, meron na ang GPR250 ng Motorstar. If ngayon ako papapiliin, sa GPR250 na ako. Sa design, mas lalo siyang nagmukhang Ducati, sarap sa eyes. Sa performance, masmalaki na ang engine niya kesa sa Sigma 250. At yung stock exhaust na napakaingay grabe pero walang huli, hahaha
naguguluhan nga ako ei sabi daw si GP250 nababasa daw kc ung ignition coil kay sigma nmn ung gulong daw mejo madulas ndi ko alam if alin ppiliin ko 🤣🤣🤣
@@infinityvlogo Madulas talaga ang gulong kapag bago, kahit anong brand pa yan basta stock. Kahit si Motodeck nga nasemplang agad, unang kanto pa lang mula sa casa nung bagong labas yung MT09 niya. Pero kapag naka 500-1000 km ka na di na madulas. Sa Sigma ko ngayon puro harap nga preno ko kahit nga umuulan. Makapit naman.
@@infinityvlogo Ako kasi, may Sigma ako. Alam ko na quality yung motor gamit ko kaya alam kong hindi ka magsisisi kung kukuha ka ng Sigma. Sa GP250 naman, mahirap magbigay ng opinion sa motor na hindi ko pa nagagamit ng matagal. Pero pogi talaga siya tyaka napakalaking bagay yung tambutso niya. Napakaingay pero stock kaya walang huli. Ang pinakanakapagpa-decide na lang sakin noon para kumuha ng Sigma ay yung tibay niya.
Hahaha.. Depende din yan sa branch. Mabait naman karamihan eh. Tulad nung Sigma na nandiyan sa video. 3 months hindi nabayaran kaya nahatak. Pero biniyan pa rin siya ng 2 weeks para maghanap ng panghulog kahit pang 1 month lang.
Dealer ang problema niyan boss kapag wala pang plaka nd LTO , Mostly ksi katwiran nila lto ang problema pero dealer pla ang my problema kya walang plaka .
Uy, thanks. Nung binili ko yung Sigma ko 85K ang price noon, 10K down, 3,045 monthly. Ngayon ang alam ko 90K na ang price niya, 10K pa rin ang down, not sure sa monthly pero kung tumaas man di yun lalayo sa 3,045.
Oo nga haha.. sorry.. akala ko kasi automatic on agad siya, may switch pala.. nasabi nga sa akin ng kapatid ko after niyang mapanood.. test ride lang talaga yan kaya wala akong masyadong alam sa NMAX.
Wala po sanang magalit sa list ko. Again, yan ay opinion ko lamang, ang ranking nila ay naka based kung sino ang maspinapanood ko. Best presenter si Jao Moto. Most respected si Sir Zach. At MotoDeck pa rin ang pinakamagaling magmotor sa lahat. Pero Reed for Speed talaga yung madalas kong napapanood dahil na rin sa consistency niya magupload, dahil din sa nakakaadik ang hiyaw ng inline 4, at dahil na rin sa magaling siyang magsalita dahil may personal connection sa viewers.
Depende kung ano yung malakas para sayo.. Kung ikukumpara mo siya sa mga automatic at mga underbone, malakas talaga.. pero kung ikukumpara mo siya sa mga big cc na single cylinder sakto lang naman.
@@AnnoyedClover-ff9si Kuha ka na.. una talagang tinitignan sa motor ay yung porma niya.. 3 years na sa akin yung Sigma ko pero hanggang ngayon nagagandahan pa rin ako.. Tiis pogi nga pero masaya naman ako haha
Kaya nga, Lodi. Meron pala haha. Na-mention din sa akin ng bunso namin. Kay papa namin yung NMAX pero nung review ko lang nagamit. May switch pala para i-activate. Bilib na bilib ako sa technology na yun.