Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa ay kapayaapaan Sa mga taong kinalulugdan Niya Pinupuri ka namin, Dinarangal ka namin Sinasamba ka namin, Ipinagbubunyi ka namin Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan... Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesu-Kristo bugtong na Anak Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan maawa Ka, maawa Ka sa amin... Tanggapin mo ang aming kahilingan Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama Maawa ka sa amin.... Sapagkat Ikaw lamang ang banal Ikaw lamang ang Panginoon Ikaw lamang O Hesu-Kristo ang kataastaasan kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan Ng Diyos Ama Amen!
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira Hipan ninyo ang trumpeta Sa ating pagkabagabag, sa D'yos tayo'y tumawag Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira Hipan ninyo ang trumpeta Ang pasaning mabigat sa 'ting mga balikat Pinagaan nang lubusan ng D'yos na Tagapagligtas Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira Hipan ninyo ang trumpeta