Ito na ang SIMULA ng PAGBANGON ng mga Pinoy Boxing Champions!
Sa darating na ika walo ng Oktubre ngayong taon, susubuking bawiin ni Jerwin Pretty Boy Ancajas ang nawalang IBF Super Flyweight belt na pinakikintab ngayon ni Fernando Pumita Martinez
Si Ancajas ang kauna-unahang Filipino world champion na lumubog sa kumunoy ng kamalasan ngayong 2022.
Hangang sa tuluyang maubos na nga tayo ng matalo si Mark Magsayo.
Ganyan talaga ang ikot ng kapalaran mga idol, darating din talaga na makakaranas tayo ng pagkatalo.
Kabahan na sila, dahil siguradong malupit ang pagbabalik ng ating mga kababayang bitbit ang panibagong determinasyon para muling maging kampeon
Sa videong ito mga idol, babalikan natin ang isa sa mga mala-bakulaw na performance ni Jerwin Pretty Boy Ancajas na siyang tumapos sa pangarap ng undefeated British boxer na si Jamie Conlan!
November 28, 2017 - araw ng Sabado
Todo ang gayak ng mga British boxing fans na nagmamadaling tumungo sa The SSE Arena in Belfast UK para mapanood ang bakbakan ng kanilang pambatong undefeated Super Flyweight contender na si Jamie The Mexican Conlan kontra sa ating kababayang si Jerwin Pretty Boy Ancajas!
Bitbit ang kanilang baso na may lamang beer, halos mamaga na ang kanilang lalamunan kasisigaw ng maglakad na patungong ring ang kanilang manok.
Mas lalo pang lumakas ang kanilang hiyawan ng maglakad na patungong ring ang ating kababayan.
Pangiti-ngiti lang si Ancajas na parang gustong sabihin, lalamunin ko lang na parang tinolang manok ang inyong pambato.
Malaki ang tiwala ng mga Briton kay Conlan na kayang-kaya nitong sungkitin ang gintong titulo ni Ancajas.
Dahil nga naman sa undefeated record ni Jamie Conlan na 19 wins with 11 knockouts, siguradong ipinusta ng mga Briton pati ang mga tsimosa nilang mga kapitbahay.
Pero ng ibinoka na ng ring announce ang kartada ni Jerwin Ancajas na 27 wins with 18 knockouts 1 loss and 1 draw, halos maihi sa kaba ang mga Briton sa loob ng Arena.
Eto mga idol, hihimayin natin ang round by round highlights ng bakbakan.
Round 1
Maganda ang ipinakita ni Conlan sa first minute ng round 1.
Hindi pa makatama si Ancajas ng kanyang mga power shots.
Halfway through the round, isang kaliwa ang pinatama ni Ancajas sa bodega ni Conlan.
Delayed reaction ang epekto ng suntok kayat di alam ng mga commentators kung ang nangyari.
Pinaghinalaan pa nila na baka na-injury daw ang tuhod ni Conlan!
Eto ang slowmo mga idol!
Round 2 -
Sinusubukang bumawi ni Conlan kaso bodega na ang target ni Ancajas.
Nawarningan ang ating kababayan ng mangigil sa kalaban.
Round 3 -
Inuunti-unti n ani Ancajas si Conlan na parang pulutang mani sa platito.
Parang nakuryenteng isda sa sapa si Conlan sa tuwing aabutin ng suntok ni Pretty Boy.
Isang left straight sa bodega ang pinatama ni kabayan sabay kombo - tumupi sa kanto si COnlan!
Nakatayo pa ang mokong, closing seconds, pinernando poe jr n ani Jerwin ang kalaban kaso inabutan ng recess, swerte pa din ang Briton,
Round 4 -
Wala ng magawa si Conlan, sinusubukan pang sumuntko - wag lang mapahiya sa kanyang mga kbabayan.
Nakorner si Conlan na walang magawa kundi ang kumober na parang armadillo.
Closing seconds - ubos na naman ang hangin ni Conlan ng abutin sa sikmura -
Round 5 -
Binubuhay pa ng mga lasing ang espiritu ni Conlan - kaso lusaw na ang pisikal na katawan ng Briton.
Nakatama ng kanan si Conlan, napatayo ang mga Briton na akala mo e tumama sa lotto.
Low Blow from anacjas - 2nd warning!
Low blow daw ulit - 1 point deduction sa bida ng videong ito.
Pero sa slowmo - sakto sa belt ni Conlan.
Final second - nakatama ng right hook si Jerwin at parang nirayuma ang tuhod ni Conlan!
Round 6 - katapusan na ng laban mga idol!
Bahala na kayo manood.
23 июл 2022