2200 Odo Racing Variant ko Finisher na sa 900kms Endurance 500 kms deritso walang problema di nag iiba tunog ng engine 80 90 takbo 56 km/L parin Malakas talaga makina nya at ma arangkada kahit 6 gear malakas hatak at hindi dun hirap kahit 6th gear 35kph kalang di mamamatay 10/10 Suspension Halos lahat solid haha siguro ang gas tank lang kase ang liit 4.5 lang pero matipid naman
Very nice review lods dahil naguguhan po ako kung saan sa dalawa either si winner or sniper lods mag winner na ako dahil naka double over head na siya lods laban sa mga angatin lods lalo na may naka angkas sayo lods❤❤
Lods bagong bili yung winner x q at first time q rin mgka motor. Normal lng po ba na mainit yung sa harapan nia after mg ride? Parang sumusungaw po tlaga yung init. Thank you in advance po sa sagot.
Yap, kaso yung certain heat para mag on ang fan parang ang taas hahaha. Manggigilid na yung init sa binti bago umandar hahaha. Btw na notice ko din naman na ganon. Pero mas okay sana kung mag activate na agad ng hindi pa sobrang init
@@Motovin15idol normal lng yan under break in kasi break in oil nilagay ni honda sa break in period it means more friction dahil kailangan mag sesear in yung piston rings sa piston block. Experience ko yan sa rs150 in first 1000km, after non pinalitan ko ng fully synthetic oil shell fuel save. Mas naging maganda yung temps pansin ko at smooth yung clutch and gear shifting, d kagaya sa honda gold semi synthetic mainit sa makina. Bilis din umitim after 1500km, sa shell fuel save pansin ko nung nag change oil ako sa 2000km mark, hindi padin gaano kaitim. Meyron padin yung pagka amber color nya at mas lalong tumipid sa gas. Nka hyperclutch ako ngayun at yung kpl highest nakuha ko is 61kpl npaka tipid sa gas
Di ko recommended yung bracket na yan. Maalog yan. Not advisable lagyan ng mabigat. May alog siya and may mga nababalitaan nadin akong napuputulan sa gitna ng byahe
@@commentator9730 wala pa ko nakita mga underbone dito Sir. mostly pang food delivery malalaki makina 200cc pataas. kung meron man mga pangporma na motor mga big bike na
Regarding sa foot peg ang cons lang sa ganyang design pag may tumama na bato sa ilalim didritso tatama sa crank case sapul agad dahil walang foot peg ang nakaharang...unlike sa typical na foot peg yun ang tatamaan..
@@icam7007 tinutukoy mo yung sa ilalim ba banda. Hindi naman ganon kahinang klase ang mga crankcase kung matalsikan ng bato tsaka malabong may batong tumalsik doon sa ilalim mismo ng crankcase. Yung pwedeng tumama don sa ilqlim kung idadaan mo sa mga kanto ng sidewalk matatas na humps. pero mataas naman ground clearance ng winner x.
@@DudongDudong-ds3zg Speaking of crank case hindi ko naman sinabing mahinang klase., pero sa nangyari ka kakilala ko sa TMX 155 yun talaga ang isa sa matibay na motor ng Honda’ pang baragan talaga …pero tinalsikan lang ng malakas ng bato habang nag rides basag agad..alam naman natin na mas makapal ang mga bakal at piyesa noon…At sa experience ko sa Sniper 155 ko nong nag rides ako sa malalim na mga lubak sa kabutihang palad tumama ang malaking bato sa ilalim ng crank case buti nalang doon tumama sa footrest nayupi ng konti ang bakal’..eh kung walang footrest eh sa crank case agad sapul,, kamot ulo sana ako ngayon😄.
Ganda ng content mo lods. Informative and straightforward. Feedback ko lang is manood ka ng tutorials sa pag timpla ng background music at boses mo. Sobrang nakaka distract yung volume ng bg music eh
Salamat sa advise boss, noted yan. Mejo makulit din yung pang edit na ginagamit ko. Okay naman ang output while editing pero pag na render na may time na mas malakas pa bgm sa boses ko 😅
boss may ubox po ba yung winner X? boss anong maganda para sayo, WinnerX or Sniper 155 R? bibili sana ako ng motor, di ko nga lang alam kung alam ba talaga yung mas maganda sakanila. Salamat boss!!❤
Walang ubox pareho. Pero pwede mo siksikan ng mga maninipis na gamit. Nako boss kung tutuusin maganda pareho. If may pagkakataon lang ako na bumili ng sniper bibili ako. Kasi parehong bike may pros and cons. Mas pinili ko lang ang pros and cons ni winner x. Pero if may chance ako na makapag own ng sniper. Go ako agad
During breakin ko triny ko mag 120kph kayang kaya naman pero pag nasa 5th gear at nasa high rpm na like 8k may vibrate na matining sa bandang paa at ramdam dn sa may trottle.. okay lng po ba un papi?
Diko pa ako nag stretch ng ganyang speed. Step by step ako. Pero if sa ganyang speed mo lang nararamdaman yan. Natural lang siguro kasi. Given na pa high rpm kana kaua yung gigil ng makina. May vibration na konti. Diko pa na try kaya di kita madiretso ng sagot. 🙏🏻
@@Motovin15 thanks papi.. oo takbong pogi lang dn kasi ako tipong 5k to 6k rpm lng up gear na ako. Then try ko lng dahil open sa hiway kaya nag try ako mag high rpm at dun ko lng na ranasan ung mejo vibrate.. ung vibrate nya parnag may tumutusok n naliliit na karayom sa kamay at paa haha.
Natural vibration yan, soft break-in ka din pala. If 1k odo kana pataas. Gawin mo if madaan ka sa mahabang kalsada. Ibabad mo siya sa rpm na kung san mo nararamdaman yung vibration na yan. Para dumulas. Tapos minsan sundot sundot ka din ng high rpm para ma stretch makina. Wala ako scientific explanation jan o ano mang theory 😆, ganyan kasi ginagawa ko and yet wala naman naging problema mga motor na hinawakan ko. Smooth ang makina at pasok ng gears
@@ExKarliBurrr tsaka normal mavibrate yan kasi break in oil ginamit ni honda sa break in period, malaki yung friction additives pra sa piston ring seatings dyan. Kapag mag fully synthetic ka kagaya ng shell fuel save, maging vibrateless yung experience mo dyan kasi kaexperience nanga ako dyan. Rs150 since 2018, may karga na ngayun 180cc superhead
Sa Radiator Fan nya sir di ka dapat mag aalala dyan Honda Engineers po nag design nyan alam nila kelan dapat umandar fan nila isa pa mainit talaga Engine ng Honda naalala ko pa sa Xr200 ko 🤭
Napakaganda ng paliwanag mu sir ...same lang din Po...me itatanong sana aku...yung oil niya is 1.1L dapat...or 1.2L vah ..staka 1000km before change oil...2weeks pa tu c Honda 150
1.1L po lagay kapag change oil lang. 1.3L kapag biyak makina, kung kaya every 1K mas maganda. Pero kung hindi okay lang naman as long as aware ka na tumataas na odo mo
@@Motovin15 ya sir...as of now ..250km pa Po tu ngayun . So ibig kung Sabihin...masa break in system pa Siya ika nga....pinait ku na agad ng oil 10W-30 fully synthetic Honda genuine gamit ku...so ..Tanong ku ngayun sir ..pag 1k km na va.....eh mag cha change oil na va ulit aku ...
Oo palit kana pag nag 1k odo ka. Ako kasi 500odo first change oil, tapos nag change oil ako agad nung 1000odo na. Ngayon every 1k to 1.5k odo na routine ko. Pinakamataas na yung 1800
@@Motovin15 oh ganun Po vah ..500km ang sayu pinalit mu na ...so gamit mu na oil. Fully va ..10W-30 rin vah ..ag alam ku...kapag fully synthetic nasa 2500 or 3000k yan pwede gamitin...kapag fully synthetic...Tama vah ..
Own preference. Kahit anong langis gamitin ko, 1k to 1.5k pa din. Fully synthetic gamit ko, superoil 10w40/10w50. Gamitin niyo yung langis na kung saan kayo makakapante.
Di naka align gulong mo boss. Sipatin mo maigi. Wag ka mag base sa markings parang hindi kasi tugma. Nakalimutan ko isama yan 😅 isingit ko nalang sa mga sunod kong upload
Kung tensioner din magiging problema, madali lang solutionan yan, palitan lang ng pang wave 125 na tensioner, tapos haha, @@Motovin15 mga di kasi marurunong sa motor yung naissue dati kay tulfo na rs 150, siniraan agad nila yung honda, kaya na phaseout agad e, yun sana pantapat kay raider 150 noon
Stock pipe po yan boss. Wala ako madinig masyado na stock pipe ng raider kaya di ko macompare. Puro mga kalkal nadidinig ko sa raider o open pipe eh hahaha
Kaya naman boss. Meron pa mas maliit sakin. As long as kaya mo ibalance yung motor hindi problema ang height, sa traffic naman nagagawan naman ng paraan para ma balance
Huhuhu....gusto ko sana nito....pero baka ma STRESS lang ako baka mapagkamalan ako magnanakaw lalo na yung walang alam sa keyless, halimbawa bumili ako sa mall din pagbalik ko yung bago nakakita mapagkamalan ako magnanakaw baka naiwan ang susi at deniritso ko paandar.
Hindi naman siguro boss. Kung sakali namang mapagkamalan ka. Paganahin mo ang remote or pakita mo papers at ID mo. Pero sa panahon ngayon nagkalat na ang keyless na motor. Wala na siguro yung ganyang judgement sa rider. Unless kahina hinala talaga
Ddami na issue nito pag tumagal na at kung madami ng mongoloids na mga buyer rider .. pareho sa click 125 sa sobrang dami ng gumagamit ng click 125 dami na papansin khit di nmn issue haha peace
wla ka nmang dapat ereview jan kc matagal na yang ginagamit,HONDA GTR 150 yan nagpalit lng ang honda ng front kaha at name nya kaya naging winnerX ngaun😅😅😊
Sa inyo na nakakaalam, hindi na dapat ireview pero pano naman yung iba na naghahanap ng personal opinion. Kaya nag shinare ko nalang din experience ko,