Uu Sir, matagal na akong Member ng FEC, Dati nasa FECP kami kaya lang humiwalay kami. Member din ako sa UFEE - United Ford Everest Enthusiast. Share mo lang Sir, walang problema, hwag mo lang gamitin sa personal YT Channel at FB page mo na pang monetise. Ang ibang mga video ko na-share ko na sa Page ng FEC
Kung ford everest ang car mo hwag mong lagyan matatapon din lang, kasi horizontal ang orientation ng oil filter. Pahiran mo nalang ng oil ang O-Ring para hindi sya dumikit kapag pihitin pahigpit…at madaling tanggalin sa sunod na palit mo ng OF. Pwedeng lagyan ng Oil “KUNG” Vertical (with thread on top section) ang orientation ng OF.
No worries po Sir. Magtanong kalang at sagutin ko kapag alam ko ang sagot. Member ka ba ng “Ford Everest Classic”? Kung hindi pa, hanapin mo ang GC ng FEC at mag-joun ka doon. Marami kang matutunan at malalaman about sa Eve natin. Marami din mahahanap na legit ford mechanic at parts sa group na yan. Matagal na din akong member dyan…