At least, he's honest... Hindi yung maganda maganda, para lang hindi masabing nagkamali sila ng decision at balak lang mangdamay ng iba.. salamat sa honesty direk.
Laugh trip tong episode na to. 🤣😂🤣😂 Ramon: Nung binili mo to brand new, Bakit hindi ka bumili ng honda jazz nalang? Direk: Yun nga ang mali ko.... Direk: Pero.. As in hindi ka mabobored dito, Lagi kang may pinapagawa.. hahaha!!
Sir Ramon I'm happy na tuloy tuloy na ang pag vlog mo ng ganitong car content 👌❤️ salamat sir sa pag inspire sa mga tulad kong nagsisimula sa pagiging tito car guy ✌️👌😂
Dati akong technician ng ford dati idol. Laman talaga ng casa yang fiesta 1.0 na yan pati eco sports/fiesta/focus. Sobrang bihira lang madala samin yung mga manual. Sirain yung mga A/T variant.
Good episode Sir Ramon. Had the same exact model ng nagsisimula pa lang ako dito sa states. Toyota corolla ang daily ko sa Pinas but ng time ko na kumuha ng first car ko dito e fiesta kinuha ko kasi yun afford ng budget ko and gusto ko ng mas tipid.........yun ang akala ko and malaki kong pagkakamali. Ang dami kong naging problema sa fiesta and twice ako nyan nasiraan sa highway driving to work. Negative equity ako ng pinagpalit ko for a Honda Fit Sport. JDM number one pa rin, never na ako tumingin o pumili ng European or American made car. But I enjoyed driving yung fiesta kasi sa size and ang dali nya mag fit to any type of confined parking space.
Good & Honest Review, really appreciate it. I was even considering one kaso after watching this gave me the right decision. Don't think some can handle such expenses.
Somehow nakakamiss naman talaga yung may 'sakit ng ulo' or pagawain, pero kung babalikan ko corolla ko dati doon ako natutong mag DIY at konting mechanics. Yung bi-biyahe ka iniisip mo lahat from fluids, electricals at pati na mga turnilyo. Halos dala mo narin lahat ng tools at spare parts haha. Ngayon na sinwerte sa bnew napaka convenient nga, gas and go pero less na yung saya at wala na yung thrilll. Kaya ayun tamang silip parin sa marketplace. Isa nanamang magandang content paps Ramon. More power! JDM Numbawan!
Great episode Sir Ramon, okay yung variety ng mga guest and their cars dahil iba iba yung experiences kahit gano ka simple or ka garbo ang sasakyan, they always love their cars. More power to your channel. #JDMNumbawan
Nakakatuwa itong episode na ito, napaka honest in direk sa kwentuhan nila ni papi, astig itong mga variations ng guests at kotse mo papi! nakakatuwang paunti unti may mga ganitong napapanuod yung mga katulad kong nangangarap na mapasok din ang car culture. Gusto ko din ng sakit ng ulo HAHAHAHA!
Magandang araw idol! Sa lahat ng Fiesta yan ang malungkot... Yung 2015 ko 2017 pa lang ay 50k km binenta ko na kasi unti unti na nagsisimula ang sumpa.. After selling I bought a Suzuki Swift up to now di ako binigyan ng sakit ng ulo.. muntik ko na nga pakasalan... Always take care idol! Maraming salamat! God Bless always
Fun fact: Ford owned Aston Martin from 91-07, kaya merong design bits na na-carried over sa Ford, like yung front grill design, and most notable ay yung mga Fusion, Focus, and other cars na narelease ng Ford USA. Solid vlog as always sir dragon!
Medyo dinaya lang ng Ford yung Aston-Martin dahil yung designer ng Aston-Martin, kinuha at inilipat muna ng Ford kaya parang nawalan ng self identity ng mga Asto Martin cars. Kaya umalis na yung Aston-Martin sa Ford
Ford Ecosport owner here before and masakit talaga sa ulo yung maintenance ng mga kotse ng ford. Mga bumibigay kagad is yung ABS Module, Transmission at kahit yun cowl cover need palitan dahil mabilis lumagutok. Japanese car talaga kung durability paguusapan.
YUNG KAPIT BAHAY KO NAKABILI NG FORD ECOSPORT SECOND HAND, AFTER 3 MONTHS NAGKAPROBLEMA PINASOK SA CASA HINDI NAILABAS KASI WALA NA DAW AVAILABLE NA PART SA SIRA...BADTRIP
Same experience din coming from 2013 Fiesta S orange, love hate relationship dahil sa repairs, until ginive up na namin nung 2019 pero ang tulin nito. mahirap din talaga i-let go nakakarelate! pero practical lang kaya kailangan ng i-let go
Ford Fiesta 1.0 2015 owner here. Happy owner here... kaya mas ok din na hands on sa pagpapaayos hehehe DIY kung kaya. At dapat may group to support talaga. Hot Hatch indeed!
2014 Honda City ko, this year lang nagpalit ng radiator fan motors, this week lang nagpalit ng tie rod, rack end and stabilizer bar. That's after 85k kms!
Papi ramon, more on this kind of content. Yung mga sasakyan na sakit nang ulo na kailan mo nang banig banig na biogesic. Parang its fun to watch and informative plus additional charisma pa yung mga user na tumatagal because they love thier car
2016 ecosport user here. Buhay pa naman sya until now and good performance pa rin. So far ang napalitan ko palang is battery, tie rod and rack end. Transmission and engine are still good. It has a 10 year warranty on TCM but hopefully I won’t have to ever use it.🙃🙃🙃
Sir Ramon sana makagawa kayo ng video about advantages at disadvantages ng carb and efi na auto hehehe dahil sayo nahihilig ako sa mga jdm hahaha jdm numbawan talaga ☝🏽❤️
i currently own a 2014 MT ford fiesta with 1.5 Duratech engine with around 87k+ mileage, but unlike this one (ecoboost engine) only the radiator fan was being replaced due to failure. the rest of the parts replaced are normal wear in tear parts. (batterry, belts, bulbs etc). the door latch issues are true but ford libis replaced 4 of those latches without a cost. overall I'm happy with my car.
Matibay talaga paps, Duratech is based sa L series ni Mazda nung partners pa sila. Kaya tignan mo mga lumang Mazda and Ford malakas at matibay makina, tranny lang issue sa iba.
Dito din sa America Boss Ramon. Kwento ng mga Kano kong katrabaho sabay sila bumili ng tatay niya ng truck 20 years ago. Chevy sa kanya tapos Ford sa tatay niya. Naka 3 palit na ng truck tatay niya kasi laging sira, yung Chevy niya ayos padin.
Yung 1.6 2012 version nito ang 3rd car ko. Forget resale value; binibili to because of how it drives. One of the best handling cars I ever drove. Ang saya nya sa Maralique. And In car tech (for the time) was much more than what most others offered for the same range. To be fair, swerte ako sa unit ko, did not have any issues for the 6 years/80,000KM na minaneho ko sha. Inaabangan ko na yung tranny issue na alam ko talamak dun sa dual clutch nito, pero sinwerte na hindi naman tinamaan.
Add ko lang pala... yun door latch, may recall ang Ford dyan kaya yun akin, libre papalit, bago pa masira. Nagpa sked lang ako sa Casa.😄 Naka-Albay na ako dyan nung 2022....saya talaga syang i-drive. #TeamFiestaPh
Lalo ko tuloy minahal Hyundai Getz ko. Na sa inaraw araw kong ginamit , mapa long o short ride , heavy traffic mn , sa araw araw never ako pinahiya , akala ko nuon pqg mga korean car , panget , mahina , madali masira , pero naglakas loob ako sa maliit na oto na 1.1 3cylinder pa ,parang ako ung napahiya s sarili ko. Kasi mali un sabi sabi na hindi matibay mga korean car. 2yrs na saakin at araw araw pang rat ratan sa daan , gas lang palage ginagastos ko at palit tires xmpre pero all in napaka goods naman. JUST SHARING lang nmn mga sir. Ahihihi more review papi Ramon , next chevy sonic hatch naman 😁😁😁🤝
Same experience sir, Kia Picanto 2006 model nman sakin, wala ako masabi sa reliability, ikaw n lang tlaga mag-sasawa, hehe. Underrated lang tlga dito satin ang mga korean car, pero para sakin sila yun budget at newbie/beginner friendly na sasakyan. Sana ma-feature din ni Sir Ramon ang Getz at Picanto, Kasi swak nman kasi tlga siya sa mga hindi nman gaano kalaki ang budget na gusto magkaroon ng reliable na sasakyan. Nabenta ko na Picanto ko and 4years din siya sakin, pinalit ko korean p din, Hyundai Eon mas tipid sa gas.
@@Oliviaa0 kaya nga po. B4 nag jdm jdm dn ako, 90s na civic at lancer , sa 22o lang dn hyundai tapos maliit na oto wala sa option ko pero ewan ko bagkos ito un bnili ko since nun makita q dn nmn na alaga tlaga sya nun dating owner 1 factor ndn cguro un kumbakit tumagal at matibay , but yes madami nagsasabe na napaka reliable tlaga ng maliliit na oto hyundai or kia. Basic maintenance lang talaga kelangan , pyesa wise at samahan ng tamang alaga parin 🙂 sana ma feature ni papi ramon mga kotche nato lalo pra sa mga beginner o 1st timer na d kaya un mga modelo gaya ng wigo , celerio spark etc n tipo un maliliit na oto. Underrated talaga.
Huling huli mo sir. Ako 2014 Hyundai Eon, 2016 namin naaquire. Sobrang basic maintainance lang and mga maintainance na dala ng wala akong alam sa pagalaga ng kotse (na binabago ko na ngayon). Sobrang maaasahan, literal na daily driven, nadala ko pa Nasugbu na nakakaba pero at the end of the day, nakapunta at nakauwi naman kami ng walang hassle or trobol. Literal na dala ko kahit saan, isa sa pinakanakakatawa na experience anim or pito ata kami sumakay para idrive sa next block pero buhay na buhay naman. 6 years sakin kakabenta lang and tuwang tuwa naman ako sa bago (Korean din and Hyundai owned, Kia hehe), pero yung 6 years na un para sa isang ‘Korean made very basic hatchback’ ay very reliable at enjoyable na ride.
I had a Ford Fiesta 1.0 ecoboost from 2014 to 2021 and did not have any major breakdown. Just the occasional jerkiness in crawling traffic. Car was fun to drive, quick, and sporty. It can easily outrun the Jazz, Vios, Mazda2, Civic1.8, Cruze, Altis, etc but not the Accent CRDi
Baka naman natapat lang si Direk sa malas na unit. Im driving the same model Ford Fiesta 1.0T Ecoboost. Bought brand new noong 2015. 110k kms na ang odo pero okay pa rin naman. Same kami na may check engine but its because wala na rin akong catalytic converter. May mga pinalitan na rin ako pero mostly mga usual wear and tear dahil daily driven din ang oto ko. Plus yung mga nadamage na parts dahil naaksidente, dahil din doon naging project car ko na rin ito. But aside from that, okay na okay pa rin. Nakakapag long drive pa rin from Bulacan / Manila to La Union, Baler, Baguio, Batangas. Di naman pinasakit nito ang ulo ko, at kung may ulo lang ang Fiesta ko, baka mas masakit ulo nya dahil sa sakin hahahahaha May hindi na-feature dito sa vlog, may powershift itong fiesta na to pero walang paddle shifter but instead may +/- buttons sa gilid ng shift knob. One click up and down din ang front passenger window, sa likod lang ang hindi. Yung tranny has an extended 10years warranty, yung sakin since di naman kailangan syempre di pa pinapalitan but marami na rin akong kilalang nakapag claim ng warranty na to. Same goes for the door latch, may extended warranty iyon at papalitan ng Ford for free. All that being said, masaya naman ako sa Fiesta ko. Although, kung babalik ako ng 2015, baka Jazz na lang kinuha ko just for 2 reasons: Mataas ang resale value, at madali humanap ng brand new parts. Matagal tagal din akong naghintay kung magrereview ka ba ng Fiesta, sir Ramon. Buti lumabas to. Nice episode!
Up sa doorlatch. Mine is ecoboost fiesta 2014. Naka receive ako ng email at snail mail from ford regarding sa free change of door latch. Napapalitan ko din cya agad without any charges.😊
sabi nga nung kasamahan namin sa offroading. nakalatag na lahat ng rig, HILUX, NAVARA, DMAX at yung 2019 na FORD WILDRTRACK . yung Wildtrack nasira CV axle at as per the owner sirain daw talaga, pero itong mga bagong wildtrack naman this year sobrang pogi!
Proud fiesta 2012 user here! daming sakit, transmission, engine support, ABS, lagi naka check engine, overheat, door lock na hindi masarado etc :) Pero di ka bibiguin nito, na byahe ko to ng Manila-pagudpod kaya sulit na din. 7 years din siguro namin nagamit. Then we decided to sell it for 100k! Goodluck sa buyer sa pag papaayos.
Same sir 😅 Di ka bibiguin sa takbuhan ni FOFI at ang sarap pa gamitin yung nga lng tama ka sir plaging nka check engine mejo sensitive kaya ayun ginive up ko na din 😅
grabe sir Ramon and direk. thank you sa car review na to. bibili sana ako since nakita ko na mura lang to. buti na lang nakita ko tong episode mo. napaisip ako. thank you very much.🤣
Sa amo ng papa ko bumili dati ng 2014 na ford fiesta. Safe naman pagkauwi sa bahay pero kinabukasan, check engine kaagad. Binalik sa ford para ipaayos kaso hindi na nila naiayos yung check engine so nag offer ang ford alabang na palitan nalang ng bagong unit ulit 😅. So ayun ginawa nalang refund at bumili ng toyota corolla 2014 model.
Bias ako sa Japanese cars JDM number 1 eka nga pero I love my old Ford Focus diesel. Nakakatatlong palit na ako ng turbo at ang last palit kong turbo pang Kia Carens ang nilagay haha. Meron nga sigurong kanyang charisma at personality ang isang kotse sa mata ng may-ari.
Nice episode.....pwedeng pang mahal na araw si Direk ganap cyang Kristo tapos sampung latigo ang tatama sa kanya pero ok lang sa kanya ang mga gastos ng Ford Fiesta..
Kung nag hahanap ka Ng batong ipupokpok mo sa ulo mo bagay na bagay sayo tong ford fiesta! Mura na mapapamura kapa . Magandang libangan to sa mga di alam saan gagastusin pera nila.
I drive a ford focus ST and it's quite reliable din! At first sabi ko disposable car kasi compare sa experienced ko sa jdm cars na pangmatagalan talaga!
Idol Ramon dati din akong may Ford Fiesta. Trust on experience.. 1 year lang ako nag ford fiesta nakapagpalit na ako ng transmission at lahat ng nabanggit ni sir same din sakin. Take note pla dito ako sa UAE Dubai.. pero sa kabila ng lahat nakakatuwa sya idrive.. sporty sya super. Mamahalin mu tlga lalo na't marami kang pinapagawa. Pero ngayon nakaCivic FB na ako. Hahahaha 😅😅😅
Lakas po hatak nyan Turbo 1.0 very responsive kaya dun sa mga nka subok nyan worth it . Thanks sa honest review experience ng owner ng Ford Fiesta 1.0 and Thumbs up Sir Ramon B.
We had our ford Explorer sinukuan narin namin. Hehe 2013 model nagkaroon ng check engine, abs module issue, engine support problem, cv joint problem, radiator fan problem, tie rod problem, stab link problem AT MARAMI PANG PROBLEM. Naging masaya namab po kami sa kanya kaya lang di na po kaya ng bulsa. Hahaha
Ford Focus 2013 owner here, ahaha one way pra mka tipid sa ibang issues is learn to DIY, like actuator if sira na madali lang palitan sa ford, last time nag LEAN mixture error saken, since siguro may background ako sa engine onti kinalas ko injector at pina injector cleaning, aun naayos, now planning to do DUAL FAN setup since mataas ung usual TEMP ng ford focus via OBD, laging 105-108 average pero sa built in guage nka half parin hehe...