Mag eend of the year na, 2022 na grabe ang bilis ng panahon, oo matagal na panahon na to, pero pag naririnig ko yung mga ganitong kanta, bumabalik lahat ng saya, lungkot, at mga taong nakasama. Sana makabalik ako dito sa mga kanta na to. Sa makakabasa neto, palagi kayo mag iingat at sana maging successful kayo sa buhay. Don't stop grinding! Make a better future for yourself. God loves you all the time.
05/09/2022 This song helped ease my election 2022 anxiety especially the part of Sabrina "Ano bang nakita mo sa dota na wala ako." As of this posting, I'm while listening to this song while finalizing my kodigo of who to vote later. I hope we will elect better and competent leaders. Hindi ko alam kung bakit itong song. I guess because of the nostalgia. Hayss! Lavern! Ipanalo natin to! - Prior Walter
Si Dota, isa lang sa mundo GF, napakarami n'yan Si GF, iiwanan ka din n'yan Si Dota, hindi Si GF, nagagalit kapag nagdo-Dota ka Si Dota, hindi nagagalit kapag nag-GF ka Si Dota, 20 pesos lang, masaya na Si GF, baka 200 pesos, baka 'di pa masaya 'Pag nakakakita ka ng ibang hero, 'di nagagalit si Dota Pero 'pag nakakita ka ng ibang babae, nagagalit si GF Si GF, 'pag iniwan mo, mahirap kang balikan Si Dota, kapag iniwan mo, handa ka pa ring tanggapin Ano'ng mas gusto mo? Dota o GF? Ano'ng pipiliin mo, Dota o ako? Ano'ng mas gusto mo, 'pag kasama ka'y 'yon ang nasa isip Ano'ng mas gusto mo, Dota o ako? At ano ako sa 'yo? Ano'ng mahalaga, mahal mo ba akong talaga? Defense of the Ancient, tayo nang mag-Dota Umulan o bumagyo kahit naka-bota Tawagin na ang tropa, let's start the countdown Everybody push, get ready for gangbang (first blood) Pumatak na ang dugo Within three minutes, ang bilis makabuo Parang basketball lang, make me like Mike Sa dami kong kills, ako'y naging (Godlike) Go line, stand, paki- toss yan Pagkatapos n'yan, tayo nang mag-Roshan Nice strategy, para bang Minesky And skills are tight, para bang si Aikee Destroy the last tower, panalo ang kuhain Basagin na natin ang puno ng Mulawin Good game, maybe, next time sir Imba, sorry ka, GG na, sir Ano'ng pipiliin mo, Dota o ako? Ano'ng mas gusto mo, 'pag kasama ka'y 'yon ang nasa isip Ano'ng mas gusto mo, Dota o ako? At ano ako sa 'yo? Ano'ng mahalaga, mahal mo ba akong talaga? Kapag naglalaro, anong ligaya ang nadarama Nalilimutan ang problema at 'pag nadarapa 'Di ako nagdadrama, tingnan ang pagkakaiba Kapag sinaktan ka ng girlfriend, puso ay nagigiba Kapag mayro'n kang pera, kapag mayro'n kang TF Ang Dota, 20 pesos, the rest, mapupunta kay GF 'Di ka kayang mahalin ng Dota kailanman 'Yan ay nagbibigay libang kahit sa sinuman Ano ba'ng nakita mo sa Dota na wala ako? Kaya ka bang mahalin ng Dotang sinasabi mo? Ang Dota ay laro na pwede mong paglaruan 'Wag mong itulad sa akin na nasasaktan Ano ba'ng nakita mo sa Dota na wala ako? Kaya ka bang mahalin ng Dotang sinasabi mo? Ang Dota ay laro na pwede mong paglaruan 'Wag mong itulad sa akin na nasasaktan Ano'ng pipiliin mo, Dota o ako? Ano'ng mas gusto mo, 'pag kasama ka'y 'yon ang nasa isip Ano'ng mas gusto mo, Dota o ako? At ano ako sa 'yo? Ano'ng mahalaga, mahal mo ba akong talaga? Ano'ng pipiliin mo, Dota o ako? Ano'ng mas gusto mo, 'pag kasama ka'y 'yon ang nasa isip Ano'ng mas gusto mo, Dota o ako? At ano ako sa 'yo? Ano'ng mahalaga, mahal mo ba akong talaga? Ang Dota ay isang larong imbento Ito ay libangan ng mga tao Ngunit mag-aral muna nang mabuti para sa kinabukasan mo Upang sa hinaharap, maipagmalaki mo
I hope yung mga new gen na naglalaro mapa dota/lol/ml etc ay mapanuod to ganda ng mensahe sa dulo. It's been two decades since my very first dota game. Nadagdagan na ng apat na letra pangalan ko ENGR, nakabuo na ng sariling PC and still playing Dota 2 in my spare time or pag sobra stressed sa work 😁