Тёмный

AKLAT NG NEHEMIAS 

READ SCRIPTURES
Подписаться 104 тыс.
Просмотров 57 тыс.
50% 1

#AKLATNGNEHEMIAS
Ito ang salaysay tungkol sa mga ginawa ni Nehemias na anak ni Hacalia.
Ang Pananalangin ni Nehemias para sa Jerusalem
Noong ikasiyam na buwan, ang buwan ng Kislev, nang ika-20 taon ng paghahari ni Artaserses sa Persia, naroon ako sa palasyo sa Susa. Doon ay pumunta sa akin ang isa sa mga kapatid ko na si Hanani. Galing siya sa Juda kasama ang ilang kalalakihan. Tinanong ko sila tungkol sa Jerusalem at sa mga Judio na nagsibalik mula sa pagkakabihag sa Babilonia. Sumagot sila, “Labis na nahihirapan ang mga nagsibalik sa Juda, tinutuya sila ng mga tao sa paligid nila. Hanggang ngayon, sira pa rin ang pader ng Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito.”
Nang marinig ko iyon, umupo ako at umiyak. Ilang araw akong nagdalamhati, nag-ayuno, at nanalangin sa presensya ng Dios ng kalangitan. Sinabi ko, “Panginoon, Dios ng kalangitan, makapangyarihan po kayo at kamangha-manghang Dios. Tinutupad nʼyo ang inyong kasunduan nang may pag-ibig sa mga umiibig sa inyo at tumutupad sa inyong mga utos. Akong lingkod nʼyo ay nananalangin araw at gabi para sa bayan ng Israel na mga lingkod ninyo. Pakinggan nʼyo po ako at tugunin ang dalangin ko. Ipinapahayag ko sa inyo ang mga kasalanan naming mga Israelita, pati ang mga kasalanan ko at ng aking mga ninuno. Lubha pong napakasama ng ginawa namin sa inyo. Hindi namin tinutupad ang mga utos ninyo at mga tuntuning ibinigay sa amin sa pamamagitan ni Moises na inyong lingkod.
“Alalahanin po ninyo ang sinabi nʼyo noon kay Moises: ‘Kung kayong mga Israelita ay hindi maging matapat sa akin, pangangalatin ko kayo sa ibang mga bansa. Ngunit kung manunumbalik kayo sa akin at tutupad sa mga utos ko, kahit mangalat pa kayo sa pinakamalayong lugar, titipunin ko kayong muli sa lugar na pinili ko upang akoʼy parangalan.’
“Kami po ay mga lingkod nʼyo at mga mamamayang iniligtas ninyo sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at lakas. Panginoon, dinggin nʼyo po ang dalangin ko, na inyong lingkod, at ang dalangin ng iba pa ninyong mga lingkod na nasisiyahang igalang kayo. Bigyan nʼyo po ako ngayon ng tagumpay sa paghiling ko sa hari. At nawaʼy kabutihan ang maipakita niya sa akin.”
Nang panahong iyon, tagapagsilbi ako ng inumin ng hari.
PLEASE SUBSCRIBE MY CHANNEL
GOD BLESS YOU ALL...

Опубликовано:

 

19 фев 2021

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 28   
@user-nz4wn8ok9d
@user-nz4wn8ok9d 7 месяцев назад
Pinupuri kita Panginoon sa Araw na ito.Salamat po sa mga Salita Mo sa Oras na ito.Panginoon Diyos Ikaw po ang aking Dakilang tagapagturo..Salamat po sa kabutihan Mo aking Panginoong Diyos.Amen
@user-zy4ro9ov1h
@user-zy4ro9ov1h 4 месяца назад
Napakabuti Ng Dakilang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at Ng Panginoon JesuCristo na may likha Ng lahat at Taga pagligtas. To God be the Glory Amen ❤❤❤
@jhiebermudez3971
@jhiebermudez3971 6 месяцев назад
hnhanap ko po ung my bnbsa😢. anyway tnx po uplod. salamat sa Dios s knyang mga salita❤.
@akozdhimztv8837
@akozdhimztv8837 Год назад
Purihin ang makapangyarihang "DIOS" na my likha ng lahat🙏🙏🙏❤❤❤❤in "JESUS" name❤❤❤Amen🙏🙏🙏🙏❤❤❤❤
@FelixBuenaflor
@FelixBuenaflor 4 месяца назад
Amen🙏🙏🙏
@faustaalegre8811
@faustaalegre8811 Год назад
PURIHIN ANG PANGINOON!! SALAMAT SA PAG-UPLOAD SA MGA SALITA NG DIYOS!! MAS MADALI ANG MAKINIG!!
@miguelpangan2238
@miguelpangan2238 8 месяцев назад
qqqq
@garlandgreene6955
@garlandgreene6955 2 года назад
God is great
@helenmanuel9800
@helenmanuel9800 Месяц назад
❤❤❤😇
@aliciaochiai7186
@aliciaochiai7186 2 года назад
Amen. God bless ❤️❤️❤️❤️🎈
@divinatabon7304
@divinatabon7304 9 месяцев назад
Thanks be to God
@sisEdnabartina
@sisEdnabartina Год назад
To God be all the Glory
@user-nz4wn8ok9d
@user-nz4wn8ok9d 7 месяцев назад
I love You Lord
@RonaldMPena
@RonaldMPena 2 года назад
Salamat po sa inyong pag upload ng Salita ng Diyos.
@schatzsingingcareer9542
@schatzsingingcareer9542 2 года назад
L
@schatzsingingcareer9542
@schatzsingingcareer9542 2 года назад
P
@schatzsingingcareer9542
@schatzsingingcareer9542 2 года назад
P
@boyakzksa7379
@boyakzksa7379 2 года назад
♥️♥️♥️♥️♥️
@ellenabe3609
@ellenabe3609 8 месяцев назад
Amen🙏
@jhenmercz5710
@jhenmercz5710 2 года назад
GOD BLESS PO
@regaladodomingo7078
@regaladodomingo7078 2 года назад
God bless
@rolandoruto3647
@rolandoruto3647 Год назад
May Mahal na. Araw Pala Mila noon. Ang araw na pag pahinga. Yin ang ikapitong araw
@jacobrosal9444
@jacobrosal9444 Год назад
Amen
@ellenabe3609
@ellenabe3609 8 месяцев назад
Purihin ang Dakilang Diyos ng Israel May gawa ng Langit at Lupa 🙏☝️❤️🙇‍♀️
@joyrabor6316
@joyrabor6316 2 года назад
😇
@rolandocuizon1065
@rolandocuizon1065 5 месяцев назад
Purihin ang DIOS ng Israel
@xiobhannquiton6908
@xiobhannquiton6908 2 года назад
HQ
Далее
AKLAT NG MANGANGARAL
42:46
Просмотров 87 тыс.
AKLAT NG AMOS
36:31
Просмотров 19 тыс.
MacBook Air Японский Прикол!
00:42
Просмотров 130 тыс.
Rose Burrito #shorts
00:35
Просмотров 3,7 млн
AKLAT NG ESTER
41:42
Просмотров 41 тыс.
The Holy Bible - Book of Nehemiah | The Bible Warrior
1:08:11
AKLAT NG EZRA
57:26
Просмотров 37 тыс.
ANG SULAT SA MGA HEBREO
1:05:41
Просмотров 230 тыс.
AKLAT NG ZACARIAS
49:28
Просмотров 37 тыс.
AKLAT NG PANAGHOY
24:45
Просмотров 16 тыс.
My Name Is Nehemiah And This Is My Story
47:47
Просмотров 1 млн
AKLAT NG MGA HUKOM
2:03:51
Просмотров 100 тыс.
ANG UNANG SULAT NI PABLO SA MGA TAGA-CORINTO
1:26:08
Просмотров 238 тыс.
MacBook Air Японский Прикол!
00:42
Просмотров 130 тыс.