Cuttings po yung sanga na tuwid para sigurado tutubo... Madali lang po mabuhay isaksak lang sa putik at hayaan lang, magugulat ka nalang may usbong na...
Maki tanong lang kaibigan, meron kasi kami alagaw na basta na di namin alam kung paano nabuhay sa tapat ng bahay , sa totoo lang kailan ko lang din nalaman na ang alagaw pala ay napakaraming maibigay sa ating kalusugan, Nakita ko ang video kung paano itanim ang cuttings , ibig ko lang po sana matiyak kung ang pagtusok sa lupa ng sanga ay tila pabaliktad, ibig ko sabihin yung dulo ba ng sanga ang itutusok sa lupa? Salamat po.
wag po pa baligtad.. dapat pa ayon sa tubo ng sanga para sure na tumubo.. mas maganda po sa laging basang lupa para agad tumubo ang ugat tapos ilipat nalang sa pwesto gusto ninyo kapag may ugat na..
meron din po pala dyan na Alagaw? baka dahil sa klima at uri ng kapaligiran kaya nag adopt yung alagaw na ayon sa lugar.. magka amoy din po ba at magka lasa? maganda po sigurado ang lugar nyo dyan.. salamat po sa panonood po sa amin...