Kamukha mo si Paraluman Nu'ng tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-Boogie man o Cha-Cha Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig-balahibo Pagkagaling sa 'skwela Ay didiretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay Naninigas ang aking katawan 'Pag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng beywang mo At pungay ng 'yong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo'y magkaakbay At dahan-dahang dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso, hoo Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay La la la la, la la, la la, la la la Lumipas ang maraming taon 'Di na tayo nagkita Balita ko'y may anak ka na Ngunit walang asawa Taga-hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskinita Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay La la la la, la la, la la, la la la La la la la, la la, la la, la la la
Para Sa'Yo ni Juan Karlos Labajo po sana and Then There's You by Charlie Puth po Wala po akong nakitang mga piano tutorials para sa mga songs na 'to.....