PAGKATAKOT SA DIYOS
Series 3
Psalms 111:1-10
10 "Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
ANG PAGKATAKOT SA PANGINOON AY PASIMULA NG KARUNUNGAN
Bakit sinasabi ng Bible na ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan?
1. DAHIL PAG MAY TAKOT KA SA DIYOS, MADALI MONG MATANGGAP AT MAUNAWAAN ANG MGA KAHANGA HANGANG GAWA NG DIYOS. VV. 1-3
Psalms 111:1-3
1 "Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2 "Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3 "Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
NOTE:
1. Learn how to acknowledge, and how to appreciate the beauty of God's creation...
2. Magpasalamat sa Diyos, dahil humihinga pa tayo at nakikita pa natin ang creation ng Panginoon..
3. May mga taong mahilig mag travel around the world, nakikita nila ang ibat ibang creation...ang kagandahan ng nature...
4. Magpasalamat at sambahin ang Diyos, sapatkat nakakalanghap pa tayo ng sariwang hangin, Nakakakuha pa tayo ng tubig na maiinom, Nababalanse niya ang temperatura ng sikat o init ng araw...
5. Magpasalamat at sambahin ang Diyos, sapagkat nakakain pa ng sariwang damo ang ating mga alagang hayop, pinapabunga niya ang ating mga nanim.. Hindi namamatay ang mga isda sa dagat, nakaka bili at nakakain tayo ng mga sariwang isda..
6. Kahanga hanga ang Diyos, walang makapapantay sa kanya, di masukat ang kanyang kaalaman...
7. Ang taong mapagpasalamat sa mga gawa o ginawa ng Diyos, ay isang taong may takot at paggang sa Diyos...ito ang tunay na wisdom...THE FEAR OF THE LORD IS THE BEGINNING OF WISDOM.
Pagmay takot ka sa Diyos, madali mong matanggap at maunawaan ang mga kahanga hangang gawa ng Diyos..Vv. 1-3
Bakit sinasabi ng Bible na ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan?
2. DAHIL PAGMAY TAKOT KA SA DIYOS, MAAALALA MONG MAY TUNAY NA DIYOS NA LUMIKHA SA LAHAT NG BAGAY. Vv. 4
19 сен 2024