ang ganda ng mga insights pag galing mismo sa mga gen z na magulang. nakakatuwa na pursigido talaga si Junnie at Vien maging mas mabuting magulang para sa mga anak nila.
Napakaauthentic tlga kayong dalawa. Warla lambing ❤happy anniversary. Proud ako sa inyo dahil lumalaking mabuting bata si Mavi at Viela. Nanay yarn haha Good job guys.
@6:54 ang talino naman ng anak nyo, at his age naisip nya yun at very concern na baka mahulog ang camera mo! Congratulations! to both parents, you are doing a good job not only as influencers but also as a good parent.
Napakagandang content boss Junie! Makakasabi ka talaga ng SANA ALL sayo Mam Vien kasi sa 6 years namin na pagiging kasal, ni hindi ko man lang narinig sa asawa ko na proud sya sa akin. Siguro kasi wala pa akong naipapatayong bahay. Ewan. Kasi lage nya kasi yung sinasabi. Nasan na daw ang bahay namin. Bat daw yung iba nakapagpatayo na ng sarili nilang bahay e samantala kami nangungupahan lang. Nakakapanliit kasi e. Parang napaka useless ko naman na asawa. Ginagawa ko naman lahat, overtime araw2x nang 4-6 hours. Minsan nga, inaaya ko sya na pasyal kami, gusto ko sana e date sya pero inaayawan ako lagi. Sa totoo lang, parang yung anak nalang namin yung rason kung bakit kasama ko pa sya. Siguro kung wala kaming anak, matagal na siguro akong iniwan neto. Kasi mas pipiliin nya pang makasama yung barkada nya kasi samin pamilya nya. Kahit mag out-of-town, pag ako mag aya, may dahilan agad, kesyo pagod daw sya pero pag yung mga friends nya mag invite, ay walang ka pagod2x at aalis agad. Siguro eto na yung swerte ko. Okay lang, bastat kasama ko pa din yung anak namin. Sa kanya nalang ako mag focus. Pagbubutihin ko pa ang pagtatrabaho para sa anak ko. God Bless po sa inyo dalawa Boss Jun at Madam Vien. Happy anniversary! ❤️
Mapapa sana all ka nalang talaga sa sobrang open nyo sa isat isa.Ang sarap sa feeling ng ganito may time kayo mag usap at iopen mga dapat pagusapan.kakainggit
So far po kahit busy sa trabaho kahit papano nag kakaron ng oras sa pamilya iba kasi tlga pag family bonding minsan lang kasi maging bata mga anak someday kasi iba na focus nila kaya tuwing off laging sa kids ang focus tapos pag tulog na kay Misis na haha good vlog sorry po sa long comment Happy anniversary po
Ibang iba talaga magiging mindset niyo pag Married Couple na kayo, sobrang mag iiba ang perspective sa buhay, Tapos continues learning pag dating sa family and other aspects ng life ❤
Nakakainggit. Pano nila nagagawa tong ganito ka open ng communication. 7 Years na kami ng finace ko. Never kami nagkaron ng ganitong conversation. Kung makakapag initiate siguro ako, magkakaron kami ng ganito. Kaso para kong nahihiya na ewan. Haha. Happy Anniversary boss Junie at madam Vien! 🫶
Happy Anniversary sir Junnie and ma'am Vien.. Ang ganda at ang Saya Nung anniversary celebration.. stay strong Po.. pero Yung sa last part, ano nangyari Kay sir Junnie? Nilayuan pa sya Ng mga kasama nya🥺 #JunnieNahuli
Napaka hirap talaga ng naddislocate yung shoulder junniedad, limitado ang galaw magkamali ng banat dislocate agad tapos ang hirap pa ibalik at masakit nakakapanlambot pag di agad ng balik, ganyan din problema ng right shoulder ko junniedad pinagkaiba lang natin takot ka sa surgery ako takot sa magagastos 🥲😂 stay inlove junniedad and ma'am vien! Paaawer!
Angas ng pagkakaedit yung tipong every end ng topic sa parang mini podcast nila Junnievien yung ganap naman nila sa bakasyon. Sobrang nakakakuha ng attention kasi parang may mga commercials in between Q&A nila. HAHAHA😊