Mahal na Puso ni Hesus, Kami ay kupkupin; Akitin ang puso namin, Nang grasya Mo'y kamtin. O Kristo'y dinggin aming panalangin Laging angkinin ang puso namin. Banal na templo't tahanan, Dito ay kalangitan. Ang aliw namin at kayamanan, Ang tangi Mong laan. O Kristo'y dinggin aming panalangin Laging angkinin ang puso namin. Mga Puso'y ipininid, alaala'y said. At ang sala ng tao'y hatid, Sugat sa 'Yong gilid. O Kristo'y dinggin aming panalangin Laging angkinin ang puso namin.