may maganda po na klase ng cdi sir pang rouser po talaga.. mga 1200 o 1800 o 2k po yung . yun po ok sigurado.. my roon po kasi local na 600 lang at 800 lang pero sira po agad
try nyo pong tignan yung gas sir. tanggalin po ang host pipe na nang gagaling sa tanke ng gas sir. baka po mahina o barado sya. pag naka disconnect po ang fuel host sir . subukan nyo pong buksan ang fuel cock o sarahan po ng gas sa tanke. tignan po kung tuloy tuloy ang daloy nya po... pag ok naman wala po dyan ang problem.. pwede rin pong nasa gas... pag pangit po ang naikargang gas ganyan din po nangyayare... saka dapat po palaging unleaded na fuel ang ikakarga sir. kasi pag premium nagkakaproblema sya sa andar nya... yun nga po yung fuel nung saakin ang pangit nung gas na naikarga kaya yun ganyan nangyare namamatay sya.. kaya simula po nun nagparga nalang ako sa petron at shell nalang.. yun nung napalitan po yung gas nya maganada napo andar nya... isa pa po sir check nyo po kung may kalawang ang gas nyo.. kasi kinakalawang din po minsan ang tanke ng rouser sir
Linisin muna po ng maayos ang carb. tapos bugahan po ng air compressor. malinis talaga ang carb. Rubber na o ring sir o yung pinaka parang gasket oring nya. yun po yung goma. pwede naman pong lagyan ng silicon gasket. kung walang mabili... Eto pa po isang dahilan sir... Kung sira po ang fuel cock nyo .. yung hindi nyo na papatay yung pagdaloy ng gas na galing sa tanke... Kung di po kasi na o-off yan, o napapatay yun gas, galing tanke. mag ooverflow din yung gas nung rouser . Yan na yan ang sakit ng motor ko po nun... Kaya ginagawa ko.. pagkatapos kung ginamit.. off kuna o pinapatay ko yung sa fuel cock sir... pa horizontal po ang pag patay nya