Baka lumot po ang tinutukoy nyo sir.. magkaiba ang lumot at wolfia.. ang lumot ay talagang KUMAKAPIT sa mga surfaces gaya ng bato pero itong wolffia ay nakalutang lang talaga sya sa tubig at pagkinuha mo ay mararamdaman mo talagang may maliliit na butil na parang pinong pinong giniling na mais unlike dun sa lumot na madulas at wala kang makakapang butil. Kung ganyang maliliit na butil ang tinutukoy mo, yan napo ang wolffia.
Sorry po sir wala po akong alam. Itong sa akin kasi kusa nalang 'tong tumubo sa azolla pond ko nung matagal na nakatambay lang ang pond na walang inilagay na azolla. Pinagdududahan ko galing siguro to sa mga pinatuyong balat ng saging na syang ginawa kong pampataba sa azolla pond. Subukan mo daw sir na maglagay ng mga pinatuyong balat ng saging sa'yong azolla pond at huwag mo munang lagyan ng azolla ng mga dalawang linggo (dapat din yung pond mo ay nabibilad sa araw) tsaka tignan mo after 2weeks, pag may tumutubong PARANG LUMOT (kulay berde) na nakalutang sa tubig (hindi sa ilalim) kunin mo at kung para syang pinong pinong butil ng mais (manigas nigas na magaspang at 'di madulas) wolffia napo yan.
Sorry po sir wala rin po akong alam kung saan pwede.. 'tong mga wolffia ko dito kusang tumubo lang po ito sa azolla pond ko nung matagal tagal na nakatambay ang pond na walang itinanim na azolla.. kala ko nga noong una lumot.. wolffia pala kaya hanggang ngayon 'tong isang azolla pond ko may halong wolffia. Ito narin ang ginagamit ko na para pagkain ng aking mga manok.. azolla na may halong wolffia.