Engr gud am. Saan po ba location nyo? Para makapasyal sa farm nyo para makacguro na legit ang makukuhang rtl this coming sept or october. Dati laur nueva ecija ako nakakuha ng rtl etik. Salamat
Sir, tanong ko lang po.. Magkano binibigay ninyo sa tiga pastol or tiga alaga ng mga itik? Balak ko po kasi bumili ng halagang 35k na itik para magalaga, tapos ang magaalaga ay ang kuya ng asawa ko . Ang gusto niya hati sa itlog 50/50.. Tama po ba yun? Paano po ba ang bayaran sa mga nagpapastol? Sana mapansin po, salamat
Lods una di po ako ganon expert lods pero base sa experience ko May tatlo klseng kulay ang ITIK PINAS. 1.Kayumanggi 2.Itim 3.Khaki(campbel) Dyan sa mga kulay na yan lods malalaman mo na agad yung itik pinas pero kapag ang itik mo may halong kulay puti o stripe na puti crossbreed na yun ng bibe o pekin duck which is yun ung mga local raise duck natin na tinatawag na Philippine mallard duck o Itik pateros.
Salamat po sa reply nyu, gusto ko din po kc sana magsimula Ng itikan, Hindi pa po kc ko marunong tumingen Ng itik, eh baka po kc itik Pateros ibigay saken, mahina daw po sa egg production compare sa itik pinas
Yung sa amin lods itik pateros din ito ang totoo nyan wala lods sa breed yan nasa sistema ng pag aalaga yan lods kung itik pinas nga breed tapos di naman maayos alaga mo wala din. Karamihan dito samin pateros lods pero andaming yumaman at laki ng kinikita
Salamat po, nakaka inspire nmn po story Ng mga yumaman na, sana makapag start narin ako ngayun khit 150heads lng, kahit medyu matagal magpalaki, ok lng, ayaw ko kc bumili RTL baka bigyan ako Ng culls