Tip ko: bago sumagot/tawag ng call ng customer try mo ngumiti muna. magging masaya lalo ang usapan. pa shoutout narin sa next vlog. ingat sa byahe. Isipin mo lagi sa daan 'wag ka na makipag talo sa ibang motorista sa daan hindi ka naman mag kakapera sa kanila' mag pasensya, kahit di mo kasalanan at laging ngumiti. ;)
Yun paps. Isa din to sa nakikita ko sa lala app ko, pero di ko pinapansin kase ang laki ng tip nila at beuty products kuno. Dami pickup ganyan pala ang modus nila. Di ko kase kinukuha mga ganyan naghihinala agad ako. Meron pa isa dyan paps. Malaki ang tip 1000 ata FOG MACHINE naman.
Way back bago magpandemic may gumagawa na nyan motor palang gamit ko hahaha buti nalang talaga lagi akong may present of mind sa mga kalokohan nila.. sarap gawan ng kasalanan mga ganyan tao pero nakakakonsensya lang.. sana may konsensya din sila
same scenario sakin sir, walang pinag kaiba, bayaran mo sa 7/11 then pick up, pagdating sa 2nd pick up wala na sila,.. di na makontak, at mali ang address na bibigay.
Sir ano tawag sa gamit nyong phone holder ? may binili ako mga ganyan sa shoppee nun nakatatlo ako ng iba ibang brand kaso laging nahuhulog pag matagtag. Kaya ang gamit ko right now is yung nilalgay lang sa aircon panget nun kasi yung phone namamsa. Baka may tawag dyan yan bilin ko thanks
Matagal n modus yan s 200kg or 300kg basta gnyan format 4896 ang abono tapos tip 500 2 boxes ng beauty products tapos 2 drop off yan s south area hndi nawawala yan
Hindi ba kaya itrace ni lalamove sa app nila yang mga driver na pasaway na yan. Tutal may indicated message sila na "May kasamang tao", sana naman may paraan para matrace nila yung driver na nagaccept. Para mareprimand. Yan din yung nakita naming booking kanina hehehe ikaw pala yung nagaccept lods yung may P500 tip
Nako Kawannabes meron den yan dito sa Laguna si Boy headlight worth 1500+ ata yon madalas yon mag bo book sa Sta rosa to Cabuyao ata ganyan na ganyan den pormahan non ewan ko kung sya den yung nag papabili sa 7/11 pag mga bandang 2am-3am ng Gardenia na tasty tas 2L na Coke tas may Queuing service at Purchase pa, Tas tip na 200+
Kung san san ko nakikita yan papsiiii since nag lalamove sedan na kmi kc nainggit ako sayo hehe chaaaar 😁✌️ minsan 1k pa tip nyan puro beauty product sinasabe nya
Bakit need magbayad sa 711 sa Antipolo? sana ang instruction pay sa KAHIT ANONG 711 then go to Salon then kay receiver... pero malabo pa rin, bakit di sa pipickupan ng item?? e yun nga ang magbibigay ng receipt.. Cashless pa raw e SALON nga, e di mag-GCASH kay Salon! 😂
Sana naman magawan ng paraan ni lalamove yung ganyan abono kuno yun pala scam. Ang daming ganyan booking na lumalabas magbibigay ng malaking tip kunwari. Wag patulan sa tip nila lalo may abono.
Idol kawanabis dti po Ako lalamove rider mkaka balik pa kaya Ako Kay lalamove na band Kasi account ko dhil hnd ko nabayaran ung bag na hulugan Kay lalamove
parang ka boses nya yung nang scam sakin dati..Antipolo Area din..baguhan palang ako sa lalamove nun dati..2k nadali sakin..nung nireport ko kay lalamove wala na daw sila magagawa dun..nai block lang nila yung number ng scammer... wala lang share ko lang kawannabe..ride safe po
Natumbok mo kawanabis. Marami yan dito sa Cavite City ang address binabago bago lang nila ang address.pero ganun parin detail abono 4,896 plus may tip 500 maeenganyo ka talaga. Hindi ko yan kinukuha kasi alam ko scammer yan. Kinabukasan ganyan na namn ulit ang script. Minsan hindi beauty product ibang items pero same script parin. Ingat tayo mga ka lalamove. Suriin mabuti ang booking. Drive safe po tayo😀
natrauma ako sa 4896 pre kinutuban na ko sobrang labo din talaga muntik ng 10k madale sakin EWAN KO BA NIREPORT KO NA SA LALAMOVE YAN SABI NAKA BLOCK NA DAW NUMBER NYAN PERO KINABUKASA NUNG NA SCAM AKO nag book ulit, grabe trauma ko pre
pamilyar yung boses parang maraming beses na siyang na feature sa mga videos na nang iiscam pati ako muntik na maisahan niyan. di ko makakalimutan yang boses na yan, yang bading na yan taga BDO daw siya😂
Scam yann.. cliqq machine mag babayad.. tapos pag nabayaran na.. hindi na mahilap si drop off! Sa motor meron din nyan.. papabili ng 2coke 1.5 tapos isang gardenia tasty tapos may babayaran pa sa cliqq machine... tsk tsk!😡
Napansin ko na yan. alam ko talaga scam yan.kinuha ko na yang booking na yan pero something fishy talaga. Unang una, yung store hinde masearch sa may google map or fb. Pero ang lupet den kase may sumasagot malamang sya den yan or kasabwat. Sabe ko para makasure dun ko nalang babayaran mismo sa shop. Iniinsist nya na sq 7 eleven lang. Ayun nagcancel na hahaha