Isang achiever si Rosenda, inuna niya ang kanyang pag-aaral kaya siya tumandang dalaga. Marami man ang ireto sa kanya ng mga kaibigan niya, ay parati niya naman itong tinatanggihan. Hanggang sa nakilala niya si Tim na nagbago ng kanyang pananaw sa pag-ibig.
Magmula noon ay naging sunud-sunuran si Rosenda sa mga kagustuhan ni Tim hanggang sa dumating ang araw na malaman niyang ang nobyo na kanyang pinakamamahal ay nakabuntis pala! Ano kaya ang kanyang gagawin?
#BarangayLoveStories #SugarMommy #RosendaStory
2 окт 2024