Music, Words and Orchestration by Darren Vega
Sung by Bianca Lopez and Mark Anthony Carpio
Pagsikat ng araw
Umagang pinagpala
May gintong liwanag
Na bubuhay sa'yong diwa
May hanging banayad
Dadampi't duduyan
Sa daluyong ng isipan mo'y
Sasabihing, "May bagong araw na"
Bagong araw, bagong himig
May pag-asa't kabutihang hatid
Lumipas man ang araw
Sa gabi'y aking tanglaw
May talang kay liwanag
Tulad ng 'yong mga mata
Naubos na ang luha
Tumila na'ng ulan
Kumapit ka't manalig lang
Sisikat na ang araw
Ito ang aking himig
Nais ko'y umayon sa awitin
Kailan ko ba maririnig
Ang pag-asang hatid?
Sisikat na ang araw
Umagang pinagpala
Sa gintong sanaaw ng liwanag
Sasabihing, "Ikaw ang bagong araw"
23 авг 2024