Noong bata pa ako tuwang tuwa lang ako sa kanta na to, ngayon naiintindihan ko na bawat liriko ng kanta nalaman ko na gaano kadelikado ang maling akala sa buhay ng isang tao🙂
Napapanood ko lang to dati sa Myx Daily Top 10. Tapos as an adult, pinakinggan ko ulit kasi namiss ko magsoundtrip ng Reggae. The line "naglayas sa bahay, akala madali ang buhay. Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos." Hits me. Pero di pa naman tapos ang buhay, so it's not too late for me. 😊 Tandaan nalang na magingat palagi dahil maraming namamatay sa maling akala. 🎶🎶🎶
May mga kumakalat na Balita na Ang kaligtasay madaling makuha bago Maniwala magisip isip ka Muna marami Ang namamatay sa maling Akala sa maling Akala sa maling Akala maliit na butas lumalaki konting gusto gumagarabe Hindi mo maibabaon sa limot at bahala kapag nabulag ka ng maling Akala ❤❤❤
😎maliit na problema lumalaki dahil sa hindi pagka unawaan, ang problema maoorung paba pag nadesesyunan na su hindi talaga, su sana mag unawaan, mag intindihan para sa ika bubuti at sa totoo makinig.
Sa Computer shop ito soundtrip namin wala pa internet nun more on offline games pa mga Command And Conquer Generals Yuri's Revenge na Red Alert at yung tiberium wars pati din yung Renegade GDI, NOD. Haha. Swat 4 Metals Slug gamit lumang Emulator haha grabe kakamiss. Dota 1 and CounterStrike ang laro na number 1 that's Wayback 2007 And 2008. Ang bata ko pa nung panahon na yun nasa 8 or 9 years old ako. Ito talaga yung tumatak sa Utak ko hanggang ngayon na Rereminiscing lahat ng nangyari sa past ko na masaya. Solid ang OPM sa Radyo hindi nakakabagot pakinggan. ❤️❤️ Naranasan ko ang Internet 2009-2010. Edited.
Sakto yung lyrics sa taong nag ka instinct. Nanay daw sya sigurado sya na sya binabanggit na spy or backstabber. While ako wala ako halos tingin sa kanya kundi malinis lang sya, wala halos gatuldok na masama o dumi tingin ko sa knya. Halos lahat sa amin sya ang di ko akalaing my immaturity, yun pala sya ang unang huhusga. Hnd nmn sumama loob ko sa knya dahil kung pano ko sya nakilala hnd nagbago yun. Pero this time ilalayo ko nlng sarili ko. Deserve sana nya malaman ang totoo pero closeminded n sya para malaman pa yun. Haaaayysss malungkot tlga na halos hnd lng kaibigan tingin ko sa knya, pero andame ko narinig na hnd maganda after nya magconclude. Wish her success in life and healthy fam
These kind of classic songs are the best Kaysa sa mga songs ngayon na kundi puro iyakan, puro kabastusan.. bilang na lang matitinong song ngayon di gaya dati
Tama ang sinabi ng kanta nato dapat hindi ka dapat maniwala agad sa sinsabi ng mga tao, pag isipan mo muna kong tama ito o hindi dahil pupunta ang maling akala sayo
HAHA nung bata kami pang asar samin 'to ng parents namin. Maliit na butas lumalaki (butas ng ilong ko) tapos konting gusot dumadami (gusot sa noo ng ate ko) hahahahahah skl yun lagi naaalala ko sa kantang 'to
May mga kumakalat na balita Na ang misis ni kuwan ay madaling makakuha Bago maniwala mag-isip-isip ka muna Marami ang namatay sa maling akala Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo Nung ako'y naging binata sa erpat ng syota ko Ngayong may asawa at mayron ng pamilya Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko Di mo na kailangang magalinlangan Kung tama ang gagawin mo Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan Kung di sigurado sa kalalabasan Kalalabasan ng binabalak mo Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami Hindi mo maibabaon sa limot at bahala Kapag nabulag ka ha ng maling akala Nasa'n na ba ako Kaninong kama to Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto Naglayas sa bahay akala madali ang buhay Ngayon ay nagsisi dahil di nakapagtapos 'Di mo na kailangang magalinlangan Kung tama ang gagawin mo Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan Kung 'di sigurado sa kalalabasan Kalalabasan ng binabalak mo Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami Hindi mo maibabaon sa limot at bahala Kapag nabulag ka ha May mga kumakalat na balita Na ang kaligtasa'y madaling makuha Bago maniwala mag-isip-isip ka muna Marami ang namatay sa maling akala Sa maling akala oh yeah Sa maling akala (maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (konting gusot dumadami) Maliit na butas lumalaki konting gusot dumarami Maliit na butas lumalaki konting gusot gumagrabe Hindi mo maibabaon sa limot at bahala Kapag nabulag ka ha Ng maling akala
Title: "HESUS NAZARENO";♥ Intro: "Andito ako para sayo,;♥ hiling ka ng kahit ano, lahat magkakatotoo, wag mag-alinlangan, harapin mo ako sa harapan, wag sa aking likuran, tibayan ko ang loob mo, di ka mapapahiya, basta't ako ang kasama mo, di ka iiwan, san ka man pumunta, anjan ako lagi saiyong likuran, tawagin mo lang, ang aking pangalan, wag matakot, sa mga hiblang sagot, may sing-sing kang suot, Chorus: At nang humimlay ako sa kamay mo, wag mo sanang kalimutan, ikaw ang aking naging daan, sa hinahanap kong kasiyahan, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), wag mo sanang gisingin, habang ako'y nakakanlung saiyong mga kamay, ang sarap ng buhay, kung ikaw ang nakabantay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), sa tadhanang binigay, di na ako muling, magalit sa panghabang-buhay, hawak ko lang ang iyong makinis na kamay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), 1st. stanza) Saan man ako dadalhin ng tadhana, sana matagpuan ang tunay na ina, habang hinahanap ang may akda, nakaukit sa kanang balat, pilit mang binuhat , ang mga kasalanan, nang sanlibutan, wag nyong hayaan, ako'y mabigatan, sa aking pinapasan, di ito biro, ako po ay tunay at totoo, wag matakot, ako na ang sagot, 2nd stanza) Di mo akalain sa maling akala, sapagdalawang isip ikaw aking isalang, sa lahat ng tanong, wag mo nang ibulong, punta ka na sa aking silid kumpisalan, ikaw at ako lang ang nakakaalam, mahal kita BARBIE, kasama ang iyong buong lipi, kaya ikaw ay aking napili, wag mabahala at maniwala, sa mga taong ika'y binabalewala basahin mo ang bibliyang nakahain sa altar mesa, para alam mong di ka nag-iisa, ("i will send you my MESSENGER to prepare the way for me"), Chorus) At nang humimlay ako sa kamay mo, wag mo sanang kalimutan, ikaw ang aking naging daan, sa hinahanap kong kasiyahan, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), wag mo sanang gisingin, habang ako'y nakakanlung saiyong mga kamay, ang sarap ng buhay, kung ikaw ang nakabantay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), sa tadhanang binigay, di na ako muling, magalit sa panghabang-buhay, hawak ko lang ang iyong makinis na kamay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), 3rd. stanza) Sa tuwing napapagod ka, tandaan mo na may mga kamay, na handang bumuhat sayo, pag hindi mo na kaya, matagal pa 'to, wag mong iba-un, kung ako'y malimut mo na, laging tandaan, ikaw ang aking naging daan, sa hinahanap kong kasiyahan, buhay na buhay ang isipan, basta't ikaw ang nanjan, isipan ko'y may kapayapaan, at ikaw ang aking katibayan, sa modernong karansan, 4th. stanza) Ikaw ang tala sa langit, sinulat sa puwang ng kawalan, nang ako'y napaamo, napasunod, napasigla, natakaot, tinakot, at takot na takot, kung ika'y masaktan, di akalain ako'y nagkakaganito, Barbie ikaw ang pinili ng sugo, wag mong sayangin oras, ikaw kinuha ni HESUS NAZARENO, para sa bagong mundo; hintay sa pagtanto, nakasulat ka na sa bagong libro Chorus) At nang humimlay ako sa kamay mo, wag mo sanang kalimutan, ikaw ang aking naging daan, sa hinahanap kong kasiyahan, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), wag mo sanang gisingin, habang ako'y nakakanlung saiyong mga kamay, ang sarap ng buhay, kung ikaw ang nakabantay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), sa tadhanang binigay, di na ako muling, magalit sa panghabang-buhay, hawak ko lang ang iyong makinis na kamay, Oh oh oh..., (ako si HESUS NAZARENO), BRIDGE: "Salamat sayong walang patid na pag-unawa, sa pag-intindi sakin kung may nagawang di tama, ako at ang ama ay iisa, sa hindi mong pagsuko sa binuo nating bagong mundo, ikaw ang isisigaw sa langit man o sa buong mundo, at ika'y tunay napili, ako'y para sayo";♥
kala ko sa tubig dagat lang at ilog. mga talangka😂 pala pati sa lupa lumalakad na cla? sa lupa din.😂😂 maulam nga. masmataba yata talangka sa lupa eh nu?😂😅