Nagtungo ang ating #AngatBuhay team sa Sumisip, Basilan, noong nakaraang buwan upang makiisa sa pagdiriwang ng Children of War: A Festival of Love and Peace, na inorganisa ng Save the Children of War Association at ng lokal na pamahalaan ng Sumisip para sa mga batang naapektuhan ng digmaan sa lalawigan.
Naniniwala ang Tanggapan ni Vice President Leni Robredo na upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon, kailangan nating mamuhunan sa kinabukasan ng ating kabataan. Kasama ang aming #AngatBuhay partner, ang Philippine Toy Library, namahagi tayo ng laruan para sa mga nakilahok sa festival, at bumuo ng isang Toy Library sa Brgy. Tumabuhong Day Care Center. Layunin nitong muling magbigay aliw sa mga kabataan sa lugar at manumbalik ang pananabik ng mga bata sa pag-aaral, sa kabila ng nangyaring kaguluhan sa kanilang lugar.
Video courtesy of Mr. Lawrence Agustin
7 сен 2024