Anong ganap sa mundo ng showbiz
Chloe San Jose, sumagot sa komento ng ama ni Carlos Yulo, na si Mark Andrew Yulo, sa gitna ng hindi pa humuhupang alitan sa pagitan ng two-time Paris Olympics gold medalist at ng kanyang pamilya.
Matapos ang ilang linggong pananahimik ng magkabilang panig, muling sumiklab ang isyu dahil sa naging komento ni Mark sa isang social media post ni Carlos. Sa post na ito, ibinahagi ni Carlos ang balita tungkol sa kanyang pagbalik sa Paris, France, upang suportahan ang mga atletang sasabak sa Paris Paralympics 2024.
Sa caption ng post, sinabi ni Carlos, "Embarking on the journey to meet alike athletes that 'started' their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!"
Nagkomento si Mark, ipinahayag ang kanyang pagka-proud sa mga narating ng anak, ngunit sinundan ito ng isang pahayag na dapat mag-sorry si Carlos sa kanyang ina na si Angelica Yulo, na nasaktan nang tawagin siyang "magnanakaw." Aniya, "Masaya ako sa narating mo, nak. Pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw para luminis yang imahen mo."
Sumagot naman si Chloe San Jose sa komento ni Mark, na tila ipinapahiwatig na hindi si Mark mismo ang nagkomento sa post ni Carlos. Ayon kay Chloe, "Pasensya na po kayo, Tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag-comment nito. Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, ba't hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa before po siya mag-qualify sa Olympics last year... :))"
Sa kanyang sagot, ibinunyag ni Chloe na bago ang Paris Olympics 2024, sinabi umano ni Angelica na "hinding-hindi na mananalo si Caloy" kahit ilang rosaryo pa ang ipadala sa kanya. Dagdag pa ni Chloe, nagbilin si Mark ng magagandang salita kay Carlos bago ito lumipad papuntang Paris, sinabihan siyang ipagdarasal siya upang mapatunayan ang mga taong humuhusga sa kanya.
Ayon kay Chloe, matagal na nilang sinubukang makipag-ayos at mag-sorry, ngunit walang nangyari. Pahayag niya, "Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag-sorry ni Caloy at nag-try makipag-usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito? Pero wala na po 'yun, Tito, eh. Nakapagpatawad na po kami and we're always praying for you po. God bless us all po, let's all pray na lang po for healing, guidance, and love from HIM."
Sa kasalukuyan, wala pang sagot si Mark sa mga pahayag ni Chloe. Gayunpaman, hindi na bago sa publiko ang isyu na hindi boto ang pamilya ni Carlos sa relasyon ng gymnast kay Chloe.
****
angelica yulo isinumpa raw si carlos na gagapang sa lupa,
mark andrew yulo wants to end rift with son carlos chloe,
matapang na sinagot ni chloe,
chloe san jose sinagot ang komento ng ama ni carlos yulo,
carlos yulo isinumpa ng inang si angelica: gagapang sa,
carlos yulo issue: chloe called out by his father for a call,
chloe san jose bumanat kay mr. andrew yulo: 'bat hindi,
chloe san jose may maanghang na mensahe sa ama
***
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ
***
All videos and photos used in this video are believed to fall under fair use for the purposes of criticism, comment, and news reporting. No copyright infringement is intended. If you are the copyright holder of any material and do not wish for it to appear in this video, please contact me and I will remove it promptly.
***
ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at artistaph.official@gmail.com
15 сен 2024