ANO NGA BA ANG TOTOO SA DIARRHEA O PAGTATAE NI BABY???
"Nag-ngingipin lang"
"Part ng paglaki"
"Lagnat laki"
Kanya kanyang paniniwala. Paano tayo makakasiguro kung ano ang totoo?
Sharing with you mga momshies ang isa sa dahilan kung bakit nagtatae si baby / bata at ang mga gamot na inireseta kay Andrei sa kanyang pagtatae.
Ito ay na experience ni Andrei on his 9th month nagkataon lumabas ang mga sintomas matapos siyang mabakunahan ng kanyang measles vaccine. Knowing na fever lang naman ang expected na natural side effect ng bakuna, we were very worried nung nag diarrhea si Andrei.
My personal advice bilang kapwa mommy:
1) Huwag tayo basta basta magpa-inom ng gamot kay baby o mag self medicate. Dahil ang pag da diarrhea ay maaaring may madaming dahilan tulad ng ibang sakit. Kailangang malaman ang mismong dahilan ng diarrhea o pagtatae ng bata upang malaman din ang tugmang gamot para dito.
2) Huwag din mag self diagnose o basta maniwala sa mga paniniwala sa pagtatae, pagngingipin o ano pa man yan. Na dahil nag ngingipin lang, lagnat laki, o kasama sa pag laki ang dahilan ng pagtatae ni baby. May angkop na paraan upang matukoy ang mismong dahilan ng pagtatae o diarrhea. Ang confirmation ng cause of diarrhea ay naka depende sa resulta ng mga gagawing laboratory tests bagay na hindi natin basta basta makikita sa ating mga mata.
3) Higit sa lahat huwag ipasa-walang bahala ang pagtatae lalo na kung lagpas 2 days na ito upang miawasan ang complications tulad ng dehydration at maiwasan mas worse ang sitwasyon. Seeking medical advice / assistance is the best way padin sa lahat ng klase ng serious na sakit.
#pagtatae
#pagtataenibaby
#pagtataengbata
#diarrhea
#diarrheaonbabies
#pagngingipin
#teething
#lagnat
#fever
#gamot
#skinrash
#diaperrash
#antibiotics
#pedialyte
#dehydration
#amoeba
#amoebiasis
#personalexperience
#babyexperience
#firsttimemom
16 сен 2024