Dalisayin Mo (Lyrics) Dalisayin Mo ang aking puso Ituro ang bawat pagsalansang nito, Nawa ang 'Yong Salita lagi ay dito maitago, Nang maipamuhay para lang sa 'Yo Dalisayin Mo ang aking labi Maging ngang pagpapala kong tinig Banal na 'Yong Salita'y sa aki'y mamutawi, At 'di kahambugang pansarili. Dalisayin Mo, O D'yos ang 'Yong tapayan, Maging daluyan ng biyaya Mo't habag, Hindi maging kahihiyan sa 'Yong ngalan Kapurihan, luwalhati Mo'y aking hangad. Dalisayin Mo ang pag-iisip, Ito nga ay maging katulad sa Iyo, Gawing banal laging pakalinisin, Ang maisaisip kapurihan Mo. Dalisayin Mo, O D'yos ang 'Yong tapayan, Maging daluyan ng biyaya Mo't habag, Hindi maging kahihiyan sa 'Yong ngalan Kapurihan, luwalhati Mo'y aking hangad. Dalisayin Mo ang aking kilos, Huwag maging hadlang sa kalooban Mo, Hangarin ng laman ay tunay ngang maigapos, Pag-ibig ko, O Dios, para sa 'Yo. Dalisayin Mo, O D'yos ang 'Yong tapayan, Maging daluyan ng biyaya Mo't habag, Hindi maging kahihiyan sa 'Yong ngalan Kapurihan, luwalhati Mo'y aking hangad. Dalisayin Mo, dalisayin Mo, aming hangad.
Amen! Psalms 139:23-24 (KJV) [23]Search me, O God, and know my heart: try me, and know my thoughts: [24]And see if there be any wicked way in me, and lead me in the way everlasting. #AViewForMissions