Binigay mo yung gusto, pero di ka parin nagustuhan? #DiMoNaAkoKailanganLive Watch the Short Film/Music Video here: • Di Mo Na Ako Kailangan... Follow us! FB: / thejuansofficial IG: / thejuansofficial
My girlfriend or rather ex broke up with me before 2022 ends exactly Dec 31st she said so I can start new. 5 years na kami dapat sa feb 22. She fell out of love years ago pa sabi nya and she tried so hard to look for reasons para mag stay pero wala na daw. This song hit me so hard like lyrics says di sa panunumbat pero kasi nandoon ako nung walang wala sya, when she feels na lost sya, I was there and always there, I gave everything, I provided for her, literal lahat Pro sa huli iniwan pa rin ako at salamat na lang sa lahat. Di ko alam san ba talaga ako nag kamali. Ang sakit, sobrang sakit tagos hanggang buto. Hindi ko alam kung San ako mag sisimula. Pro kailangan ko'ng tanggapin na wala na sya. Still wishing her all the best, hope she can find the true happiness she wanted to have. As for me I am broken to pieces but day by day I'm slowly picking up those pieces for me to be whole again.
Hindi lang inaamin pero merong iba yan... Yan lahat ng rason kung bakit nafefell out of love ang babae. Maaring nabuntis ng iba sa di inaaasahang oras at ayaw nyang masira sya sayo...
I feel you, we have the same story December 2022 din😭, kami nga 9 years, sobrang sakit, i can’t eat I can’t even sleep, I cried hard during nights, asking what happen, San ba ako nagka mali, she’s saying sorry a million times, ung Hindi daw ako may problema kundi sya, i forgive and beg her to stay Pero wala eh😢
Para noong time na bago ka palang kay Lord. At nanabik ka kasi feel mo pa ang tinatawag na first love mo sa kanya. Pero noong na blessed kana at feel mo kaya mo na kahit wala Siya. Doon mo narealize na maligamgam na ang pag-ibig mo sa Kanya. Kahit alam naman natin na kahit kailan di niya tayo pinabayaan at Siya lang talaga ang ating sandigan. This song not only relates love relationship in between 2 people. But faith and love relationship with our own Creator.
"You cannot love without giving, but I realized you can also accept without loving back" "Hindi lahat inaamin na nasasaktan na sila" Grabe The Juans! You speak on behalf of most of us. 🥺
I am happily married and no problem with my relationship with my wife but for some reason. Feeling ko si Lord yung nagtatanong sa Lyrics. Hindi ba minsan parang ganun din kasi tayo. Pag may kailngan doon lang tayo lumalapit sa Diyos pero pag nakuha mo na yun ggusto mo or ok na yung sitwasyon minsan nawawala tayo at nanlalamig sa Panginoon. Buti nalang si Lord hindi nanunumbat. He remains faithful even we are not. What a God.
This song ay para sa ating mga nagmahal kahit walang kapalit Nagmamahal kahit nasasaktan Nagmahal kahit alam na tin sa ating sarili na di lang tayo ang MAHAL😢 Kapit lang😢
nah mauubos ka if youre not getting something back thats not love that's such a wastse of time. saan ka kukuha ng fuel to give when youre not getting something in return. mawawalan ka ng pake sa tao nayon saan don yong love? nag mahal kanga wala ka naman napala sakanya do you think that's worth it. sa una lang yan mag aaply pag matagal na kayo at wala parin don kana mauubos.
sana lahat tayo makahanap ng kakailanganin din tayo araw araw, yung hindi lang sa lowest pero pati sa happiest points. ang cringe isipin pero sobrang sarap sa pakiramdam 'pag napapahalagahan tayo gaya ng pagpapahalaga natin. hugs!
"AT KASABAY NG PAG AYOS NG BUHAY NIYA, KASABAY NG ABILIDAD NIYANG TUMAYO SA SARILI NIYANG PAA, NAGBAGO DIN ANG PAGTINGIN NIYA SAYO" Masasabi kong ako to, kung mabasa mo man to sana patawarin moko.
Sana lahat nagluluko marealize niyong mali kayo, may buhay kayong sinira pero pinipilit bumangon at makaahon sa sitwasyon na hindi nya naman gusto, ang hirap makarecover...
Di Mo Na Ako Kailangan by The Juans It made me realized na hindi lang pala to para sa dalawang taong nagmahalan. But this song also applies para sa mga taong naging kaibigan natin na biglang nawala, nagbago o hindi na nagparamdam. I had a friend na super close talaga kami back then (hs days). To the point na masasabi ko na naging parte na siya ng buhay ko. We've shared a lot of happy moments, na halos itinaga ko sa bato na hindi ko maiimagine sarili ko pag mawala 'tong taong ito. Same vibes kami sa lahat, nagtutulungan sa kahit anong bagay. Talagang kapatid sa kapatid. Gumawa pa ng tawagan, na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Pinagtatanggol ang bawat isa kapag may napapahamak. Siya lang yung taong umintindi at hindi ako iniwan nung panahon na naramdaman ko na tinalikuran ako ng lahat. Pero parang biglang nanlamig lahat. Halos hindi na kami magkatitigan, magkamustuhan kagaya nung dati. Kahit sa pagbigkas ng dating tawagan, ay wala nadin. Nakakagulat yung mga pangyayari. I felt sad, really really sad. Hindi naman sa panunumbat, pero hanggang ngayon ang dami paring katanungan na nagnanais ng kasagutan. Halos hindi ko na mahanap sa kanya ang dati kong naging kaibigan. Pero gaya nga sa kanta, Baka nga hindi na ako yung kailangan. Baka ngayon, hindi na ako yung takbuhan. Baka nga hindi na ako yung pwedeng tumayong sandalan. Baka nga nahanap na niya sa iba ang tunay na kahulugan ng tahanan. Baka nga talaga hindi na ako kailangan.
It makes me sad also, but that's life. We have seasonal friends, baka nung time na yun strong yung bonds namin but now firends parin kami pero hindi na kagaya nung dati. But I always make sure naman na nasa prayers ko siya palagi.
Mas okay na ibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo. Para kung sakaling iwan ka, at least alam mo sa sarili mong binigay mo ang lahat at hindi ka nagkulang. Iniwan ka man, buuin mo ulit ang sarili para sa susunod mong mamahalin. But we always remember that His love never fails. God is our true love.. To those who are hurting rn, time will heal your broken heart but God will mold you to be a better person. And with God, you will experience unfailing love. ❤️
It reminds me of the person who took advantage of my innocent heart and soul when I was always there for him at his lowest times. This song is an answered prayer for me to wake up and start loving myself again kasi nanghingi talaga ako ng sign na marealize ko lahat. Thank you, the Juans. ❤ "Hindi lahat inaamin na nasasaktan na sila."
Hindi po kayo nag iisa..lahat talaga ata ng subra talagang subrang nakakasama...nakalimotan na natin sarili natin para sa taong mahal natin pero sa huli lage nlng tayong durog
True ang sakit lang 💔 Nagawa ko naman ng iwan but yung system ko hinahanap sya at alam kong maghiheal lang yung part na yun pag sinubukan ko ulit🥺 , not just for myself but also for our kids turning 3 this year ang babies namin so I can't just let him go because my children needs him too and I cannot break our family kahit masakit sakin lahat ng ginagawa nya😭
Kailangan ka lang Niya kung may kulang sa kanya. Kailangan ka lang Niya kung malungkot Siya Kailangan ka lang Niya kung kailangan Niya ng comfort Kailangan ka lang Niya kung Wala siyang matakbuhan Kailangan ka lang Niya para gamitin ka para sa kanya , para sa sarili Niya Kailangan ka lang Niya para sa kanya Kailangan ka lang Niya kung may kailangan Siya sayo Kailangan ka lang Niya para mabuo Siya Kailangan ka lang Niya para sa sarili Niya
Breakup song ko tlga to . Ako ang kasama for 9 years nung walang wala, hindi lng cya kundi pamilya nya rn ang natulungan, pinagpulis ko lng - nakaya na akong ighost dhil ngset n ako ng boundaries against his family dhil prang sumosobra na . This is what I realized, hindi binabago ng pera ang isang tao, kundi ipinapakita lng nito kung anung klaseng tao tlga sya. I hope it will not take me too long to heal. Hugs to all na iniwan ng wlang tamang rason. 💕
I'm a GIVER and this hits me so hard - akala nila mamahalin sila pabalik, pero kasi silang tumatanggap hindi rin naman nanghingi dahil nagbigay tayo ng kusa - I realized the Giver, just like everyone else, deserves to be loved in return.
Ang hirap sa part nating mga Giver, Hindi man tayo naghahangad na ibalik sa atin yung mga naibigay natin, may part na masakit, mapapaisip ka din minsan "bakit kaya di ako nakakatanggap ng katulad ng kung paano ako magbigay,
Para saakin, mas magaan pang tanggapin na iparamdam sayo na di kana kailangan, kaysa naman nakakaalala lang pag ikaw ang Kailangan, tapos pag napagbigyan, di ka na naman Kailangan. Paulit ulit. What a manipulative cycle!
"You can also accept without loving back" Some people think that if you confess your love to someone they should reciprocate the feeling, but no we do not hold someone's heart and mind and we can't control someone's feelings.
2022 is my soul breaking year. Ubos na ubos ako last year. Physically & Emotionally drained. Nakakatakot palang magbigay ng sobra sobra sa taong hindi sigurado sayo. There's one night, I question God dahil sobrang pagod nako sa lahat I asked him Bakit parang lahat ng gusto ko, Hindi pumapabor saakin palaging talo sa lahat. Ang sakit kase pati siya natanong ko na sa sobrang down ko :( Naghalo halo na lahat ng kinikeep ko na pain. But still after I rant all my problem to him After kong umiyak magisa, Pinaubaya ko na sakanya lahat! Kahit nasasaktan pako kung will niya to para mas maging better ako i am imbracing it. ❤ C
Bigla talaga nauna ang kanta na to pag bukas ko ng YT ngayun pnman din nangyari na nalaman at nabasa ko sa msnger ng asawa ko na may mahal na syang iba dun sa abroad at ang sobrang sakit pa yung nabasa ko ang sobrang pag express niya sa feelings nya para sa lalaki ansakit masyado lalo na may anak kami. Sa haba ng panahon pinasan ko ang pamilya ko at ilang buwan plang siya dun sa abroad ay ganun na kalalim ang pagmamahal nya sa lalaki na yun lahat na sakripisyo ko biglang naging walang halaga
Hindi lahat inaamin na nasasaktan na sila Tulad KO ang Tagal KO na effort sa Taong gustong -guso KO pero Bandang huli Pala at hanggang ngayon balewa pa din 😭😭😭
Grabe tong song na to. Nasabi lahat ng gusto ko sabihin. I always find myself helping other people and loving them so much in a sense na I really give what I can give. Then, finding myself left out when they got what they want. Biglang di na macontact and busy na palagi pero dati lagi silang available and masaya kang samahan. Di ko naman gusto na mahalin nya ako the way na mahal ko sya pero ang gusto ko ay kahit wag na man lang mabago yung treatment na binigay nya nung una.
Love the person unconditionally, ibalik man niya o hindi yung love-it’s okay, because loving a person doesn’t mean they should love you back. You can always give love without expecting to the person to love you back. And that’s the beauty of love.
“at kasabay ng pag ayos ng buhay niya, kasabay ng abilidad niyang tumayo sa sarili niyang paa. nagbago rin ang pag tingin niya sa’yo.” heavy on this. ang unfair lang, na ako yung nandito nung mga panahon mo tinalikuran ka ng lahat. nung mga panahon na wala kang nararamdaman na suporta sa mga taong mahal mo. nung mga panahon na pakiramdam mo walang naniniwala sa’yo. ako, ako lang yung nandito. pero kasabay ng unti unti mong pag abot ng pangarap mo, nakalimutan mo ako. nakalimutan mong kasama mo ako sa lahat. mas pinili mo ang sarili mo, ngayon paano naman ako?
May tao talaga n ibibigay siya ng Diyos sa atin pero para dumaan lang sa buhay natin. It's because God wants to remind us something or maybe He wants us to learn a lesson from it...Meron talaga Siyang magandang plano at may tamang tao n para s atin na ipagkaloob Niya... God bless us all...Always pray and trust God's will and plans for us...
Not always true. Opinion Mo lang lang and it is not always accurate or true in all situations. Hindi ka Representante ng Dios or kung ano man ang ginusto ng langit. Personal mo lang na pananaw iyan.
Idk pero bakit sobrang sakit naman nitong kanta for me? Siguro sobrang relate na relate ako sa lyrics. Tagos na tagos sa puso ko. 😭 I gave my all, pero its not enough for us to stay together. Its my birthday yesterday, pero ni isang greetings from him wala parang wala, hindi na ako kilala. I was hurt so badly 😭😭😭
Mas mahal po tayo ni Lord. Kaya naman po marami ang hirap mahanap yung magmamahal sa kanila pabalik. Dahil maling tao pa minamahal nila. Si Lord mauna at mag focus sa Kanya. Then He will lead you to that person without focusing to him/ her. Or even to other people.
I gave her everything even though she didn't ask for it. Ako yung nandyan tuwing malungkot sya, dinadamayan ko sya. We've been together for 11 months. Now she's been giving mixed signals.
I'm a giver . Till now nagsstay pa din ako kahit alam ko sa sarili ko ay wala nakong halaga pa . Wala eh mahal ko . Baka sakaling marealize nyang mahalaga pa pala ako s knya.
It's not just about relationship, it can also be about being a people pleaser . You try to fix, adjust and be someone you thought na needed nila kaya kapag iniwan ka ng mga taong plinease mo, you can't find yourself. Kaya ikaw mismo yung nasisira. Huhuhu salamat The Juans!! Tamang tama bhie
@@shaniahinacay2924 Pag bigla ka nilang binitawan iisipin mo san ka nagkamali or ano pa ung bagay na magagawa mo to win them back. Hayst. SENDING VIRTUAL HUGSSSSS
Summary of my past relationships in my past life. Praising the Lord for sustaining me after all the traumas and heartbreaks. Slowly regaining sight of my worth in the Lord... Thank God for new life!
Hinahanap Sa'n ba ako nagkamali? Meron bang 'di naibigay? Kulang pa ba? 'Di naman sa panunumbat Nakalimutan mo na bang lahat? Kaya ba hindi ko na makita Ang dati mong ngiti noong ako'y kailangan pa Kaya ba ngayo'y nanlalamig na 'Di na nasasabik kapag ako ang kasama 'Di mo na ako kailangan Nahanap na ang 'yong tahanan sa iba 'Di mo na ako kailangan Nagtatanong Bakit biglang nanlamig? Pangako mong pagmamahal Nasa'n na ba? 'Di naman sa panunumbat Nakalimutan mo na bang lahat? Kaya ba hindi ko na makita Ang dati mong ngiti noong ako'y kailangan pa Kaya ba ngayo'y nanlalamig na 'Di na nasasabik kapag ako ang kasama 'Di mo na ako kailangan Nahanap na ang 'yong tahanan sa iba 'Di mo na ako 'Di mo na ako kailangan Kailangan 'Di naman sa panunumbat Nakalimutan mo na bang lahat? Ng mga araw na ako ang 'yong sandalan Noong ika'y nawawala 'Di ba't ako ang 'yong nasumpungan Bakit ngayo'y 'di na kita matagpuan? Ohh 'Di mo na ako kailangan, woah oh 'Di na ba ako kailangan? Nahanap na ang 'yong tahanan sa iba 'Di mo na ako kailangan
Her "I still love you, but I don't need you" lingers pa din kahit 3 buwan na kaming wala. It's confusing how ppl can say they love a person but actually don't need them after begging that person to give them freaking chances everytime magkakamali sila, tapos ang ending kami na ang hindi kinailangan.
Para sa pangarap niyang makapag-aral, we have to stop seeing each other. Sinabi niya sa akin na may bago na siya, someone who can help para matupad niya ang pangarap niyang maka-graduate sa college. Isang bagay na hindi ko pa kaya ibigay sa ngayon dahil may sisuportahan pa akong kapatid. My papa died this January, sa panahong kailangan ko siya ay ang panahong di na niya ako kailangan. That's why this song speaks a lot about how I feel.
Saktong pagrelease netong kantang toh yung break up nmin nang ex ko nagkawork lang siya and ang baba na nang tingin niya sakin and napaka unfair lang kasi binigay ko lahat at nagstay ako ss kanya nung walang wala siya at napaka gulo niya pero nung ako na wala kahit alam kong tama na nilalaban ko parin di parin ako nagbago nang trato sa kanya pero wala ei sumuko siya siya mismo ang umayaw salamat juans dahil sainyo mas nagagawa kong makapagheal nang maayos after nang nangyari
Binigay ko yung lahat ko, Kasi Mahal na Mahal Kita, Hanggang sa Wala nang natira sakin, kasi akala ko This this totoo na, pero ngayon Bigla Kang nang lamig na, Kasi Kaya mona? PUNTANGINAAAA!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!!😭
This lyrics hits me. I felt sad and regretted our relationship kasi ldr na kami maspinili ko ung opportunity sa abroad, almost 6 yrs din kami and I thought it was enough and I thought it was a strong foundation for the relationship because we're 6yrs. However, Hindi nga pala masusukat sa tagal ng relationship ung pag stay ng isang tao. One day he changed. How's the fast change , He was cold to me, before he often updated but one day he did not. I felt jealous and upset I reached out to him. I thought he would comfort me instead of comfort he said " Ang toxic mo naman, ayaw mo ba ako maging masaya. Di na ako masaya sa ganito, Ang layo sa mo akin. " Naging toxic din naman sya sa akin many time and nakaramdam din ako na di na ako masaya but Hindi ako bumitaw and di ko binaliwala ang lahat, I always thought of some struggle when we started in our relationship Kaya nilaban ko lahat. This point pikit mata mo nalang tatanggapin lahat. Ang hirap kapag nawala kayo sa line ng relationship nyo. U try to straighten your relationship but he did nothing na Wala hinahayaan lang Ang lahat. I chat to many friends kung ano ba gagawin ko bat dumating sa point na ganun. Some of my friends said. Baka na fell out of love sya kasi malayo ganun, I try to reach out parin pero Wala. Kapag di na talaga masaya Ang tao mahirap ipilit. So . I decided to end our relationship Sept 2022. Because it's too heavy for me.I can't sleep every night, I overthink a lot, I couldn't eat properly, it's a burden for me. It's not easy to let go. It's heavy to decide to end the relationship na matagal mong binuo at pinangarap na for last but Wala eh hirap kapag Ikaw lang ung fighter. Kaya ko lang naman nagawang mag selos kasi takot ako na makita syang masaya sa iba tapos sa akin he always grouchy I know this part I'm selfish pero pero we have a rights din naman for jealous Diba. Ganun ba talaga kapag di na Tayo needs babaliwalain nalang Tayo ng ganun ganun lang. Palagi nya sinasabi busy sa work. Kapag sa serious life na kailangan mo I sacrifice ung isang tao for your own sake. Hindi ba pwede sabay kayo mag grow together. Because I believe naman kasi. kahit gaano Tayo ka busy sa work my isang minuto para mag chat or update kung talaga mahalaga sayo Ang isang tao. Siguro I'm not valuable to him kaya balewala lang ung lahat. KASI DI NA NYA AKO KAILANGAN AND OPTION NALANG. 🥺🥺🥺
Hello, i hope ok na po kayo, i also want to say na parang ganito din nangyari sa amin, but ang masaklap i guess was that, i was only another special friend sa kanya.
"You cannot love without giving, but I realized you can also accept without loving back" "Hindi lahat inaamin na nasasaktan na sila" - This is so deep and I felt that. 😭
JUSKO AKONG AKO TO !! BINIGAY KO LAHAT , INALAGAAN KO SYA, NILUTUAN, INAASIKASO ARAW ARAW..MINAMAHAL ARAW ARAW ..KASO nganga di nya tlga ako kailangan..😭😭😭😭
may mga tao talaga na kapag hindi ka na nila napa-pakinabangan madali nalang para sa kanila na iwanan ka, ang dali nilang mag move-on habang ikaw nagmukmok at tinanong ang sarili mo kung hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa mo para sa ikakasaya nila.
Di ko mapigilan di mag comment sobrang sakit relate ako sa songs nato, 12years kami ng ex ko na ngayon dec 6 2022 ako pa ang ginivup nia kc may matgal n palng envolve na ex gf nia, during ups and down ako ang nandyan sa tabi nia for almost 12years literal lahat walang natira, naibigay lahat,needs,support,love kahit walang maibalik, kaht nasasaktan na,umaasa ako na ikakasal na kami ths year 2023 kya pala d nia masabi later ko nalang nlaman may anak pala, at dahl kaya n nlang tumayo sa sarili nilang mga paang dalawa ng ex nia dahl maganda ng trabho yung gurl,😭😭 sobrang sakit naitago nila sakn ng mahabang panahon, at yung ex na niya na yung nagtiwala ako, feeling close kami,nakaka chat ko pa nakakapag kwento pa ko ng mga problema ko dun sa guy.I'll never expected pano nila nagawa sakin yun.Grabe ang trauma,Im suffering depresion, looking forward,moving on. 3 months na, pero hrap n hrap padin ako😥
At my very age right now I can't even imagine how I admired most this huge PINOY Band the inspiring Hugot Realistic Line which tagos sa Puso each of us, the lyrics of each line is painful to imagine how people change their mind and heart our sacred feelings, truly the word Walang Forever is True, yet I so much I admired most Men and Women were brought up by parents to Value Relationships more than anything else. The Fixed heart to offer to one's love is. A blessing. Thank you The Juan the huge band nowadays year 🌈 2022 to 2023 more Power and Album to come. God 🙏 Bless you Guys
Ilang beses ko 'to pinakinggan, iniisip ko kung saang parte ako sobrang nasasaktan. Ngayong gabi nalaman ko na kung bakit iba yung tama sakin ng kanta na 'to. Nasa 4-year relationship ako, ginawa ko lahat as in LAHAT to make this person happy. Nagbigay ako ng oras despite being busy sa work, alam ko sa sarili kong binigay ko lahat hindi lang 100% kundi sobra pa sa sobra pero lately narealize ko na hindi pa rin pala enough na gawin mo lahat or ibigay mo lahat to make a person stay, kapag ayaw na niya.. hindi na magma-matter sa kanya lahat ng efforts and sacrifices mo. It's been a week mula nung huli kaming nagkausap ng maayos, hindi ko alam saan nagsimulang magbago lahat pero isa lang ang alam ko.. ngayong gabi ko napatunayan na hindi na ako ang kailangan niya.
13 years ibinigay ko lahat time effort love, at ang pgkakamali ko ay umasa ako na mamahalin din ako pabalik tukad ng ibinigay kng love sa kanya.....💔 ipinagpalit lng sa ilang araw lng nyang nkasama😩
same here I relate,😢 Tulad din sayo, 13 years din kami pero nag iba sya, at may iba na sya... Masakit man saakin pero kung San sya masaya, Kahit kapalit man ang buhay ko, basta, maging maligaya lang sya... Makakayan ko rin ang lahat ng ito....
"you can give without loving, but you can't love without giving." we must choose someone na kaya tayo piliin sa araw araw, hindi yung sa panandaliang panahon, na kaya ka lang minahal kasi ikaw yung andyan, yung walang sawang bigay ng bigay kahit upod na upod na. kaya thank you, TJ. for reminding me my worth. for reminding me na di ko kailangang maghanap, dahil alam ni Lord kung kelan ako handa sa ganitong sitwasyon. thank you for making me realize na dapat ko palang unahing mahalin yung sarili ko, bago ako magmahal ng iba. just thank you guys di niyo alam kung gaano niyo pinagana yung malawak na mindset ko.. i love youuu..
I feel im the one na di tunay na nagmamahal.. sobrang guilty ko when i hear this song.. pero.. hindi ko naman hiningi.. Ang sakit naman sa ulo at puso😵💫 Ako kasi kumawala.. tapos habang umaayos ang agos ng buhay ko.. Di ko alam... Pero laging may pero... Baka sa susunod, HINDI KO ALAM
Relate naman so sad 😭 khit ubos kana bumibigay kprin alang sakanya pero sa halip biglang ng lamig ang longkot ng buhay ko😢 dimo naako kilangan kpag wlang wla na ako😭
This song made me realize that,hindi lang para sa dalawang tao na nag mamahalan kondi para din sa magkakaibagan na patuloy na nag laho, nag laho na parang bola dahil sa may bago na silang nakilala,but i realize that di mo kailangan silang pilitin para mag stay.
His words hit me hard. I realized I never loved anyone fully anymore. It's because I'm not capable of loving a man fully, because I can't even accept genuine love from people... Perhaps it's because I'm not used to getting healthy love all my life.
I still always choose to love no matter what, even how many tyms im hurt. Cuz i know God has His purpose to all my hurtaches. ❤❤ I know its hard but i believe in Him. ❤❤
"nagbigay kasi akala nila mamahalin sila pabalik" ang sakit. bumalik ulit lahat ng sakit. she's broken hearted as hell that time that i met her, i had a big time crush on her on agad agad kase napakaganda niya especially when she smiles, but behind those smiles there's a pain inside (bcoz of her past relationships), and i want to remove it from her because she deserves the world, to be loved, to be genuinely happy. and then we got along, we fell inlove with each other but i fell harder. dumating sa point na halos di na kame mapaghiwalay, then she finally said yes to my plan of courting her. i did my very best, umasa na kasi akong magkakaron ng "kami" kase she gave me a chance to prove myself to her, but i guess i will never be enough for her, there's always this "kulang" na hindi niya mahanap saken. "hindi lahat ng tumatanggap, kayang magbalik" never akong humingi ng kahit ano mang kapalit, sabi ko hayaan niya lang akong mahalin at buuin siya ulit, kahit para nalang dun sa taong susunod niyang mahalin and it really did happen, and i decided to let her go for the sake of her happiness. "Di mo na ako kailangan Nahanap na ang 'yong tahanan sa iba" really hits different. kasi ngayon, kasama niya na yung taong totoong mahal niya, ng buong buo, yung pagmamahal na hindi niya kinayang maibigay saken ng buo, binibigay niya na ngayon sa taong mahal niya. to my baby, alam kong masaya kana sa kaniya, at hinding hindi ako magsisising binuo at the same time pinakawalan kita. mahal na mahal kita! mananatili pa rin akong kaibigan mo, hanggang sa huli.
Sabagay ganun talaga ..... Pero para sa akin kaya ako lumayo KC may dahilan ...mahal ko sya Pero isusuko kunyung pagmamahal ko para Isang araw wala syang pagsisihan ...
feel na feel ko yung kanta yung binigay mo yung best mo para sakanya pero kulang pa, hanggang sa nanglamig siya sayo na ikaw naman ay patuloy parin para sakanya kahit alam mo na walang wala na yung tipong mas iniisip mo pa ung mga pinagsamahan niyo kesa bumitaw din hanggang sa nalaman mo na nasa iba na siya masaya kaya pala di kana pala niya kailangan dahil imbis mabigay mo oras mo sakanya ay iba na pala ang gumagawa kaya mas maigi nalang na ihatid kung saan siya masaya kahit masaktan kapa
Salamat sa kantang 'to. Tlgang naramdaman ko 'to, lahat nang m'ga sinasabi ninyo natatandaan ng puso ko. Minsan kailangan kong ilabas ang m'ga nararamdaman ko ng'it mahirap gawin kasi parang walang makakaintindihan sa sakit na nararamdaman mo. Salamat tlga 😭.
This reminds of my ex na kinonfirm lahat-lahat ng tanong ko at 11:59 PM of December 31, 2022. Hindi naman sa panunumbat, pero nakalimutan nya ata lahat. I took the risk of loving him unconditionally, settled for what he can offer kasi mahal ko, gave him everything that he needed, I even go beyond what I can give. I voluntarily gave everything without asking for anything in return except for his love and attention. I did my best to fill the affection I can't give through my efforts na iparamdam kung gaano ko sya kamahal kasi LDR kami. But I think, nothing can fill it if you're not the one he really wants. Everything was fine from the start. After helping him back from his knees, he chose the girl na mas malapit kasi 'di nya na ako kailangan. I ended 2022 crying and welcomed 2023 crying. But I know I can get through this.
This hit me, sobrang sakit Yung Akala mo panghabangbuhay na. Pero makalimotan ka talaga nya pag nakukuha na nya Yung mga gusto nya. Nag babago Ang tao pag may na a achieve. Kinalimotan na nya ako , ako Yung Walang Wala pa sya sobrang sakit
Grabe! The feels! Hindi naman ako broken, but I felt every lyrics. Carl was right, tho. Hindi naman lahat ng binigyan at binibigyan natin ng pagmamahal ay nang hingi o humihingi sa atin. Pero aminin na natin. Kadalasan, binibigay natin ang lahat kasi umaasa tayo na may babalik sa atin. Kaya masakit na kahit ubos ka na, pipilitin mo pa rin mag bigay kasi patuloy kang umaasa. Nakakalungkot lang kasi alam mo sarili mo na hindi mo siya/sila pwedeng sisihin sa lahat dahil kusa kang nag bigay. Mapapasabi ka na lang talaga na "Di mo na 'ko kailangan." kapag nakita mo na siyang masaya sa iba. At least, hanggang sa sumuko ka, sinubukan mo. And please, sa mga nakaranas ng ganito... Wag niyo sanang isipin, tanungin o sisihin ang mga sarili niyo kung meron pang kulang sa inyo. Walang kulang. Sadyang hindi lang siguro sila ang naka tadhana para sa inyo. Thank you for giving us another soulful masterpiece, The Juans. ♥️
I'm bawling because of this song. Niligawan ako during the time na sobrang wala akong intention to be in a relationship. Pero napamahal ako. And I gave everything kasi I saw all the green flags. Tapos unti unting nanlamig, nawala yung pangungulit, he started saying na tinatamad siya magphone, he started getting busy. I was still fighting kasi mahal ko naman na talaga. All the promises. All the hope. All the memories ang hirap bitawan, kasi siya yung unang nagbigay ng panghahawakan. Pero siya din unang bumitaw. Napapabayaan niya na daw ako, and he chose to let me go. Ang hirap maging giver kasi kahit masakit sayo yung kalayaan na gusto nila, ibibigay mo parin. Putangina.
Indeed "Hindi lahat tunay na nagmamahal" Sometimes we thought minamahal nila tayo pabalik, not until they walk away, minsan they stay not because they truly love us, but because we've shown them how much we love them, give them everything they long for, everything to make them see we're the right person. But those who love us for the things we can offer will always, always be seen leaving kapag dumating yung oras na "Hindi na nila tayo kailangan". Thankyou The Juans for this great song💗
I was there at his darkest times. I was there to provide food when he's hungry and he can't buy one kasi short na sya sa money. I was there to support and pay for our trips kasi wala syang gigs. I was there to buy everything he needs. I was there when he needed someone to listen to him. I was there RIGHT BESIDE HIM. Kahit natutulog ako, wala kong tulog, pagod ako.. nandun ako sa tabi nya. Kahit malayo ako, kahit ayaw nya ng kausap.. naghintay ako. Tapos all of a sudden... maririnig mo sa kanya.. "hindi na ko masaya pag nakikita kita". I EVEN SACRIFICED MY FUTURE FOR YOU. Ang sakit. Sobrang sakit.
Muntik na kami magkahiwalay ng partner ko now. Just because, na lost track ako, nalimutan ko na siya yung tumulong sakin na pinaka madilim na chapter ng buhay ko. but salamat sa partner ko. di siya sumuko. Now, hindi man ako yung pinakamabuting tao pero sobrang trying hard ako para maging mabuting partner sa kanya at maipakita ko na mahal ko din siya
this was me back in 2018 but ive moved on and happy without grudges. This piece serves as a reminder that there's more to life than getting stuck to something or someone. It might sound unfair that your love is not reciprocated but this helps one to become stronger and be better in dealing with crisis like what the song meant. Sa mga nakaranas ng ganito na patuloy na humaharap sa dagok ng buhay saludo ako sa inyo at mabuhay kayo. Meron at meron din darating sa buhay natin na pareho kayong nagmamahalan at mangangakong d mag-iiwanan.