Тёмный

Diwata Artista Na! sa Batang Quiapo 

Amaze D News Tagalog
Подписаться 1,8 тыс.
Просмотров 7 тыс.
50% 1

Kahit na maraming usap-usapan tungkol sa pagbabago ng ugali ni Diwata, binigyan pa rin siya ni Coco Martin ng papel sa "FPJ's Batang Quiapo." Marami ang nakapansin ng hindi maganda niyang pag-uugali sa mga fans at vloggers, at kumalat ang mga viral na video na nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa mga customer na nais makipag-interview o magpa-picture.
Ang eatery ni Diwata sa Pasay, na dati ay hindi pinapansin, ay sumikat dahil sa Pares Overload nito, na nagdudulot ng mahabang pila dahil sa viral na P100 pares. Napansin ng mga tao na binibigyan lamang ni Diwata ng atensyon ang mga sikat na celebrity tulad nina Jessica Soho, Korina Sanchez, at Toni Gonzaga.
Nagbago na ba si Diwata dahil sa kanyang kasikatan, o inaabuso lang ng mga vloggers ang sitwasyon para sa kanilang content? O baka naman pagod na siya sa mga makulit na tao? Ano sa tingin mo?
Ibinunyag ni Coco Martin ang Tunay na Ugali ni Diwata: Hindi Siya Sakit ng Ulo!
Todo papuri ang ibinigay ng Teleserye King na si Coco Martin sa "Pares Diva" na si Diwata (Deo Balbuena sa tunay na buhay). Mula sa kanyang viral na paresan, napapanood na rin ngayon si Diwata sa primetime action series na "FPJ's Batang Quiapo," kung saan gumanap siya bilang may-ari ng karinderya na tumutulong kina Tanggol (Coco) at Bubbles (Ivana Alawi) upang magkaaminan ng kanilang nararamdaman.
Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Coco kung paano nakuha ni Diwata ang papel niya sa "Batang Quiapo" at kung bakit siya bumilib sa viral paresan owner.
“May maliit na eksena na may kakainan kami. Sabi ko, 'Try niyo nga ipatawag si Diwata. Kapag pumunta ‘to, ibig sabihin para sa kanya ‘yung role.' Eh nagke-creative ako noon, bigla siyang dumating,” kwento ni Coco.
Naging madetalye ang pag-uusap nila ni Diwata, “Sabi ko, ‘Pasensya ka na ha, alam mo naman sa trabaho namin kapag nagsisimula ka, ganito lang ang buhay.’ Sabi niya, ‘Wala pong problema,’” dagdag pa ni Coco.
Paliwanag pa niya kay Diwata, “May commitment ‘yan, kami nagte-taping ng M-W-F (Lunes-Miyerkules-Biyernes).”
“Sabi niya, ‘kahit ano po wala pong ano’ kumbaga ‘yung dedication nandoon.”
Sa set, nakita ni Coco ang husay ni Diwata. “Sa unang eksena, kinakabahan, pero sa mga sumunod na eksena, nare-relax na at nakikita ko na mayroon, may husay.”
Dagdag pa ni Coco, “Ang gusto ko sa kanya, dahil galing din sa baba, naiintindihan niya ‘yung trabaho ng lahat. Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. Nandu’n lang siya sa isang tabi, tahimik.”
“Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo ‘yung tao na gusto niyang iimprove ‘yung buhay niya, ‘yung sarili niya. At alam niya ‘yung puwesto niya," pagtatapos ni Coco.

Опубликовано:

 

31 май 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 2   
@billytanclarotan-zm4xq
@billytanclarotan-zm4xq Месяц назад
tama parang halata baiinis sya pinipili ya nito
@AmazeDNewsTagalog-tw1yk
@AmazeDNewsTagalog-tw1yk 25 дней назад
Thanks for spending your time watching this video.
Далее
Conquering fears and slippery slops on two wheels!
00:18
Как выходим с тройняшками 🙃
00:17
HOW DID SHE WIN??
00:49
Просмотров 14 млн
BOSSFIGHTERS - BADGE AND SHOWRUNNER
1:06
Просмотров 6 тыс.
Batang Quiapo July 08 2024 Advance Episode
7:06
Просмотров 29 тыс.
FPJ'S Batang Quiapo behind the scene
1:01
Просмотров 273 тыс.
FPJ's Batang Quiapo | Episode 360 (1/3) | July 3, 2024
11:43
fpj batang quiapo #batang ibaba.please subscribe
2:00
Conquering fears and slippery slops on two wheels!
00:18