Naaalala ko yung kuya ko noong panahong nagbabalik loob pa lang sya. Dumalo kami ng paghahanda sa sta cena. Kahit alam nyang hindi sya makakatanggap, dumalo sya kasama ko at sumamba kami. Tinugtog itong 435. Nakita ko lumuha yung kuya ko. Durog na durog ang puso ko noon. Nagmamakaawa ako sa Ama patawarin kami sa kasalanan, at nagsusumamo sa Kanya na sana makabalik ang kuya ko. Masakit ang palo ng Ama, pero hinding hindi kami lalayo sa Kanya, at hindi magsasawa na magmakaawa at humingi ng tawad.. palaging maghihintay sa Kanyang pagtugon, at Kanyang pagsaklolo. Salamat po Ama, nakabalik ang kapatid ko.
Grabe sis naiyak ako sa mensahe mo 😭 natiwalag dn ako. At hanggang ngayon di pa ako nakababalik patong patong na pagsubok ang kinahaharap ko . Lumakas ang loob ko nung navasa ko ito tapos nakikinig ako ng awit grabeee ang luha ko ngayon wala ng mapaglagyan 😭😭😭 ang hrp ng malayo sa Ana
Same situation din po sakin nagbabalik loob din po. Nung dumating po ang araw ng Sta Cena e dumalo ako at nakakalungkot dahil hindi makakatanggap. Maluluha nalang po talaga :((
@@mariagraciavillanueva7159 sobra. 3 taon na akong nagbabalik loob naabutan pa ng pandemyang ito. Totoong malapit na ang paghuhukom huwag sana kaming abutang wala sa talaan. Hndi ko pa naihahandog ang anak ko 😭
435, ito yung tinutugtog ng organista habang nasa pagsamba ako. Nung araw na yun buhos ang luha ko dahil sa mabigat na pagsubok ang dinanas ko. Nagkasakit ang isa sa pinakamamahal kong tao sa buhay ko, wala pa akong pera nun... Yung pinipigilan ko ang hagulgol ko dahil ayokong makaabala pero hindi talaga mapigilan ang iyak ko. Sabi ko sa Ama, medjo pagod na ako talaga kung pwede lang kunin na nya ako. Napapagod na ako maglakbay hindi ko na kinakaya ang mga tiisin, mga pagsubok. Takot na Takot na ako sa mga nangyayari sa mundo. Mga malulubhang karamdaman na lumaganap sabayan pa ng hirap. Napakalamig ng nararamdaman ko. Pagod na pagod na ako. Inisip ko nung sandaling yun yung bayang banal yung wala ng luha, wala ng problema. Gusto ko doon. Gusto kong makasama ang Ama sa Bayang Banal. Ayoko na dito sa mundo, maraming mga nang uusig, maraming mga pagluha...maraming tao pa ng pilit kang ibababa dahil sa pagiging Iglesia Ni Cristo... Lahat ng masasakit na salita... Binuhos ko lahat ng sakit sa sandaling iyon na nanalangin ako na sana tulungan ako ng Ama na samahan Niya ako lage... Na makaya ko dahil sa tulong Niya... Marami na akong napagdaanan pero kailanman hindi Niya ako binitiwan kaya nagpapasalamat ako dahil Iglesia Ni Cristo ako. Dito naturuan ako kung sa mga tunay na aral. Nabigyan ako ng pagkakataon na makilala ang tunay na Ama. Higit sa lahat ang makasa sa pangako sa Bayang Banal... Nung sandaling iyun pagkatapos ng panalangin ko, hindi ko alam kung bakit pero nakapagaan ng pakiramdam ko... Mahal na Mahal talaga ng Ama ng mga anak Niya... Inaalis Niya ang mga tinik sa puso... Ngaong dalawang taon na ang nakakaraan at yung taong minahal ko ay malakas na ulit... Masaya ako dahil tinupad ng Ama ang pangako Niya na hindi Niya pababayan ang mga lingkod Niya... At ako patuloy pa rin sa aking mga tungkulin............. Minsan sa buhay hindi maiiwasan ang mga pagsubok kahit Iglesia Ni Cristo ka. Tayong mga kaanib ay mas grabe pa ang mga pagsubok sa atin para lubos na mapatunayan na tayo talaga ay matatag... Kaya lage akong nagpapasalamat sa Ama dahil sa mga panahon na halos bumitiw na ako ay hindi Niya ako binibitiwan.... Nangangako naman ako na lagi akong magpakatatag ano man ang dumating sa buhay ko, at magpapasakop sa pamamahala ng Iglesia..... Mahal ko ang aking pagka Iglesia Ni Cristo... Mahal ko ang AMA.... Mabuhay ang IGLESIA NI CRISTO
Sumasampalataya ako na isa na siguro sa pinakamabiyayang pagsamba na masasaksihan nating lahat ay ang pagsamba pagkatapos ng lahat ng pagsubok na nararanasan natin ngayon. Have faith brethren! We will worship our Almighty God in his temple very soon! 😇 everything will be alright. Remember that we're in these last days and God is finishing His final touches 🙏 just always pray 🇮🇹
ngayong narinig ko itong awit na ‘to grabe ang tulo ng luha ko. kahapon po sobrang bigat ng pakiramdam ko matapos kong malaman na hindi ako maaaring makapag asawa ng ministro na tunay namang pangarap ko mula noon, may nakapagsabi sa akin na kailangan masiglang kaanib ang magulang ng babaeng pakakasalan ng regular na manggagawa o ministro. hindi ko alam kung ayon ba ang dahilan ng biglaang tila kawalan ko ng gana sa lahat o ang katotohanang wala ni isa sa mga magulang ko ang masiglang kaanib. buong gabi akong umiiyak, nilagpasan ko ang pananalangin na lagi kong ginagawa. nagtatampo ako sa Ama, kahit sa pagkain hindi ko magawang manalangin. aaminin kong may parte sa akin na umaasa sa magagawa ng panata pero nung araw na iyon tila wala ako sa sarili sa bigat ng nararamdaman, parang lahat ng bagay sumasalungat sa kagustuhan ko, na parang lahat ng bagay hindi pupwede kapag ako na. sobrang sakit po no’n para sa akin, pero kahapon din nagsagawa ng pamamahayag sa kapilya namin, hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng kapilya na umiiyak sa panalangin ng ministro sa harap, sinabi niyang mahal tayo ng Ama. pagkatapos no’n ay nanalangin po ako ng pansarili kahit na nanginginig ako sa hindi malamang dahilan. ramdam ko ang pagdaan ng maraming kapatid lagpas sa kinauupuan ko pero patuloy akong nagsumbong sa Ama na bakit kapag ako ay parang ang daya daya niya. pero matapos ang panalangin ay sobrang gumaan ang kalooban ko at naging positibo sa mga plano at nais gawin. ngayon ay tatanggap po ako ng tungkulin sa pagiging kalihim at mang aawit para maging mas matatag pa ang pananampalataya at mapalapit sa Ama. ipagpapatuloy ko pa rin ang pagpapanata sa mga bagay na nais ng puso ko, sapagkat sinabi sa isang talata ng biblia na diringgin niya ang mga dalangin natin. umabot man ng araw, buwan o taon, o kahit sa paghihintay pa ako mawala ay ayos na sa akin sapagkat alam kong may nakaplano siyang mas maganda at mas makakabuti para sa’kin.
handa akong tanggapin ang pag hindi ng Ama sa amin, sapagkat may tiwala ako sa mga plano niya para sa buhay ko. salamat Ama ng marami, naging dahilan po ito para mas lalo akong mapalapit sa’yo :))
"Kung akala natin ay di na makakaya iyuko ang ating ulo, tumawag sa Ama. Kahit masakit ang palo ng pagsaway niya tayo'y minamahal pa rin ng ama" 😭 ang sarap awitin. Habang buhay kong dadalhin ang aking pagkaiglesia ni cristo ♥️
Adrian Santos kapatid panoorin nio po tong ginawa kong rap "Magtiwala sa Ama" ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-fsqoKCYr2x0.html paki share na din po
Aillien Castañeda kapatid panoorin nio po tong ginawa kong rap "Magtiwala sa Ama" ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-fsqoKCYr2x0.html paki share na din po
My comfort hymn when i feel tired pressured n sad. Now that im studying for board exam i always play this hymn naging playlist ko na to n other hymns pa. It helps me calm n motivates me na kaya ko to papasa ako! I believe in God's power ill become an RPh this coming nov 2023!
Time check 11:43PM iyak ako ng iyak ngayon habang pinapakinggan ko ito. Nag flashback sakin lahat ng pagsubok na dinanas ko at nalampasan ko simula PNK hanggang ngayon na kadiwa na ako, im so proud of myself. Salamat po Ama. Oo meron parin pong pagsubok pero alam kong makakaya ko ito, nakaya ko nga nung PNK pa ako ngayon pa ba na kadiwa na ako? Hindi rin biro yung mga naranasan ko sa pgiging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO. Dumating ako sa point na pati magulang ko inuusig ako dahil hindi na sila kaanib. Masakit Oo, masakit kasi magulang yung dapat nag aakay sa mga anak pero sa sitwasyon ko magulang ko yung nag uusig saakin. Bago ako tumupad makikita ko pa silang mag away which is hurt me so much. minsan sinasabi ko sa Ama, bakit po ganun? bakit po ganun yung binigay mo sakin na mgulang? dumating din ako sa point na lagi kong kinokompara yung sarili ko sa mga PNK na kasama kong tumupad. masaya sila, kasama nila mga mgulang nila papuntang kapilya habang ako mag isa bitbit ang aking toga. pero ngayon naunawaan ko lahat yun, kaya pala yun ang binigay saaakin ng Ama, kaya pala lagi niya akong binibigyan ng pagsubok kasi alam niyang malakas ako at kaya kong lampasan lahat. naisip ko kung yung mga kasama ko kaya na mang aawit sa PNK pag sila kaya ngkaroon ng pagsubok malalampsan kaya nila? madami akong pag uusig at pagsubok na naranasan hindi lang saaking sambahayan kundi lalo na sa mga taong mapang husga. pero gayunpaman, hindi ako nagpatinag. naging masiglang mang aawit sa PNK. Pangulong Binhi, Kalihim ng kapisanang kadiwa, kalihim sa grupo at iba pa. kahit nung aaral ako ng college, hindi ko pinabayaan pagtupad. hindi bale ng lumiban sa klase at exam wag lang hindi makadalo sa pagsasanay para sa pasalamat. at ngayon onti onting tinupad ng Ama yung panata ko. Makapasa ako sa board exam at kasama ko na din laging pinagpapanata na sana makasama kong muli ang aking buong sambahayan na sumamba. walang gabi at pagsamba na diko sila nasambit sa Ama. hanggang sa isang beses sumamba si papa araw ng pasalamat. habang Proc.hymn nadaanan ko siya, iyak ako ng iyak. ang tanging hiling ko ng mga oras na yun ay magtuloy tuloy na sila hanggang nagsimula na nga sila ulit sumamba para magbalik look. Masaya ako. walang mapagsidlan ng aking tuwa. kasi ramdam kong tinutupad ng Ama ang mga pinagpapanata ko sakanya. ngayon nagtuturo na ako bilang guro sa private school. malayo ako sa aking mga magulang. Oo mahirap. sobrang hirap mamuhay ng malayo sa magulang. pero kinakaya ko para matupad mga pangarap ko. isa pa alam kong kasama ko ang Ama kaya nalalampasan ko lahat ng aking problema. Salamat po Ama, tunay na mabuti ka. Sa mga kaanib na wala pa sa loob ng kawan ang kanilang mga mahal sa buhay, PANATA lang po. huwag mapapagod at maghintay ng masaya. kahit nakakapanghina na humingi parin po tayo ng lakas sa Ama.
I'm so sad that the composer of this hymn already passed away yesterday morning..ka randolf del rosario wherever you are we will really miss you especially all the choir members all through out the countries!
"Kahit masakit ang palo ng pagsaway niya, tayo'y minamahal pa rin ng Ama" makagawa man tayo ng maraming kasalanan, husgahan man ng kahit sinong tao pero siya lang ang natatangi na handang magpatawad at handa ka pa ring tanggapin at yakapin ng may pagmamahal. The true definition of pure love. Ang Diyos ay katulad ng magulang natin na kapag may nagawa tayong mali ay kailangan disiplinahin para hindi tayo maligaw ng landas masakit man pero para sa ikabubuti.
Sette Reels kapatid panoorin nio po tong ginawa kong rap "Magtiwala sa Ama" ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-fsqoKCYr2x0.html paki share na din po
Kanina nung inawit namin ito sa pagsamba. Wala nang umaawit audio nalang ang naririnig lahat ay lumuluha na. Kahit ang kapulungan na hindi pang lubusan na nakakaalam ng awit. Tagos sa puso ang melody at mga lyrics ng awit na ito 💚🤍❤️
Nagpigil ako ng luha habang nakatupad ako as a Mang-aawit kanina, itong awit talaga na ito ang isa sa napakasarap awitin sa tuwing may pag samba sa Ama
Knowing dc gen past away today makes me sad im crying he inspired me to study organ . Thank you for playing hymns doc gen Deepest condolences po sa whole family and loved ones ni doc gen❤️
I'm currently in the hospital right now due to an asthma attack and listening to these hymn covers by Doctor Genesis Rivera strengthens my hope and faith♥️. Nagaaral din po ako at ang aking kapatid sa pagkaorganista. Maraming salamat po, Ama. Ikaw na po ang bahala♥️.
PaShout Out TV kapatid panoorin nio po tong ginawa kong rap "Magtiwala sa Ama" ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-fsqoKCYr2x0.html paki share na din po
Sa tindi ng pagsubok ngayon pag ito napakinggan mo mapapaluha ka. Sa dami ng nagawa nating kasalanan at kapabayaan, minamahal pa rin tayo ng Ama. Hindi man natin maramdaman sa ibang tao pero siya higit kumukupkop at nagbibigay lakas. Makakaya natin lahat sa tulong at awa nya. Magtiwala lang lagi at magtiwala sa kanya 🙏💓
Nagrereview po ako ngayon for board exam. Lagi ko po itong pinapakinggan bago at pagkatapos manalangin.🇮🇹🫶 Magiging LPT po ako sa tulong at awa Ng Panginoong Diyos☝️🩵 This December 2024 🫶
Sa tuwing naririnig ko ang Banal na Awiting ito, nararamdaman ko yung pagyakap at pagtulong sa akin ng AMA, yung tipong nahihirapan na ako pero lagi siya nariyan upang ako'y saklolohan. Kung makikita ko lang sana ang Ama, yayakapin ko talaga siya ng mahigpit.😭❤️
the arrangement of notes and the lyrics was superb. plus the registration used was excellent. napakapeacefull kapag ang lungkot ng paligid tapos ito papakinggan mo 🥰
Nasasabik na akong awitin ito sa darating na Santa Cena 2021. Tagos sa puso ang lahat ng letrang mababanggit sa awit dahil tugma sa mga nararanasan ko sa mga pangyayari ngayon sa sanlibutan.
If we feel, we can not bear the anguish much longer. Bow our heads and pray in silence call and wait up on the lord. Even if his reprimand is painful to our hearts We are in deed still dearly love by our God.
Nakakamiss maging Mang Aawit. Yung tipong habang inaawit itong bilang na ito ay nababasa mo na agad yung kasunod na mga salita na aawitin mo, di na mapigilang umiyak, ngunit kailangan mo parin umawit ng maayos para sa tungkulin. Ngayon na nasa Ministeryo na ko kahit may mga kasalanan, pinapatawad ng Ama at tinawag pa sa isang dakilang tungkulin na maaaring makamit ng isang binatang Iglesia Ni Cristo ❤
Ito talaga yung pinaka favorite kong kanta sa kapilya. Iiyak ka talaga habang inaawit mo ito. Maraming salamat po Ama sa wagas na Pagmamahal mo sa Amin.♥️
Naaalala ko ito nung nasa part na ng buhay ko na di ko na alam ang gagawin, habang tinutogtog kalakip ang pag awit na mula sa puso at buong pananampalataya sa kanyang magagawa.. Ngayon higit pa ang kanyang binigay sa aking hiniling. Sa lahat ng may gigalig sa buhay sumampalataya tayo lagi sa kanyang magagawa, tumupad ng tungkulin ihabilin natin lahat sa kanya😊
Isa to sa mga paborito kong awit 😭 naalala ko lahat ng mga pagkakataon na akala mo yung sakit at pagsubok na nararanasan natin dito sa mundo is hindi natin makakaya. Pero sa tulong at awa ng Ama kahit na nagkakaroon tayo ng pagkakasala, nandyan sya para satin. Para tumulong at patuloy na mahalin! 😭❤️
Tugma ang awit na ito sa kasalukuyang pinagdadaanan ng mundo ngayon. Napakasarap pakinggan napakasarap namnamin ng bawat tipa napakasarap sabayan sa isip ang awit. Maluluha ka na lang pag binulay bulay mo. Lalo ka na talaga masasabik na awitin ito sa mga pagsamba sobrang nakakasabik na pumunta ng kapilya sobrang namimiss ko na ang tumupad sa aming lokal. Sobrang sakit isipin ang nagaganap ngayon pero kailangan nating magpakatibay na lahat. 😇🇮🇹
Mahal tayo ng Ama. sapagkat tayo ay kanyang mga anak.sinasaway niya tayo sa mga kasalanan ng ating mga nagawa...Upang tayo po ay mag bagong buhay....mahal tayo ng Ama..
Nakakamiss sumamba at tumupad ng tungkulin nakakapanibago kapag yung mga sundays and thursdays mo di na tulad dati 💔 yaan nyo mga kapatid konting tiis na lang makakabalik din tayo 💓
maraming salamat po. laking tulong po saamin ang patugtugin nyo po ang awit ng iglesia. parang niyayakap po kami ng ama. 🤗🥰🥰😇 salamat sa mahal na ama. tunay at makapangyarihan sa lahat
Isa Po akong Mang-aawit habang umaawit Ako intro palang lumuha na Ako yong dama mo sa puso yong lyrics di ko maiwasan na humahagolhul ka. 🇮🇹🇮🇹 Proud TO BE INC AND MANG-AAWIT
Alvin Cawagdan kapatid panoorin nio po tong ginawa kong rap "Magtiwala sa Ama" ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-fsqoKCYr2x0.html paki share na din po
Napapanahon itong awit na ito. Sobrang sarap sa puso 😭❤️. Nasasabik na akong muling masuot ang toga at makarating sa tahanan ng Ama upang awitan Siya. Sabik na rin sa naantalang Banal na Hapunan. 😢. Ngunit sa ngayon ay kailangang maghintay ng masaya at ilagak ang buong tiwala sa magagawa ng Ama. Pagbati po sa lahat ng mga kapatid! Mula po sa Lokal ng Ugong MME.
Eto yong awit gabi na talagang nagiyak saken 🥺🥺 salamt kasi may mga Pagsamba na kahit anong bigat ng nararanasan natin ,dun sa Pagsamba gumagAan ang ating pakiramdam ♥️♥️
Nice piece the best . When I used to play it as I sensualized as if am beside with our GOD. I couldn't detect that my face were full of tears. I thought it was my end. The composition so intellectually formulated the lyrics and notes.
Halos lahat ng mga bagong composisyon ngayon ay tugmang tugma sa mga nangyayari sa mundo. Isa nalang ang kulang.... Ang pagdating ng Panginoong Hesukristo.
Isa po ito sa mga pinakapaborito kong awit na naririnig sa Pagsamba., salamat po sa pag post.. ngayon, palagi ko na po itong mapakikinggan :-) mag post pa po sana kayo ng mga ganitong awit para lagi ko pong mapakinggan, salamat po :-)
"Mawala na ang lahat sa akin, h'wag lang ang Iyong pag-ibig" "Kung akala natin ay di na makakaya Iyuko ang ating ulo tumawag sa Ama" - tagos sa puso mong aawitin kapag ito yung laman talaga ng puso mo. Yung hindi mo mapigilang hindi maluha kapag sinambit ng Iyong labi.
Sa gitna ng napakahirap na pagdadala ng buhay , tunay na nakakapag dulot ng lakas sa atin ang mga awiting aaliw sa atin upang tuluyang maging malakas at matatag.
Sa tuwing mananalangin ako ay nagpapatugtog din ako ng mga hymns tulad neto. napakasarap sa pakiramdam lalo. Tutulo na lang talaga ang luha ko. Ramdam na ramdam ko ang presensya ng Ama. 🥰🥹🙏🏼
Una ko pong pagtupad ko noong BNH 2k21 talagang maluluha ka at halos mapipiyok ka habang inaawit mo.talagang maramdaman mo ang palo,pagsaway at yakad ng AMA.dadalhin ko hanggang kamatayan ang aking kahalalan.hiling ko sa AMA na sana'y pag alabin niyang lalo ang aking PANANAMPALATAYA. 😢🇮🇹🇮🇹🇮🇹
fave hym koto naaalala ko nung bagong active ako tumugtog yung organista namin sa bahay nila nagbabantay kasi kami ng spkp then napakasarap pakinggan etong awit nato pinangarap ko mag organ 2 years from now nung una kong narinig yan salamat sa Dios natutugtog kona😇 hindi ako kagalingan.sana makapanumpa nako ng mang aawit this december kung papalarin sabay na sa pagka organista😇
Sa gitna ng matinding pagsubok...nasabi ko sa Diyos..."Mahal ko po kayo Ama."Dun ko naunawaan yun pala ang dahilan...pinasasakdal Niya tayo sa pag-ibig ♡ I'm thankful no matter what 💚🤍❤️ #proudtobeIGLESIANICRISTO
Di ko makalimutan ang awit na ito noong inawit ito dati sa sta.cena dahil sa linggo ding yun ay namatay ang aking tita kaya habang tumutugtug ako grabi nalang ang aking pagiyak..ang aming pagluluksa pero alam namin na kasama parin namin ang Panginoong Diyos para magbigay pagasa at patuloy na manalig sa kanya.