Тёмный

ESKAPO - Loonie ft. Jroa (REACTION VIDEO) 

TEAM PINSAN TV
Подписаться 288 тыс.
Просмотров 118 тыс.
50% 1

This video reaction is based on our own opinion and this do not reflect any of our sponsors, groups and the like. Respect begets respect.
-----------------------------------------------------------------------
Copyright disclaimer: I do NOT own this video nor the image/audio featured in the video. All rights belong to it's rightful owner/owner's. No copyright infringement intended. Please support the original artist!
Copyright Disclaimer: under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research.
original link : • Loonie - "ESKAPO" feat...
don joaquin's food express link: / donjoaquinn

Опубликовано:

 

19 сен 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 497   
@JohnRoaTV
@JohnRoaTV 3 года назад
SALAMAT MGA KUYA! Parehas tayo hahaha boy google din ako feeling ko may sakit ako 😅 Grabe hirap pero normal nga saating mga mahilig magisip to haha kaya natin to! Matsala sa supporta at reaction! ✌🏻
@jvlucero5826
@jvlucero5826 3 года назад
Salamat din Kuys sa kanta niyo na to. Salamat sa awareness. #MentalHealthMatters
@xzynch0023
@xzynch0023 3 года назад
Paturo magsulat ng kanta hehehehehe
@johnfredcanola5607
@johnfredcanola5607 3 года назад
Lupet nyo ni idol loons🔥☝️
@somethings6040
@somethings6040 3 года назад
Ang masasabe ko lang sayo Jroa ay “ Wag mo sana ako itaboy kasi di naman ako Fuck Boy”🤣🤣🤣 Anyways masterpiece ginawa nyo ni sir Loons Cebuano reppin bebe!!!
@ryansilvestre278
@ryansilvestre278 3 года назад
Ako din idol feeling ko mga dinadaing ko cancer na agad Hahahaahhaaha
@jndysda240
@jndysda240 3 года назад
Salamat mga pinsan!! Isunod nyo sana ang OKA ni sir Gloc 9. Isa rin ako sa dumanas nito. Muntik ko ng kitilin ang buhay ko 14 years ago. Nakahanda na ang lubid, pero my isang kaibigang nangamusta skin nun.. ngaun, successful arkitek na ako dito sa qatar. Dumadating padin ung time na un pero masnalalabanan ko dhil my pamilya nko dito. Masayang pamilya. More power team pinsan!
@fourthtune3182
@fourthtune3182 3 года назад
Isa din ako sa mga naka relate sa kanta na'to ni Idol Loonie. Grade 11 STEM student ako and medyo napepressure lalo't medyo magulo ang mga kaganapan sa labas man o sa mismong loob ng tahanan at pamilya. 5 years old ako noong unang pinaintindi sa akin ang lupit ng hagupit ng buhay. Hanggang ngayong labingpitong taong gulang na ako, hindi parin ako makawala sa kulungan ko na iyon lalo ngayon dahil sobrang daming kaguluhan ang nagaganap sa sarili ko, sa pamilya at sa mundo. Minsan nakakaiyak isipin na nangyayari iyon sa akin at maging sa pagtulog ay minsan mahirap. Dagdag pa sa hirap na iyon ay yung kailangang hindi makita ng iba yung nararamdaman ko lalo ng sarili kong pamilya. Sa ngayon ineexpress ko nalang sa pagraRAP ang damdamin ko at sa kagandahan naman ay medyo nababawasan ang bigat sa pakiramdam ko. Sa ngayon nananatili parin naman akong kulong sa ANXIETY at DEPRESSION pero walang tigil parin naman ako sa pagdadasal para maging mabuti ang lahat! Paki spottan nalang po ng channel ko kung gusto niyo marinig ang iba sa mga obra ko! Salamat!
@trazko1394
@trazko1394 3 года назад
godbless idol dont give up, lahat ng pagsubok malalampasan 😊
@ronharleypantaleon1824
@ronharleypantaleon1824 3 года назад
Kayanin mo please.
@aldrinchristianvergara9006
@aldrinchristianvergara9006 3 года назад
Kaya mo yan wag kang susuko👌👌
@daikenmoscoso7726
@daikenmoscoso7726 3 года назад
Naranasan ko yung part na gusto ko ng bawian ng buhay, yung tipong masaya naman ako pero sa dami ng nasa isip ko di ko magawang maging totoo kahit sa sarili ko salamat sa pagpapaintindi pinsan 😊
@zerogabz1153
@zerogabz1153 3 года назад
Sino nang nakaranas dito ng feeling na yung katawan mo gustong gusto na matulog pero hindi ka makatulog kasi yung utak mo gising at parang takot na tako ka na may masamang mangyayari?
@rnz1916
@rnz1916 3 года назад
Haysss ang hirap 😪
@crisostomoibarra687
@crisostomoibarra687 3 года назад
Ako🥺
@zerogabz1153
@zerogabz1153 3 года назад
Laban lang mga tol! Nalagpasan ko yan sa tulong ng Diyos. Malalagpasan nyu din yan kung andyan kayu na sitwasyon ngayun!
@christianciervo7677
@christianciervo7677 3 года назад
Up
@dwightbatalla2856
@dwightbatalla2856 3 года назад
Pinagdaanan ko din po yan.. takot ako sa tao nung mga time nayun Gusto ka lang lagi magisa Salamat Sa PANGINOON dahil sa tulong nya nalagpasan ko yon.. Salamat mga idol team pinsan sa Video reaction nato.
@itsfreakyfriday6755
@itsfreakyfriday6755 3 года назад
Same po hanggang ngayon parang mahiyain at wala confidence sa tao taong bahay kase haha
@jvlucero5826
@jvlucero5826 3 года назад
1st and 2nd verse: Fear, Anxiety, Depression 3rd verse: Suicidal thoughts Answer: Last two lines sa 3rd verse "Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan" #MentalHealthMatters
@ronharleypantaleon1824
@ronharleypantaleon1824 3 года назад
Sana May niya to nirelease kasi mental awareness month, pero grabe talaga kasi connected pa yung first line sa last. Parang sinagot niya yung tanong sa una.
@ryanrodriguezolalo119
@ryanrodriguezolalo119 3 года назад
Malalagpasan mo yan pag nilabanan mo lahat ng negative thoughts mo. kalayaan pag nalampasan mo
@annagrey1055
@annagrey1055 3 года назад
The beat, the lyrics, the message… this song is a masterpiece
@rickymark2831
@rickymark2831 3 года назад
💯
@bisayangdako6872
@bisayangdako6872 3 года назад
Underrated tols sayang dami kasing may gusto sa mababaw
@ckerrvillalon6888
@ckerrvillalon6888 2 года назад
Overrated
@marionellisgudoy2058
@marionellisgudoy2058 3 года назад
[Intro: Loonie] Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan [Verse 1: Loonie] Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto Nako po [Pre-Chorus: Loonie] Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya [Chorus: John Roa] Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko na lang na mawala na [Verse 2: Loonie] Huwag kang magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag) Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (Magdamag, magdamag) Malimit, mahilig magbilin sa ibang tao Ngunit tila di ko masunod-sunod ang sarili kong payo Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad [Pre-Chorus: Loonie] Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya madalas ay [Chorus: John Roa] Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na [Bridge: Loonie] Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib [Verse 3: Loonie] Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan [Chorus: John Roa & Loonie] Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala (Di ko na alam) Gusto lang namang kumawala (Gusto lang namang kumawala) (Gusto lang naman) Ng isip kahit pansamantala (Kahit pansamantala) Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na SHARE THE LYRICS “ESKAPO” TRACK INFO Featuring
@tugsangpusngak8471
@tugsangpusngak8471 2 года назад
naka holo rhyme ung pre-chorus ehh, magkapareho ang bilang ng bawat pantig sa bawat pangungusap
@renzelandal6156
@renzelandal6156 3 года назад
Team pinsan isa rin ako sa may anxiety 18yrs old ako ngayon sobrang hirap lahat ng naramdaman nyo naranasan ko na rin pero dahil sainyo lumakas loob ko na labanan to maraming salamat!!!!!!!❤️
@elijahmontei7445
@elijahmontei7445 3 года назад
Bago kulang din na overcome anxiety ko sobrang hirap labanan at controlin ang pag iisip. Ika nga nila "the worst battle in life is what you know and what you feel"
@johnlandrietagle7268
@johnlandrietagle7268 3 года назад
Salamat mga idol sa pag share ng experience niyo gamit ang kanta nato, grabe akala ko ako lang talaga sobtang weird niya pag naranasan mo talaga sobrang hirap. Isa lang talaga ang nalapitan ko sa mga oras na inaatake ako ng Anxiety walang iba kundi si Lord talaga With God Nothing is impossible. God bless Team Pinsan, See u sa next Vlogs niyo keep safe and stay bless
@ralphsimonarmenta9137
@ralphsimonarmenta9137 3 года назад
Sa mind lang nangagaling lahat ng panic Just pray believe na may lord at pag na kay lord ka na lahat ng bagay ay mapayapa. :)
@thecheck12123
@thecheck12123 3 года назад
Pahinga, mag exercise, kumain ng tama at irelax ang katawan at isipan. Chill bigyan natin ng break ang katawan natin.
@janbenedictcruz7334
@janbenedictcruz7334 3 года назад
Nasaksihan ko pinsan ko na ma depress, iba as in, ilang beses na tinangkang magpakamatay, nag overdose, triny uminom ng zonrox, yung laslas nun sa hita at wrist sobrang lalim, di lang sya basta laslas, maibubuka mo yung sugat e, kami kami lang nakakaalam nun, pamilya namin tsaka pamilya nya, pag kausap mo normal lang sya, makakausap mong matino, pero oras na mag isa yun mag lalaslas na, di yun natutulog ng 3 days, literal na di natutulog, umiinom yun ng alak walang laman tyan, di kumakain sa kanila, samin lang kumakain, sa bahay lang namin, para syang nag hahanap ng kalinga, namatay kasi mama nya (cancer), tapos sya yung nag aalaga, sapo nya lahat, naghinto sya sa pag aaral, almost 3 years syang naging ganun, ngayon umayos ayos na. pag may kakilala kayong depress, wag nyo papakita na naawa kayo, pag sinabi nyang papakamatay sya, biruin nyo lang na "edi sige pakamatay ka", pag kasi kinaawan lalo nilang mararamdaman na pabigat sila, wag nyo ipakita na naaawa kayo, pero paminsan minsam kausapin nyo din ng seryoso, di ko sinasabing pwede to sa lahat, pero eto lang natutunan ko.
@Yaays-c8r
@Yaays-c8r 3 года назад
Isa to sa solid na reaction video niyo, sa lalim ng kanta at naranasan niyo din, bawat lyrics may laman pag na experience mo ang depression/anxiety. Grabeh talaga!
@MrPingaw0790
@MrPingaw0790 3 года назад
Grabe yung part na "...Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo, Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko..." Yung feeling na lugmok, anxiety at depress ka na pero maslalo mo pang idown sarili mo due to overthinking.
@ruffypelaezsatur9743
@ruffypelaezsatur9743 3 года назад
Di lang ito purong reaction lang sa pyesa kundi may advice din at aral na napupulot. . maraming salamat mga pinsan ❤️
@kejizxc3731
@kejizxc3731 3 года назад
Iba yung aura sa video na to. Damang dama ko talaga yung pagiging wholesome at tunat neto. ❤
@shotbypags4436
@shotbypags4436 3 года назад
bigla akong napaiyak kase akala ko ako lang nakakaranas ng anxiety legit nanlalamig ang mga kamay at paa at giniginaw pag inaatake ng anxiety thank you teampinsan sa reaction dito ❤️ keep positive thinking lang mga guys!
@kabutenglason7477
@kabutenglason7477 3 года назад
isa ako sa may anxiety and panic attack. isa talaga sa nakaka trigger yung mga badnews lalo na pag naka nood ako sa balita or tv na may namatay sa sakit sa puso. diabetes hyblood stroked. pag ganon dun nako nenerbyosin bibilis tibok ng puso. mahihirapan huminga. mainit yung ulo at leeg pero malamig ang paa. nanamhid yung katawan. parang hapong hapo. nasusuka. magugulatin. tas parang gusto kong tumakbo ng tumakbo. at madame pa. kaya sa katulad kong may panic attack. kilalanin nyo sarili nyo at iwasan nyo ang nakakapag patrigger sa inyo 😁 and di ko masabeng gumaling nako. PERO NAKOKONTROL KONA SYA 😊
@brnnphlpp
@brnnphlpp 3 года назад
Solid Team Pinsan since day one! Realtalk lang; Sa mga tulong ng mga tulad niyo na nag Hihimay/Reaction Vid sa mga kanta sa mundo ng YT. Mismo sarili ko natututo ako maghimay or magmasid sa mga kanta na bago na napaakinggan ko, dahil sa ginagawa niyo Salute! Respect to all.🙏💯🔥
@GenLuna-ov7fj
@GenLuna-ov7fj 3 года назад
Ang hirap isound trip ng kantang to napakalalim ng nakatagong mensahe goosebump men lalo na sa naka experience talaga ng anxiety at depression mahirap talaga makaranas nyan sarili mo mismo kalaban mo ang hirap takasan para ka laging aburido at Tamang hinala Pero sa lahat ng nakatakas dyan saludo sa inyo be positive lang meron tayong diyos
@rnz1916
@rnz1916 3 года назад
Mismo!
@kaidzz
@kaidzz 3 года назад
Depression? Isn't that just a fancy word for feeling bummed out?
@janbenedictcruz7334
@janbenedictcruz7334 3 года назад
@@kaidzz kawawa naman mga nakakasalamuha mo
@jsantism6865
@jsantism6865 3 года назад
subrang seryoso ng reaction video na to.., salamat sa magandang mensahe sa kanta ni idol loons at sa inyo team pinsan.. keep it up🔥🔥🔥🔥
@aaronfajardo48
@aaronfajardo48 3 года назад
Kadalasan ng anxiety na naranasan ko hanggang ngayon ehh yung nakakaramdam ka ng panganib kahit wala namang panganib sa paligid. tamang hinala / walang tiwala / yung paligid mo hinahanapan mo ng armas na pwedeng magamit o kaya saan pwede mag tago.
@justineautor775
@justineautor775 Год назад
Salamat sa inyo gregor and lhip. Dahil sainyo nalaman ko tong nararamdaman ko anxiaty din pala to lng nararanasan ko 😔
@charlesloydpalkit7729
@charlesloydpalkit7729 3 года назад
"It is you against yourself" -Coach Mav
@vmyb3175
@vmyb3175 3 года назад
Sarap manuod sa reaction nyo talagang detalyado din solid dami ko nalaman sa lalim ng kanta nato na diko maintindihan minsan. Hehe
@vickygabin7381
@vickygabin7381 3 года назад
Salamat mga pinsan. Eto pinaka iniintay ko e!!!
@trapjeff2022
@trapjeff2022 3 года назад
I understand your thoughts idol Lhip and Poison. Di man ako nakaranas nyan but I'm a Psych grad. The best therapy din yung ginagawa nyo you're sharing your thoughts to someone who also understand your situation especially yung mga taong na overcome din yung ganyang situation. I hope dumami pa yung kagaya nyong hindi nahihiya ishare yung naranasan nila to spread mental health awareness to everyone. ❤
@JosephJrCruz-rn3vh
@JosephJrCruz-rn3vh 3 года назад
YESS!!! TANGINA HINDI TALAGA AKO NAG IISA!!! TANGINAAA ANDITO AKO SA IBANG BANSA WALA AKONG KAHIT NA SINO DITO KINUKULONG KO UNG SARILI KO KC WALA AKONG PAMILYA D2, PERO IM STILL ALIVE TEAM PINSAN, TANGINAAA AKALA KO TALAGA ME CANCER AT MAMAMATAY NA AKO, NUNG PINANOOD KO TO TANGINAAA BINIGYAN NYO KO NG LAKAS NG LOOB!! MAS MAHIRAP DITO KC AKO LANG TLGA MAG ISA DITO, ANG TANGING KASAMA KO LNG AY ANG NANAY KO, AT MAS PINAHIRAPAN TLGA AKO NI GOD KC UNG NAPANG ASAWA NYA AY PINAKA MASAMANG UGALING TAO NA TIGA DITO NA .. BASTA GRABE, SALAMAT PO TLGA! MINSAN KPAG SOBRANG N TLGA UN ANXIETY KO SINUSULAT KO NA LNG SA PAPEL, GUMAGAWA N LNG AKO NG MGA RIMA, PG SOBRA N TLGA BINABALING KO N LNG MAG EHERSISYO.. TANGINA HIRAP TALAGA, GUSTO KO N DN KUMAWALA, PERO ALAM KO LABAG SA PANGINOON NTEN UN. MARAMING SALAMAT IDOL LHIPKRAM AT IDOL POISON, SANA MAKAUWI AKO AT MAKA FREESTYLE KO KAU 1 DAY. I LABYOU GUYS SALAMAT!
@teampinsantv9788
@teampinsantv9788 3 года назад
Wag ka pang hihinaan pisan lagi mo isipin mga mahal mo sa buhay at about naman sa problema mo isa lamang yan sa mga sukatan ng katatagan ! Mag dasal ka palagi ! Godbless sayo
@JosephJrCruz-rn3vh
@JosephJrCruz-rn3vh 3 года назад
@@teampinsantv9788 salamat idol! Hindi ako nagkamali sa pag pili ng idolo👌 sana maging 3gs dn ako 1 day hahahhaha
@batampisnge
@batampisnge 3 года назад
napaka sarap makarinig ng gantong kwentuhan, di ko akalain na yung dalawang leon, yung dalawang mangangatay tao kung bumattle eh parehas din pala sa nararanasan ko at ng iba pang normal na tao, galing talaga ni idol loonie ganda ng katha nyang to, mas maganda na naoopen tayo sa gantong klaseng maselan na usapan, salamat sa inyo Team Pinsan sa pag share ng experiences nyo ❤️ At sa makakabasa nito na nakakaranas din ng anxiety depression, laban lang tayo! kayang kaya natin labanan to walang susuko! magdasal lang tayo palagi ay humingi ng lakas sa panginoon 🙏💯
@idzlasna9742
@idzlasna9742 3 года назад
Lalo na qmi na andto sa abroad mdali qming makaramdam ng anxiety, stress, depression laht2x na! Pero aq pnipilit qong labanan tulad nga ng sabi nyo mga Pinsan sarili lang ntin mkkatulong sa sarili ntin. Godbless poh at slmat ulit sa advice😉
@jhonaldrinenamoco3156
@jhonaldrinenamoco3156 3 года назад
relate ako dyan sa kantang yan grabe di ko kinahihiya na meron ako ganyang kundisyon kase iilan lang naman ang nakakaintindi sa aamin mas marami pa ngang tatawanan pa kame pake namen sa inyo
@russelmedina5558
@russelmedina5558 3 года назад
Sa mga shinare nyo about anxiety, ayoko isipin na meron na pala kong sintomas nyan. Try ko pakiramdam sarili ko. Salamat mga Pinsan.
@robicastro942
@robicastro942 3 года назад
Sana magkaron kayo ng segment na ganyan kayo ka seryoso godbless mga idol
@crisauza4627
@crisauza4627 3 года назад
Isa toh na kanta nung una kung dinig nasabi ko parang wala lang parang simple lang pero nung nakita ko yung mga sa comment nung sinabing damahin yung bawat salita dun ko napagtanto na isa toh sa kantang pwede kung ishare 🔥❤️ MasterPiece Tong Kanta na Toh Sobra 🔥❤️
@rapsa17macaday58
@rapsa17macaday58 3 года назад
Biglang naging positibo yung pagiisip ko ng mapanuod ko to solid💙
@fourthtune3182
@fourthtune3182 3 года назад
Basta Loonie solid!!! Jroa yung Icing sa Cupcake men!!!!
@chupolianstvregieagravante7123
@chupolianstvregieagravante7123 3 года назад
napaka solid mga idol parang kinakausap ko sarili ko habang pinakikinggan ko to
@pijogotbars
@pijogotbars 3 года назад
Ito ang inaabangan kong reaction talagang solid mag review. Lalo na sa mga kanta ni kuya Loonie
@somethings6040
@somethings6040 3 года назад
Very well said mga kapinsan! Ganun kasi tlga pag nasa state of depression ka isa ang madalas na pagtulog ang sign ng depression at kadalasan sa mga taong naapektohan is yung mga taong kahig isang tuka, mga dagok sa buhay natin na di tlga maiiwasan. Salamat sa pagshare ng thoughts nyo mga kapinsan. 🔥🙌🏼💯
@chuchutv2202
@chuchutv2202 3 года назад
Title: Boy by kartell'em and BLKD parequest boss solid yun!!!!
@ejaymiramon5824
@ejaymiramon5824 3 года назад
Up for this
@francoivler3572
@francoivler3572 3 года назад
Up
@migueljose9152
@migueljose9152 3 года назад
Oo tyaka dapat andyan si Shernan hahahaha
@Casper-mr2qp
@Casper-mr2qp 2 года назад
Sobrang totoo to binabalik balikan ko to para maging positibo ulit. Salamat mga pinsan ❤️ pareparehas tayong boy google
@mcjhaymusic1082
@mcjhaymusic1082 3 года назад
Road to 200k subs❤️ ☝️💯 nice team pinsan
@rovicayles9160
@rovicayles9160 3 года назад
Yon kayong dalawa talaga hinihintay ko magreact dyan haha nice 🔥🔥
@joshuajuliansantos6344
@joshuajuliansantos6344 3 года назад
Thank you for sharing your experiences! This pandemic challenged all of our mental healths talaga. Don’t be afraid to seek help!
@marcmesoga7366
@marcmesoga7366 3 года назад
Getting a heart from teampinsan makes me feel better
@marioramirez6517
@marioramirez6517 3 года назад
Pwede ka na mag bigte
@itachi4470
@itachi4470 3 года назад
HAHAHAH
@itachi4470
@itachi4470 3 года назад
ginagawa muu
@itachi4470
@itachi4470 3 года назад
di nman magandang ehempliyo yang mga yan, sabay lang lang nmn sa uso
@myrahrait4295
@myrahrait4295 3 года назад
@@itachi4470 bat ka nanonood lol, para lang mag hate comment? patawa amp HAHAHHA
@kevincruz8500
@kevincruz8500 3 года назад
Ako may Anxiety ako. Napakahirap ng palaging nag aalala. Di talaga biro. Lagi kong banggit pag mag isa ako, "mamamatay nako."
@kaeldelacruz9535
@kaeldelacruz9535 3 года назад
Pati ako parang minsan kapag mag isa ako gusto ko na mamatay
@raymondmangali8345
@raymondmangali8345 3 года назад
Ayos team pinsan dabest tlaga pag kayo mag react❤️
@tonzkii
@tonzkii 3 года назад
Salamat pinsan! Ngayun ko lang nalaman kala ko normal lang. pero d na pala. lahat ng nabanggit nyu naranasan ko rin akala ko normal lang. kasi hindi nman ganyan pgka tao ko dati. hanggang ngayon ganun parin. kaya pala ang sarap pakinggan ng kantang to.
@bellaqueenzel6948
@bellaqueenzel6948 3 года назад
Paheart naman di ko iniskip Ads niyo hahahaha.
@clevinjohnformentera1030
@clevinjohnformentera1030 3 месяца назад
Nong unang beses na pinanood ko tong Reaction nyo sa kantang to mga idol, binaliwala ko lang Kasi Akala ko lang talaga na madali lang yan masulosyunan .. Pero Ngayon na naranasan Ng Kapatid ko, pinanood ko ulit video reaction nyo .. Grabi ang hirap Pala.. Grabi nakakaawa talaga .. makikita namin sa kanya na pilitbnyang nilabanan , kaso Minsan d nya talaga ma control Sarili nya .. Nakakaawa talaga .. Sana magiging okay na Po Kapatid ko..
@rylegozum1557
@rylegozum1557 Год назад
Nakakamiss yung ganitong Lhipkram!
@AntonLaveyyy
@AntonLaveyyy 3 года назад
Waiting for bahay katay battle reaction 💛💪
@tengdeleon786
@tengdeleon786 3 года назад
Sa lahat ng nag video react neto eto ang pinaka magandang pinaliwanag realtalk ..
@l0ckd0wn.payaz0ad2
@l0ckd0wn.payaz0ad2 3 года назад
pang 2ooK Subscriber ako lodz 😅☝️☝️
@jaybeediamante6677
@jaybeediamante6677 3 года назад
Salamat po sa pag share nyo mag 1 year na po ko di nadadalaw ng anxiety. Power pa para satin mga may anxiety. Pero feeling ko po graduate na po ko jan.
@jerichocompuesto7450
@jerichocompuesto7450 3 года назад
Ito inaabangan kong review solid mga idol 👏👏
@kunsomize3257
@kunsomize3257 3 года назад
Kaya pla ni loons mga gntong tema. Sna mkapagcollab cla ni JRLDM. Solid JRLDM x Loonie.. daannm!
@jayferrer2539
@jayferrer2539 3 года назад
Dumaan si Loonie last year sa anxiety/depression ilang months bago sya naset up so nakakarelate talaga sya
@kunsomize3257
@kunsomize3257 3 года назад
@@jayferrer2539 tas ung iba pilit inuungkat ung issue nya. Di nila alam kc pakiramdam ng my depression. Alam lng nila tirahin c loons kc dun cla sisikat.
@mobstee9578
@mobstee9578 3 года назад
Di matapos ang pagiisip ko at pag aalala 😥 nqguguluhan nako...
@Romeothegreat186
@Romeothegreat186 3 года назад
Sarap SoundTrip'in to habang kumakantot 😋👉👌 Sa sobrang lalim ng kanta siguradong malalim din pag binabaon ko to sa kinakantot ko. 🤩
@Romeothegreat186
@Romeothegreat186 3 года назад
Reply kana man boss lhip! Wag puro heart! 😂
@977aint8
@977aint8 3 года назад
Na ang makitid ko na pag iisip ang siyang nagawa kong "Matakbuhan" - Double meaning 1. To Escape 2. To Embrace
@kimcotchay2677
@kimcotchay2677 3 года назад
props sa Lyrics ng Hari ng Tugma🤟 #LOONIE
@karlenriquez5387
@karlenriquez5387 2 года назад
salamat sa mga shinare nyo mga pinsan, ngayon alam ko na kung bakit ko nararamdaman to
@gyoungthagreat785
@gyoungthagreat785 3 года назад
1k nalang 200k subs na mga Pinsan congrats na agad! 💯🙌🏾
@kydtwotwotwo
@kydtwotwotwo 3 года назад
Salamat sa kaalaman mga pinsan! ❤️
@6ix660
@6ix660 3 года назад
Road to 200k
@imtheone2022
@imtheone2022 3 года назад
Ayownn Salamat Dito Pinsan!! ♥
@jaysonguemo7642
@jaysonguemo7642 3 года назад
Yessss!! 💯❤️
@ishowspeedclips-US
@ishowspeedclips-US Год назад
IDOL SANA LAGE NATEN PAG UUSAPAN ANG DEPRESION AT ANXIETY KASE YAN ANG DAHILAN BAT NAGING HIGHBLOOD AKO SA MURANG EDAD AT NGAYON NAGDA DIALYSIS NA AKO!
@Ksmky666
@Ksmky666 3 года назад
Di talaga biro pag may depression at anxiety. Di kaya lampasan kung mag isa lang kasi walang sasagip sayo pag nalulunod kana. 🔥
@yvone6960
@yvone6960 3 года назад
Much relate po dito, nakakagaan ng pakiramdam na may mga taong kagaya mo at nakakaintindi sayo. Kasi pag sa iba ka nag open ng nararamdaman mo sasabihan kapa ng praning, lakas tama, tatawanan kapa. Hindi kasi nila alam at nararamdaman.
@romiecerezo7947
@romiecerezo7947 3 года назад
Eto ung pinagdadaanan ko ngayon hirap! Parang kasalanan ung araw araw na pag gising
@sigekahol9024
@sigekahol9024 3 года назад
advance happy 200k team pinsan, pero ang hirap mag react nga ng kantang yan kasi ang Dark ng mensahe,..
@caleblopez3535
@caleblopez3535 3 года назад
Lapet na mag 200k mga lodi!!!
@eyedeaofficial
@eyedeaofficial 3 года назад
Lumabas din hehe kayo inaantay ko mag react mga kuys e, sure ako di lang ako ung nag aantay sa react nyo sa new song ni idol Salute mga kuys 👊🏼🔥
@mobstee9578
@mobstee9578 3 года назад
May anxiety ako haring bambi...15 years old pqlqng ako...pangalwqng araw na ngayun grabe talaga hirqp matulog...tapos paggising ko kqla tapos na..shit mga ilang minuto pang bumalik na naman
@soytimelindo9243
@soytimelindo9243 2 года назад
SALAMAT MGA KUYA SA KATULAD KONG MAPAGISIP DIN!🙌
@annabellefoodvlogatbp9993
@annabellefoodvlogatbp9993 3 года назад
Sarap kainuman ng mga to
@eight_batiller
@eight_batiller Год назад
Relate talaga ako dito pero laban lng sa lahat na nakaranas nito
@haremundag7569
@haremundag7569 3 года назад
Ayus to na video reaction mga idol pinsan. Madami tayu nakakaranas nito 🖐️ pano mo nalang labanan tsaka di lang kumawala sa ☝️☝️🙏
@hashimabdula2457
@hashimabdula2457 3 года назад
Mag e study na sana kaso biglang nag pop up sa phone ko. Bale next time naman haha
@kristiantiglao92
@kristiantiglao92 3 года назад
Sama makacolabo nyo rin si idol Loonie. Dahil deserve nyo yun. Wish you all best mga sir.
@rommelnunez9247
@rommelnunez9247 3 года назад
The best video reaction para sa kantang to.
@whizzbang2339
@whizzbang2339 3 года назад
pinsan yan din nararamdaman ko ngayon pero dahil napanuod ko to may ideya na ako kung ano nangyayari sa akin akala ko ako lang ang nakakaramdam ng ganto maraming salamat sa inyo mga pinsan much love
@longlivejoko
@longlivejoko 3 года назад
Eto talaga inaabangan ko eh. Shout outs from Iligan City mga lodi
@caloy3180
@caloy3180 3 года назад
Salamat lihpkram kala ko AKO lang, mukang may anxiety nga lang din ako, nangyari din sakin to yung napagoogle ako kala ko may sakit ako kung ano ano naiisip ko sa nararamdaman ko tsk. Solid review, reaction akmang akma!!
@titit7529
@titit7529 3 года назад
Lodi don joaquin at gregor loonie vs tipsy d nlng okey nko.hehehe Godbless
@aizekielnuyt8333
@aizekielnuyt8333 2 года назад
masayang malamang na hindi tayo nag iisa sa maramdaman na meron tayo, pero nakaka lungkot na meron tayong ganitong karamdaman, di ma explain kung bakit palagi tayong negative, laban lang
@jamandreibaluyot619
@jamandreibaluyot619 3 года назад
Yun oh! Nag react din hahahah tagal!!!!
@angeligarcia3886
@angeligarcia3886 3 года назад
Ang galing nyong mag react ng mga video,,salute to u team pinsan,,,more subscriber to come,
@josephtv3318
@josephtv3318 3 года назад
Mga pinsan pa heart po plss....
@keancasio2176
@keancasio2176 3 года назад
Yung last line talaga pang bungat sa mga taong may anxiety, sana balang araw ma malampasan rin nating tong makitid na daanan
@kaagnatan276
@kaagnatan276 3 года назад
Ano man ang ating iniisip at mga saloobin ay sa Diyos natin sabihin...kaya patuloy tayong magdasal lalo na sa mga panahong tayo ay naguguluhan. Ipaubaya lahat sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal, at siguradong di aabot sa pagpapatiwakal. Keep prayin 🙏☝️
@ervindavid2381
@ervindavid2381 3 года назад
Pa notif idol ito ung inaabangan ko haha
@froilantabarno3119
@froilantabarno3119 3 года назад
salamat sa ka tulad kong may anxiety di po biro yan di lahat pwedeng mani wala syo kpg sinabi mo sana mawala na po skin di po madali un
@jpmonternel5953
@jpmonternel5953 3 года назад
salamat team pinsan sa napakalinaw na paliwanag 😇
@soytimelindo9243
@soytimelindo9243 2 года назад
SALAMAAAAT MGA KUYAAAA:)
@rjsison27
@rjsison27 3 года назад
Ako din 20 years na akong lumalaban sa anxiety/panic attack... Hirap pero tuloy lang 👍🏽✊🏼
Далее
LOONIE VS ZAITO (REACTION VIDEO)
35:37
Просмотров 187 тыс.
YEARLY (REACTION VIDEO)
31:05
Просмотров 1,2 млн
PASTULAN - Nero Ft  Lanzeta (Reaction Video)
19:15
Просмотров 75 тыс.
BSI - Jonas, Icezy ft. Mhot (REACTION VIDEO)
18:24
Просмотров 87 тыс.
GASOLINA - Loonie ft. CLR (VIDEO REACTION)
13:44
Просмотров 123 тыс.