Intro:
Asul na banda ang nakabalandra
Tipong makipagubusan ng bala
salbahe sa tutok pa lang malala na
di mapigilan sa kada entrada
exlusives ang nakatatak
mabura sa eksena malabong mangyare,oh tama
Parang apoy lalotpag magkakasama
di na maapula pag nagbabaga
Hook:
Dami ng gustong humabol saamin bat di pa tumigil
exclusives pangalan ng grupo malala oh lalo nang gigil
hanay na mahihirapan sa pag talo, sila kumikitil
tiyak na delikado ang karakas pag di napag pigil
Verse ba:
grupo namin magaling
di patapon, di lang puro dating
kung makasagupa malalaman mo rin
Iba lang duda, di maihambing
di maikukumpara ang estilo na galing sa ghetto
Di tayo magkakapareho, distansya wala kasing preno
Lalo pagka sila ay nakabwelo
Nagsimula sa wala to noon
hanggang sa naging dominante ngayon
panay aming straight grind gang ma flatline,mas nanabik pa may binaon
Di na ito na katulad ng dati
tipong tahimik mas lalong dumami
career mabilisang angat maserati
rekta na win streak to palagi
Married to the game
(kontrolado pa rin aming street life)
Purong labasan ng aim
(Di na kakaya pag street fight)
Tagos u be feelin the pain
lalong may tama we're insane
mas maiging iiwas ang sarili
pag ka lumapag ang sasakop sa game
mwa.
18 сен 2024