grabe it brings back good memories. nung bata ako kapag pupunta kami ng mother ko sa santiago feeling ko nun madami na kaming pera hahahaha. super excited ako noon pag sasabihin na pupunta kami santiago kasi once in a blue moon lng mangyare sa buhay ko as a kid noon. footsteps in parang naaamoy ko ang mga bagong sapatos😁nhhya ako noon kasi ang sales lady sunud ng sunud. pero pinaka favorite ko na part tlg is sa palengke mismo sa mga gulayan at karnehan. tpos kakain kami sa karenderya paborito ko non na orderin na ulam is giniling or adobong atay ng manok. sa rose yata kami noon madalas kumain ni mama. i miss you philippines mag 6 yrs n akong di nakauwe. pag may opportunity balikan ko lahat yan☺️😊😇🙏🏽🙏🏽🙏🏽
Wow I love Santiago, my birthplace. haven't been home for almost 5 yrs now..I miss the white sapin sapin in particular., Ng crave tuloy ako😊😊 Shout out sa La Salette batch 77.
Masisipag mga kababayan ko pilipino maghanapbuhay,sana lang baguhin na ang style ng mga palengke sa panahon ngayun,sana magawan ng paraan kung paano hindi maging malangaw at madumi at Mabaho,sana rin ipa aircon para fresh ang mga karne at Isda...ang init pa naman dapat ang mga karne at isda nasa malamig na ref..kung may aircon sana presko masarap mamili at maganda kung walang langaw at hindi mabaho.sana ipack na ng maayos mga karne at isda at lagyan na agad ng tag price para hindi na hinahawakan ng mga costomer,sa panahon ng covid kailangan ng maging malinis at maselan tau,wish lang
Last na nakita ko ang Santiago City Market, may nire repair sila na part na may nasunog. Ngayon pala ay lumuwag na ulit ang palengke na yan. Mas nag expand sila, dahil dumami na rin ang parukyano nila all over Santiago City, but also yung mga bumibiyahe inland ng tulad ng Palanan, San Mariano at Dinapigue, Maddela at ibang parte ng Quirino, diyan na namimili pauwi.
Nagtrabaho din ako diyan. Tagahuli ng mga nakakawalang hito sa banyera, taga dagan pag may bumili ng buhay tapos ipapalinis, dahil malikot ang hito pag naaasnan. Nagtinda ako diyan ng tilapia at hito. Mga kapit puwesto namin, varied ang paninda. May cull chicken, may isda, karne at mga kagamitan sa bundok. How I missed Roxas Market sa Isabela. Pag naggala ka pa konti, makikita mo yung sakayan ng jeep pa Tabuk via Mallig, sa likod ng palengke.