Bukod sa iyong mga kopya, mas palawigin mo pa ang pananampalataya mo sa Diyos at paggawa ng mabuti dahil ito ay mas mahalaga pa sa kahit anong orasyon na mapupulot mo sa kahit anong channel na sinusundan mo. God Bless
@@midnightbaron5863 Hindi ko po alam kung saan mo po nakuha ang mowim na sinasabi mo. Mowam yan kapatid. Kung sa tingin mo po ay mali, ay pwede mo po itong wag sundin. Anut-ano man ang dahilan mo po, MOWAM yan, kapatid, hango sa matandang salita polish-latin na ang ibig sabihin ay "I speak" o "Ako'y nagsasalita"
Depende kung anong uri ng orasyon ang ginagamit mo. Kung pakain na orasyon sa gamit ispiritwal, maaring magkaroon ng pag-iinit ng kaunti ang gamit mo. Maari din nmang makaramdam ka ng hindi maganda kung kulang ka sa debusyon. Minsan naman wala, mangyayari na lang basta ang hinihiling mo sa dasal na iyon.Pero gusto ko lamang din liwanagin sa inyo, gaya ng aking sinasabi sa mga talakayan dito. Ang mga orasyon ay pawang walang buhay at mga salita lamang. Ang tunay na nagpapagana dito ay ang pananampalataya sa Diyos ng taong umuusal nito. Kung kaya madalas maraming orasyon ang hindi gumagana dahil ang umuusal nito ay kapos sa pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos at iniisip lamang na kapag inusal nila ang orasyon ay gagana na ito ng kusa. Hindi po ito ganun. Salamat po
Bro.salamat sa paliwanag at nalaman ko kc minsan pagnagdedebosyon ako parang mainit nga ang pakiramdam ko at pawisan ako pagkatapos kahit na malamig ang panahon gano din ba ang pakiramdam pagnaggagamot tenc bro sa paliwanag God Bless always Bro.
@@eduardobagu3196 sa debusyon lang yang mga ganyang senyales. Pag nanggagamot, depende un king gaano ka tibay poder at pananampalataya mo. Kung matibay, wlang epekto sau un. Kung hindi naman, iba iba pwede mo maramdaman gaya ng pag sakit ng ulo, pagkahilo, at kung anu2x pa.
Ano po ba ang paraan para maalis ang pagiging mainitin ang ulo. Baguhan po ako at nagdedebosyon s salita ng diyos pero nka pagmumura ako pag nagalit. Sana matulungan nyo ako salamat po!
Ang pagiging mainitin ang ulo ay hindi isang sakit kaialangan ng isang natatanging gamot. Bagkus, ito ay isang kaisipan na humubog sa ating pag-uugali. Upang makaiwas dito, maging mapagkumbaba lagi at tanggapin ang katotohanan na hindi tayo ang laging tama. Magdasal palagi at piliing wag ng magsalita kung wala namang magandang maidudulot ang ating sasabihin. Salamat, Kapatid. God Bless
Hello pooo. Gusto ko po mag debusyon para matuto ng lihim na karunungan at makapag pa andar ng orasyon. Ngunit hindi po ako katoliko paano po iyon? Hindi po ako makakapag rosaryo at manalangin ng ama namin, aba ginoong maria, luwalhati at sumasampalataya. Ano po maaari ko pomg gawin para maka pag debosyon at matuto ng karunungang lihim kahit hindi katoliko?
Kung taliwas po sa paniniwala at pamamaraan ng inyong pananampalataya ang mga hakbangin at mga panalangin na ginagawa sa larangang ito, iminumungkahi ko na wag nyo na po itong subukan. Ang mga panalangin gaya ng Ama Namin, Sumasampalataya, Aba Ginoong Maria, at iba pa..at mga hakbanging ito ay naghahanda at nagpapatibay sa sinumang nais matuto ng karunungang ito. Hanggat hindi po kayo handang gawin ang mga pamamaraang ito ay wag nyo na pong ipilit ang inyong sarili na tahakin ito bilang respeto sa kung anuman ang aral ng Lihim na Karunungan at sa kung anumang aral na pinananiniwalaan sa inyong relihiyon. Sa huli, ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang RESPETO. Salamat po. God Bless
Sir pde kopo ba itong gamitin laban sa itim na duwende at kapre na gumagambala sa tita ng katatrabaho ko gusto kopo kasing tulongan matagal na daw kasing nahihirapan tita niya ayaw kuman po sanang subukan ang kakayahan ko kasi sabi ng iba healer daw ang kamay ko kaya gusto kupong mahawan tita niya sana naway gabayan po ako ng Ating POONG may Kapal sa misyon ko 🙏🙏🙏🙏😌😌natatakot man ako pero alang alang sa kapwa ko tutulong ako kahit dipa ako ready pero cge nalang 😢
Ang pagdedebusyon (gaya ng dasal na nasa video na ito) ay isang pagsasakripisyo sa paraang pagdarasal. Ang tanging layunin dapat ng pagsasagawa nito ay ang mapalapit ang iyong ugnayan sa Diyos. May ibang mga orasyong pangkombate ang nararapat gamitin kung tayo ay may nakasalamuhang masasamang elemento, ispirito, at iba pang tulad nito. Kung nais mong umusal ng mga orasyong ito, siguraduhin mo muna na nakakumleto ka ng iyong debusyon at lubos na naiintindihan ang mga gawaing ganito. Dahil sa isang maliit na pagkakamali, maaari kang mabalikan at hindi maging maganda ang epekto sayo. Kung hindi mo pa ito naisasagawa, sumangguni muna sa inyong mapagkakatiwalaang albularyo upang sila ang tumulong sa iyong mga suliraning ispiritwal. Inuulit ko, ang mga orasyong inilalahad ko sa channel na ito ay para sa mga nakapagdebusyon na at may matibay ng pananampalataya sa diyos. Salamat po. God Bless
Sa pag dedebosyon po ba bro halimbawa 49 days paano malalaman if naka sihan or na basbasan? Ask lang po like ano mga senyales Or palatandaan na nabasbasan na sa debusyon and pwede na gumanap
Ikaw po ang makakaalam nyan. Maaari mong subukin manggamot o di kaya umusal ng orasyon kung gagana. Sa isa sa mga nauna kong talakayan sa channel na ito noong nakaraang taon, kung di ako nagkakamali, ay pinakita ko ang pagtesting sa sarili ko kung gagana ang orasyon maging ang inyong gamit na binuhay. Pakihanap na lamang po sa aking mga lumang video kung nakaupload pa po ito. Hindi ko lamang po matiyak kung ito ay nabura na ng aking mga admin. Maraming Salamat po. God Bless.
@@KarunungangSATORkailangan Po ba etong dasalin are araw? Like me may poder napo dinadasal tuwing martes at byernes basi po sa lihim ng karunungan kapag nakompletong 48 days,
Magandang katanungan po iyan, Kapatid. Natutuwa ako dahil hinihintay ko po na may makapansin ng talatang iyan dito. Ito po ang kapaliwanagan: Alam po natin lahat na ang Diyos ay may tatlong persona. Ama, Anak, at Espiritu Santo.. Sa aral ng Lihim na Karunungan, sinasabi ang ispiritwal na katawan ni Maria ay kasama na ng Diyos bago pa nya lalangin ang mundo. Si Maria ang tinutukoy sa Genesis na "Babaeng Dudurog sa Ulo ng Ahas / Demonyo" at hindi si Eba dahil si Eba ay naging alipin na ng diablo mula nung ito'y sumuway sa pinagbabawal ng Diyos. Samakatwid, si Maria ay nilukuban ng "espiritu ng diyos" upang manatiling malinis at karapat dapat na magdala ng isang diyos (si Hesus) sa kanyang sinapupunan. Inilaan sya ng Diyos Ama para dito mula pa nung lalangin nya ang mundo at ang Diyos ay laging sumasakanya. Ika naman sa matandang kasabihan na "Ang mangga ay kailanman, hindi mamumunga ng saging.".. Samakatwid, Ang magulang ng isang Diyos, ay Diyos din.. dahil alam natin na lahat ng tao ay may orihinal na kasalanan mula sa pagkasilang kung kayat walang sinumang tao / babae ang pwede magdala kay Hesus sa sinapupunan "maliban na lamang" kung ikaw ay inilaan ng diyos na hindi madungisan ng kasalanang orihinal. Sa pahayag din ni Gabriel kay Maria, "Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, BUKOD kang pinagpala sa babaeng lahat". Kung kaya naman "nirerespeto at pinararangalan" sya TULAD ng isang Diyos pero "HINDI" sya sinasamba bilang isang Diyos. Ang talatang "Naniniwala ako sa Diyos Ina" sa panalanging inyong napanood ay isang talata na nagbibigay ng respeto at parangal kay Maria sa pamamagitan ng paniniwala na sumakanya ang Diyos at hindi ito literal na nangangahulugang Sya ay Diyos. Isa pang patunay na sya ay ginagalang tulad ng isang Diyos ay nung inakyat sya sa langit ng buong katawan at kaluluwa gaya ng pag-akyat ni Hesus sa langit. Kung kaya naman, meron tayong "The Assumption of Mary" sa Banal na Rosaryo. Patunay na sya ay iniakyat sa langit tulad ng isang Diyos. Meron ding tayong "The Coronation of Mary" sa huling misteryo ng rosaryo kung saan sya ay kinoronahan bilang isang reyna ng langit. ANg posisyon na iyon ay nararapat lamang sa isang nilalang na may antas ng pagkadiyos. Maraming Salamat. God Bless.
Ang panalangin na General Devotion ay nasusulat sa aklat ng cinco vocales tomo 3. Ito ay ang pinaikling debusyon kung saan nakapaloob na ang mga mahahalagang konsepto o nilalaman ng isang panalanging pang ispiritwal ng Karunungang Lihim. Ang sinasabi mong General Round Devotion ay kapareho din nyan, ngunit mali ang pagkaka translate ng pamagat..kung baga sa english ang pamagat nito ay "redundant" na.. , General na nga, Round pa,..May nagtranslate ng pamagat nyan sa english ng mali ang translation na kinasanayan naman ng mga namumulot na lang ng mga orasyon na hindi iniintindi ang mga bagay-bagay. Ang tamang pamagat nyan ay "GENERAL DEVOTION" at hindi "GENERAL ROUND DEVOTION". Kahit i-translate mo pa sa google yan, mali ang kahulugan ng pamagat na yan. May ibang bersyon din nito na siningitan ng iba pang salita na kung tutuusin naman ay hindi na kailangan dahil kumpleto na ang mga nilalaman nito. Anu't ano pa man, may mga isiningit mang dagdag na salita, ang mahalaga ay ang konsepto ng panalanging ito na binubuo ng pondo, poder, at balabal para sa nagdarasal. Kapag isa sa mga ito ang nawala, hindi na ito maituturing na General Devotion o Debusyong Pangkalahatan.
Maraming slmat po master sa sagot ninyo,sns mabasa rin ng mga kgaya ko na baguhan pa lng para maliwanag ang tamang landas ng devotion,mabuhay po kayo,tayo at sa lahat ng bumubuo more power.thank you very much po.
@@bennalidong933 Kung maari sana po ay wag nyo po ako tatawaging Maestro o Master. Tanging ang Diyos lamang ang nararapat sa katagang iyan dahil sya lamang ang nakakaalam ng lahat. Hindi ko po aangkinin ang katagang nararapat lamang para sa isang Diyos. Sapat na pong tawagin ninyo akong kapatid dahil tayong lahat ay pawang mag-aaral lamang sa ilalim ng nag-iisang turo ng Diyos. Salamat po