PANOORIN | Narito na ang kaabang-abang na kabuuang tourism promotional video ng ating bayan ng General Nakar. Ang tourism promotional video na ito ay nagpapakita na sagana ang bayan ng General Nakar sa likas na yaman, katulad ng dagat, ilog, talon, mga nakatagong kweba, at iba pang magagandang tanawin na tunay namang nakabibighani at karapat-dapat nating ipagmalaki.
Naisakatuparan ang ganitong gawain sa pangunguna at pangangasiwa ng Seksyon ng Turismo na pinangungunahan ni Senior Tourism Operations Officer Jonathan Saynes, ito ay mula na rin sa mahusay na paggabay at pamamahala ng ating mahusay na Action Man, Hon. Mayor Esee Ruzol.
Halina’t mabighani at umibig sa Natural na Ganda ng bayan ng General Nakar!
#naturalanggandahane #taranasaquezon #ChampionAngNakarin
23 сен 2024