Exactly. Idc if they listen to any mainstream rappers rn as long as they also listen to these arts. Catchy ung tono, ang ganda ng lyricism ganda pa ng message.
sadd nga ehh... ngaun kolang inexplore mga old rap music ng pinas grabe. Ibang iba mga kanta noon... i appreciate being a filipino alot more. Wala na kwenta mga rap ngaun. Born 2004.
Gloc 9 is a legend. His songs mirrors the struggle of Pinoys compare to other singers na sinasabay sa uso ang topic ng songs nila, he sticked on making relatable songs which talks about poverty, corruption and many social issues.
Kapag naririnig ko ang kanta na yan mga Pinoy & Pinay OFW sa Middle east agad ang naalala ko kung kumusta na kaya mga kalagayan nila lalong lalo na ang mga Pinay OFW DH na nasa middle east nakakalungkot alipin lang tayo ng ibang lahi👍😥😢😭
@@user-js1eb9nb4x Mga Corrupt kasi ang mga Dating Presidente at Senador noon hanggang ngayon kaya napagiwanan na tayo...hindi ka talaga aasenso kung and2 ka lang sa Pinas nag tratrabaho
The fact that most of gloc-9's songs are still relevant to this day saddens me. This song, even after a decade still reflects the reality and the experience that some OFWs goes through. Though, I'm pretty sure that it's a bit better now compared before but still, the government should implement more protection for our OFWs. I can say that this song, Upuan, and Magda are my absolute favorite, kudos to Gloc 9!!!
"Napakaraming tama dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira" This line hits so hard. I remember our late Senator Miriam Defensor Santiago and Miss Gina Lopez : ( edit: Unti-unti na ring walang natitirang mga taong naninindigan sa katotohanan at sa tama dahil pinapatahimik sila
the last line: “... Ngunit bakit tila walang natira?” with Gloc 9 wearing a black shirt with the words “born to be a hero”. he really is a hero of music. he speaks what society MUST know through his songs. salute to this man
Hero ba yung tawag sa ganun inaalipin minamaltrato ginagahasa sila ng ibang lahi tapos uuwe sila sa Pinas bangkay na yun ang tinatawag niyong hero QATARANTANDUHAN
Gloc 9 is one of the greatest Filipino rapper. Lahat ng kanta niya ay may nakaakibat na aral at binibigyang diin ang bawat isyung panlipunan ng ating bansa
Di na ako magtataka kung bakit isa si Gloc 9 sa mga legend artist. Every song niya may deep meaning and it always about the situation where a lot of Filipinos had experienced.
Aminin man natin o hindi, Gloc9 is better than any other artists! Lahat nang music nya merong deep message and meaning kaya hindi nakakasawang pakinggan!
there's always someone better than anyone else... don't get too exaggerated P.S. sobrang galing ni Gloc9 pero itanggi mo man meron pa ring mas magaling sa kanya at yun yung totoo 🤣
Dati nagustuhan ko tong kanta na to kasi “Astig” sabay sa uso ng mga Rap kumbaga. But now I’m old enough, now I understand the deeper meaning of this song. 🥺💕
This song reflects the sad reality of the Filipino OFW and professionals. Makikipagpasapalaran sa ibang bansa para sa kinabukasan Ng pamilya. I'm one of them. It's hard to go away from your home country Philippines but it's a sacrifice for the family. Better opportunities and pay abroad. Hope sa mga tumatakbo this 2022 election, will reflect on the message of this song and incorporate it to their platform if ever they win for election.🙏
RU-vid wasn't like this before, and I'm pretty sure a lot of people loves his songs, just wishing the younger generation would look at these kinds of songs
Habang pinapaulit-ulit mong pinapakingan ang kantang ito, malalaman mo kung anong nangyayari sa pinas. What a masterpiece, sana mapakingan pa ng mga kabataan para mamulat sa realidad 🔥💯
WTF gloc. pinakikinggan ko na naman to habang nililinis maleta ko naging emosyonal ako habang binabrush maleta. Sad truth talaga to. Gloc 9 = National Artist
These kind of songs is the real essence of OPM. Not just for entertainment, but to convey a strong message for awareness and serve as an eye-opener to reality.
"Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba" Grabe tong letrahan na to ni Idol Gloc
Gloc 9 refers to the rapper. He colaborates with the local artists here in the Philippines. 'His music is very socially relevant and he is very good in delivering messages with his style.
Napakaraming guro dito sa amin ngunit Bakit tila walang natira Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas Nauubusan ng batas parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahingay iipunin para magamit paguwi Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos di nakilala ang ama O ina na wala sa tuwing kaarawan nila Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan Sasanla lahat ng kanilang pag-aari Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano O barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Subukan mong isipin kung gaano kabigat Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nagaabroad sila Napakaraming tama dito sa atin... Ngunit bakit tila walang natira...
Ako 16 yrs old pero mas gusto ko ang mga rap nina Gloc 9 at Abra kesa sa EXB. Me sense kasi tapos talagang ito ang problema na dapat tutukan hindi puro babae.
true super ganda ng kanta pero tlaga bang timeless masterpiece na reflective hanggang ngayon o sadyang wala lang tlagang nagbago sa bansa all these years? super ganda nga ng kanta pero sana magkaroon ng araw na hindi na to relevant at relatable dahil bumuti na ang kalagayan sa pinas. sana lang tlaga
7 years na kong ofw..pero wala pring nababago sa buhay namin..dumating ang kapa unti unting umaangat na buhay kaso biglang nagkaproblema ..mag forgood na sana ako kaso magtitiis nlang prin ng mga ilang taon pa ... #kapa #longlivekapa
Kaya walang natira kc napakataas ng standard sa mga nakapagtapos ng college at napakababa ng sahud sa mga d nakapagtapos ... So sad , napakahirap magtrabaho sa ibang bansa pero doon mo maibigay ang ngiti ng iyong pamilya .. Sana magbago na ang pilipinas kong minamahal ❤
You know the line "mag-isip isip ka na"- its so deep. Hanggang kailan magiging lugmok ang Pinas? Kailan sasapat ang kita, kailan magiging maayos ang kalagayan ng mga manggagawa at propesyunal at lahat ng Pilipino? Anong problema ng Pinas? Mayaman naman tayo sa mga likas na yaman. Bakit hindi tayo umaangat? Hanggang 3rd world country na lang ba tayo? Napapanahon pa rin ang kantang ito lalo na at darating na ang eleksyon. Sana bumoto tayo ng kandidato na siguradong hindi corrupt, may magandang goal para sa Pinas at walang bahid ng kasamaan. Nasa atin din namang mga Pinoy ang dahilan ng kahirapan natin. Tayo ang nagluluklok sa mga pinunong walang magandang hangarin kundi pansaraling interes lang. Be a wise voter this coming Election 2022!
REAL TALK: brain drain in the Philippines is rampant nowadays.Government must do an action for this,create a job that can suffice the needs of each Filipino even they are working in their own land,so they will never work far from their family just to have a better living out of heartache and homesickness felt from separation between Filipino working abroad and their loved ones left in our country ..two thumbs up for this song! idol gloc 9!
2024 na pero binabalik balikan ko parin tong kanta mo idol, sana mapakinggan to ng mga kabataan at maunawaan nyo ang nais ipabatid satin ng kantang to🫶🛐
Una kong nadinig tong kanta na to noong higshchool ako. Bilang anak ng isang OFW talagang tumatak sakin ang bawat lyrics ng kantang to. Lagi ko tong binabalikan sa tuwing naiisip ko ang sakripisyo ng nanay ko sa abroad para ako'y makapag tapos. Mahirap magaral ng medisina pero mas mahirap ang ginawang sakripisyo ng aking Ina para matustusan ang aking pagaaral. Mahirap malayo sa pamilya at mag pa alipin, lalo na sa dayuhan, ngunit kinaya nila. Saludo ako sa lahat ng OFW na nag susumikap para sa pangarap nila at ng kanilang pamilya. Salamat din sa kanta na to na mag bigay ng inspirasyon at nag mulat saking mata tungkol sa realidad sa bansang Pilipinas. Malapit ka ng makauwi ma. Konti na lang ganap na kong doctor. Masusuklian ko na din lahat ng pag hihirap nyo saakin.
I can relate to this. I mean, the job opportunities here are terrible, all we can do to gain good riches is to go abroad. And that means sacrificing time with our loved ones...
Sobrang tagal na pero relevant parin yung mga kanyang pinagra-rap. Tignan mo gobyerno ngayon, ganun padin. Pero di lahat masisisi sa gobyerno, kahit matino ang gobyerno kung yung mga miyembrong tao naman sa lipunan ay nagti-tigas ulo, wala rin uunlad.
Bakit kaya hindi nila maintindihan? ang yaman ng pinas dati. nagsisialisan ang kabayan mula nung naupo ang mga nagpahirap sa pinas, bumaba ang ekonomiya.
Nakakalungkot kung bakit nga ba walang nagbabago sa daloy ng buhay ng mga Pilipino,tanging mga politiko at iilang lang ang mayaman at ang ilan kailang pang magpaalila para lang may maibigay na marangyang buhay ngunit kapalit noon ay mga oras at mga pagkakataon para mga kaanak. Decades na at walang improvement. I hope na someday may mangyari at umusad tayo gaya ng mga kapitbahay nating bansa. We wanna see progress.
*_Napakaraming tama dito sa atin, ngunit bakit tila walang natira_* the last line of this song's lyrics is one of the best ones I've heard. It's sad that up to this day, our country can still relate to it.
Listening to this song again gave me the chills. Nakaluluha na hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang mas pinipiling maghanap-buhay sa ibang bansa para lang mai-angat ang kanilang kalagayan. Hindi rin naman natin sila masisisi dahil kulang o kung di kaya'y "dead end" ang mga oppuritnities dito sa Pinas. Malapit lang ang kantang 'to sa aking puso dahil na rin siguro OFW ang tatay ko. Andyaan siya to provide, pero wala akong kinilalang father figure sa paglaki ko. Hangad ko lang na sana sa hinaharap, hindi na kailangang lumuwas ng mga magulang para lang masustentuhan ang kanilang mga anak. Sana'y mahinto na ang Brain Drain sa Pinas.
High school days up to now na naka graduate na nang college perp itong kanta na to ang tumatatal for ofw. GLOC9, ikaw na talaga kung sa basketball all around player ka talaga. Kasi sa lahat ng estado ng buhay ditp sa atng lansangan may maganda ka at kapakipakinabang na kanta... I dol... Keep it up💪 thank you sa lahat ng kanta mo.
First time I heard this song I was at the Airport returning to the Philippines, hearing "bakit walang natira" caught my attention. What a wonderful song, Gloc 9 is a legend man.
Dati way back 2012 kinabisado ko lang to kasi idol ko si gloc 9 ngayon pinapakinggan ko na to kasi OFW na rin ako. TATAK NA TATAK TONG LYRICS NYA MATAGAL PANG KONTRATA KO TITIISIN KO MUNA TO ANG MAHALAGA ITOY PARA SA PAMILYA KO .. GODBLESS PO LAHAT SATIN
2022 na , napakarami ng nagdaan , nauso , nag trending , sumikat , at lumipas na magagandang ala-ala pero heto ako binabalikan padin ang mga kantang kinalakihan ko. Ikaw ba ?? Ano kwento mo?
Mahirap sa part ko, lalo na naririnig ko tong kantang to, still hitting my heart. Maganda nga buhay namin dito sa pinas, pero hindi ko alam kung pano naman ang buhay ng asawa ko sa ibang bansa... sa kagustuhan nyang bigyan ng magandang buhay ang mga anak at pamilya nya. Nandun pa rin ung takot ko para sa kaligtasan nya..m kaya pinagpapa sa diyos ko na lng. Kaya sa lahat ng OFW, saludo ako sa inyo, nakaya nyong mangibang bansa para bigyan ng maayos na buhay ang pamilya nyo, kahit katumbas nun ay pagkahiwalay nyo sa mga mahal nyo.
Sobrang sakit netong kanta nato. Yung tita ko nag abroad para guminhawa buhay nila. Feb. 2020 umalis siya dito sa pinas July. 2020 namatay siya abroad. 3months lang. Umalis siya sa pinas nang buhay bumalik siya nang patay. Diko malilimutan yung iyak ni mama nung mga panahon na yon. Salute to all OFW's!
[ICYMI] Here's the lyrics.. "Walang Natira" (feat. Sheng Belmonte) [Sheng Belmonte:] Napakaraming guro dito sa amin ngunit Bakit tila walang natira Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila [Gloc-9:] Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila [Gloc-9:] Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas Nauubusan ng batas parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahingay iipunin para magamit paguwi Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos di nakilala ang ama O ina na wala sa tuwing kaarawan nila Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na [Sheng Belmonte:] Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila [Gloc-9:] Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila [Gloc-9:] Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan Sasanla lahat ng kanilang pag-aari Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano O barko kahit saan man papunta. Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na itoy mag-iiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na [Sheng Belmonte:] Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila [Gloc-9:] Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila [Gloc-9:] Subukan mong isipin kung gaano kabigat Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko [Sheng Belmonte:] Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira Nagaabroad sila [Gloc-9:] Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila Gusto kong (Yumaman [4x]) Nagaabroad sila Napakaraming tama dito sa atin... Ngunit bakit tila walang natira...
man I was in college 2nd year ata or 1st when I watched this sa MYX every morning bagong release sya and relate ako sobra kasi abroad nanay ko and now I'm an immigrant and I can't blame why Filipinos moving out of Pinas. Andaming trabaho dito sana kayo din diyan sa Pinas. God Bless mga kabayan.
Si gloc 9 ay ka october ng asawa ko kaya sigurado ako ugali ni gloc 9 ay family first.. At gusto nasa tama lahat.. At ayw ng mga taong mapang abuso kase ganun si Mr. KO kaso may pagka strikto lang..❤❤❤
almost 10 years na rin pala ang kantang to. 2011? Maayos pa, okey pa naman hanggang magdecide ang papa ko na mag ibang bansa. Bilang bata, akala ko simpleng kanta lang to, pero ewan ko ba, 12:48 koAM May 13, 2021, napindot ko to sa mga kanta ni gloc 9. Ngayon ko narealize na ang hirap pala kapag may nag OFW sa pamilya. Hindi mo na kasi alam ang susunod na mangyayari, saan ang maaapektuhan. Year 2011 buo pa kami, pero this year 2021, hiwlay na ang parents namin and may kanya kanya na silang karelasyon. Sabi ko nga sa papa ko, mas gusto ko pang bumalik kami sa simple at least buo, kaysa sa buhay ngayon nabibili mo nga kahit anong gustuhin mo. Kaya nga lang hindi kayang bilhin ng pera ang maging buo ulit ang pamilya mo. I'll leave it here. thanks!
Kinilabutan ako doon sa: "Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino?" Sobrang totoo. 😭😭😭 Saludo po ako sa mga OFWs na nagsasakripisyo para lang magkaroon ng magandang buhay ang mga pamilya nila at mahal sa buhay sa Pilipinas. You are our heroes! ✔
This song will stay relevant in the Phillippine institution. The lyrics are meaningful. It showcases our society. All thanks to this brave, creative, and indeed talented rapper.
My fervent wish that it wont cuz gloc9 has released a new song that we as Filipinos are now in a better state heres to hoping that the new bbm administration can compel idol gloc9 through their actions.
Pili Pilipinas! doon tayo sa may konkretong plataporma para sa ating mga kababayan para hindi na sila mag abroad para lang magkaroon ng pera sa mga pamilya nila #LetLeniLead #LeniKiko2022