Hanggang may hininga
words and music jun victoria 6/5/21
C Em D
liwanag ka ng buong sanlibutan
ang lahat ng bagay ikaw ang pinagmulan
langit at lupa ay nalikha nang Iyong sinalita
kabanal-banalan kataas-taasan makapangyarihan Ka
sa tuwing ako ay dudulog sa Iyong paanan
at mababatid ang sa atin ay namamagitan
ang Iyong kabanalan...sa lahat ng aking mga...kasalanan
ay siyang lalong nagpapadakila oh Diyos ng Iyong biyaya
Panginoon ako ngayon ay naririto
sumasamba at nagpupuri sa Iyo
dahil nung minsan ako niyakap ng biyaya mo
hanggang may hininga ay pupurihin Ka sa mga awit ko
Panginoon
aleluya salamat sa Iyo
aleluya salamat sa Iyo
hanggang may hininga ay pupurihin Ka sa mga awit ko
Panginoon
#breath # worship #youtuber
6 июн 2021