Тёмный

HORMONE INJECTION | Catfish Fry Propagation | @BFAR-NFDC Training Day #1 |Amateur Video/Relish Pinoy 

Relish Pinoy
Подписаться 527
Просмотров 37
50% 1

#catfishfarming
#kumikitangpangkabuhayan
#hitobusiness
#pagpaparaminghito
Hormone Injection | Catfish Farming | Day 1 Training | BFAR-NFDC
Ang mga breeders ay maaring manggaling sa pusawan, palengke o sa wild. Maari ding magpalaki ng semilya upang gawing breeders sa susunod na taon. Ang hito ay maaring magbuntis makaraan ng isang taon. Kung mamimili ng inahin, bilhin ang mga ito 2 o 3 buwan bago ang inaasahang pangingitlog. Maari sila sa pusawan o concrete pond, 5 isda kada metro kuwadro. Takpan ng 50% ng ibabaw ng tubig ng water lily upang magbigay ng sapat na dilim sa hito.
Sa unang bagsak ng ulan, maingat na hulihin ang dami ng breeders na gagamitin sa pagpapaitlog. Gumamit ng lambat na makinis o walang buhol. Iwasang magasgas o masaktan ang isda. Ang inahin agkakat may matambok na o bilugang tiyan, mamula-mula at malambot. Ang ari ay bilugan at mapula. Ang lalaki ay tulisan ang ari. May kapayatan. Sa pagpapaitlog, 1:1 ang sinusunod (1 lalaki, 1 babai) Maaring gumamit ng 2 lalaki sa pagkakataong mas maliit ang babae. Paghiwa-hiwalayin ng lalagyan ang mga babaing hito. Ang mga lalaki ay maaring pasgsasamahin sa iisang lalagyan. Ang balde o palangganang may takip ay maaring gamitin.
Ihanda ang gamit sa pagpapaitlog: Human chlorionic gonadotropin (HCG) o Pituitary gland, heringilya, 0.9% saline solution, gunting, tiyani, 4 platito, 4 mangkok, tuyong basahan, malinis na pakpak ng manok o pabo (para panghalo).
Iprograma ang pagpapaitlog ng hito at isagawa ang pag-iniksyon ng hormone. May pagitan ng 12 o 14 oras ang pag-iiniksyon ng hormone at ang pagpapaitlog. Timbangin ang bawat inahin na gagamitin upang malaman ang dosage ng hormone na kakailanganin.
Ang HCG ay mabibili sa daming 5000 IU at 1000 IU. Ang hito naman ay mangangailang ng 2 IU ng HC bawat gramo ng bigat. Samakatuwid, ang inahing may bigat na 250 gramo ay mangangailan ng 500 IU na HCG. (Pag pituitary gland ang gamitin, isang PG sa isang inahin.) Durugin ang PG at ihalo sa saline solution, ilagay sa heringgilya 1ml. ang solution.
Gamit ang timba o palanggana sa bawat inahin, tantiyahin ang iturok sa bawat isda sa dosage na 2 I IU bawat gramo ng babae. Ilagay ang mga ito sa magkakahiwalay na timba, takpan at daganan ang t akip ng mabigat na bagay. Itala ang oras ng pag-iiniksyon.
Reference:
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources -National Fisheries Development Center

Опубликовано:

 

11 сен 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии