Naku kahit kunduktor hindi ka masasagot kasi ang Ilocos Sur ay from Tagudin hanggang sa Sinait. Hindi naman namin mahuhulaan kung san ka banda bababa para masabi kung magkano ang pamasahe sa lugar na iyon. Maraming salamat sa panonood :)
Reserved na kasi sa senior citizens ang harap na upuan. Hindi ko alam kung batas na iyon o napagkasunduan ng mga provincial buses. Sa Victory at First North Luzon, ginagawa na nila iyon. Pag may nagkamaling bata pa na sasakay sa harap, papalipatin sila ng konduktor kung maluwag pa bus. O hahayaan na doon lang basta walang sasakay na senior. Malas pag may sumakay na senior, obligadong lumipat ang pasahero sa harap.
2:30 Mayroon akong isang masamang balita, copyrighted na ang copyright free na musika na aking ginamit sa intro mula una sanggang ika-16 kabanata ng aking public transport segment. Nainggit pa rin ako kahit nagbago na ang aking aplikasyon sa pag-edit ng bidyo para sa paglatag ng musika. Parang susuko na akong maging isang tagalika ng nilalaman.
Upload lang ng upload pero i-check mo din maigi ung mga audio kung copyrighted sya. Technique jan ay i-upload mo muna ung video pero gawin mo muna na unlisted ng kahit 1 day para makita mo kung magkakaroon ng copyright warning. Maraming salamat sa panonood :)
Pansin ko lamang, ang ilang mga pasahero ay hindi matandaan ang numero ng bus na kanilang sinasakyan lalo na sa mayroong mahahabang ruta kaya aksidente silang lumipat sa ibang bus na mayroong parehong ruta. Ang stopover ng Baliwag Transit / Golden Bee sa Tarlac ay kakasya lamang hanggang 4 bus.
Si Five Star (mother company ni Bataan Transit) ang talagang sister company ni MDL - Hernandez. Although magkapatid ang mga may-ari ng VLI at Five Star.
Diba wala trail ang biyahe north ng mga bus,hindi mo ma enjoy yung sinasabi ng bilis ng biyahe pag wala nag tutugisan sa daan ng mga bus.mas masaya talaga ang biyahe pa bicol kasi may trail ka nararamdaman bilang pasahero kapag yung bus na sinasakyan mo ay mabilis na marami sya na overtikan ng mga iba klase bus.dyan sa biyahe north subok kuna,tulog lang sa bus na magagawa mo dyan,😅😅😅😅😅
pwede ho magtanong, anong bus po dapat ang sasakyan na point to point ng expressway ang ruta, yung mula Balintawak eh sa Rosario, La Union na ang sunod na exit??? especially byaheng Ilocos???
Walang point to point na byaheng Ilocos except sa Partas Tours pero may stopovers pa din un sa mga terminals nila at nagsasakay/baba pa din depende sa pasahero. Ung ibang buses minsan diretso Rosario exit na kung puno na or walang bababa sa ibang bayan sa Pangasinan or minsan depende na din sa diskarte ng crew para makauna sa mga lugar na madaming pasahero. Best is magbyahe ka ng gabi para mabilis.Maraming salamat sa panonood :)
6-8 hrs depende kung gabi or daytime and traffic conditions. Walang galing dun mismo kaya sa mga terminal ng bus companies mo itanong ang mga trip schedules nila para mas accurate ang makuha mo na sagot. Hindi na din kasi dumadaan ng Dau ang iba lalo pag puno na sila. Maraming salamat sa panonood :)
Un lang ang kayang bilis sa traffic condition nung bumyahe e. Ang pinaka impt naman ay makarating tayo sa pupuntahan ng ligtas, bonus lang kung medyo mas maiksi ang oras ng biyahe. Maraming salamat sa panonood :)
Idol suggestion ganito gawin mo mas ok ung per part parang ganito ung kay Pinoy bus driver tv tnx.ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-HBsAl4sGioA.htmlsi=lkJUqjwygs19uYMs
Ok din ang ganyan kung plano mo gatasan ung video or talagang masyado lang mahaba pero nawawala ung essence ng byahe pag putol putol ang upload. Maraming salamat sa suggestion at sa panonood :)