Leave your questions and clarifications below, we'll try to answer that 😊 There may indeed be new information or requirements as of now, possibly requiring fewer or additional requirements, so it's essential to stay updated with the latest information provided by PRC.
Ma’am, eto lang po ang nakalagay na dadalhin (LET March 17, 2024 *Pencils No.2 *Ballpen (black ink only) *PRC OR *1 window mailing envelope with metered postage stamp *1 long brown envelope *1 long transparent (non-colored) plastic envelope Question po; Saan kukunin yang PRC OR e online appointment naman po noong nagfile ako thru online pa? Sa NOA andun naman po yong OR no., OR Date, Amount.
Kahit online ka po nagbayad, meron yan OR. Nasa leris account mo lang makikita. 🤧 Click mo Print OR. Tapos nakalimutan mong sabihin sa requirements ang NOA, magdala ka ng NOA dahil iyan ang mas importante, minsan nga hindi naman na tinitingnan ang OR. Pero uulitin ko lang para malinaw, mas maganda na meron ka pa rin dala na OR para hindi ka nganga pagdating ng exam day.
Ma'am, okay lang ba yung sa sakin kasi nagkamali ako sa pagsulat sa subject ang nailagay ko Professional Teacher tapos nung na notice ko na na nagkamali ako nilagyan ko ng open andd close parenthesis yung teacher tapos sa unahan nilagyan ko ng Education😢 yun lang yung namalian ko sakto naman po yung pag sheshade ko po
panu po kapag nakapag erase ka po.. tas sa isang number po medyo marumi na po tingnan, kasi nadumihan po nang ginamit kong eraser, tpos pinilit kong e erase hanggang sa medyo nag nipis na po yung scantron sheet at nabura po yung guhit nang box sa scantron sheet.. pero ang dumi po medyo may natira pa, mag mamark wrong po ba yan kahit tama? at for example if sa 1-10 na items may na erase ka po at na detect nang machine.. matic po ba na ang 1-10 items na yun is magiging mali lahat from 1 to 10 dahil may na erase kang isang number?
Kapag blurred talaga, as in hindi makita ang shading, posible na hindi counted. Make sure na makita o mabasa ang shading, hindi nmn kailangan madiin o itim na itim ang shading, siguraduhin lang na makikita o mahahalata na meron shading
Kinabahan po kc ako may nagsasabi na kapag doble doble yung shade di babasahin ng machine.. yung iba naman sinasabi kapag di maliwanag di rin babasahin 😅 Sa inyo po ako maniniwala ma'am ❤
Ma'am mababasa parin po ba NG machine kahit may mga nalikdangan ka pong number na need ishade?.. Maapektuhan po ba yung mga sumunod na number?.. Thank you po..
Well, based sa pagkakaalam ko, yes po mababasa pa rin po ng machine pero may chance na umabante rin ang mga sagot mo sa ibang item. But again, depende na po ngayon sa sistema ng PRC, maaari na kasing binago na nila yan.
Maam tanong kolang po kasi yung sa scantrom kopo yung pag fillup kopo ng school nag kamali po ako so ginawa ko pinatungan konalang mababa kaya yan ng machine
Yes po maam yung unang pag fillup po dba ng surname lastname middle pag katapos non meron pa po sa likod na don po mag susulat ng school nyu ska kong kailan ka graduate tapos my mga pinapasulat pa na mahaba pero dpo lapis gagamitin ballpen po ķaya po natatakot ako baka d mabasa ng machine yung sa graduated school po ata yon pinatungan konalang po
Meron yan sa google search mo lang po, or you can message our FB page, I'll give you free scantron sheet. Just make sure na magpakilala ha? Makakalimutin kasi akooo
Depende kung gaano kalaki yung lagpas na shading. Pag medyo malaki talaga ang lagpas, maaaring hindi mabasa ng machine. Pero kung hindi naman ganoon kalaki, okay lang yun ma'am. Ikaw lang talaga ang nakakaalam kung gaano kalaki yung lagpas ng shading mo.
Well, hindi naman po mag-error yan. But if I were not mistaken, maaari po magskip ang numbering mo. Pag nilaktawan mo yun no.2, bali yung no.3 na sagot mo ang magiging no.2.
Well, yan po talaga ang recommended ng review center ko the time na nagtake ako. Magja-jump kasi ang sagot mo sa mga items na blangko. I'm not sure kung may bumagsak na dyan dahil diyan, please take note only PRC lang po ang nakakakita o nakakaalam talaga ng mga mali at tamang sagot lalo na ang answer sheet ng mga examinee
At PRC lang din ang nakakaalam kung bumagsak ang isang examinee dahil dun sa nalaktawan na item. Swerte na lng kung tama pa rin ang sagot sa ibang items kahit nagjump siya. Machine kasi ang nagchicheck.
Hmm to answer you po sir, nakadepende na lang po iyan sa yo kung gagawin ang sinasabi nila tungkol dyan kasi for me, kahit hindi na kailangan, just make sure na maging maingat lang sa pagbura o pagshade. At need na klaro ang shading mo para mabasa ng machine. Hindi ko ginawa yan the time na nag-take ako eh, nasa sa yo na lng sir if gusto mong gawin yan. ☺️
Gaya nga po ng sinabi ko po sa video tutorial, depende po iyan sa hihingin na requirements since nagbabago po ang lahat, walang permanente. Kung ano po ang nakalagay na requirements, normally nakikita rin po sa room assignment niyo or kung ano man ang naka-stated sa Board program, yun po ang susundin niyo.
Well, it depends. But for me sir, better to use mongol 2 since mas maganda ang shading niya at kilala ng machine. Honestly, hindi rin ako sigurado sa ibang lapis po, mas reco ko pa rin na mongol 2 ang gamitin
What happens po kung naerase ko po accidentally yung isang box talaga like nabura ko po talaga yung letter mismo?😭 First time po ito nangyari sa akin. Will it only invalidate the specific item or the whole exam?🥹🥹
Tbh, I don't know 😔 ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganyan experience. But for me, hindi naman ata magiging invalid since matic na yan sa machine. Again, I am not sure po. If still bothering you po, you can email PRC regarding that concern of yours.
Sorry for the late reply 😔 well, depende pa rin naman sa proctor niyo. Usually, hindi na siya necessary maglagay sa answer sheets since meron na kayong identified no. na ilalagay sa dadalhin niyong brown envelope