Sa video na ito, ipapakita kung paano magtanggal ng square tapered bottom bracket. In this video, I will show how to remove a square tapered bottom bracket. Follow on Facebook: mekanikuno1
Hindi ko pa nasubukan mag baklas ng bb nung sa standard na Italian colnago brand na bisikleta, wag daw kakalimutan na ang drive side ng colnago ay counter clockwise din ang ikot pag luluwagan kasi pag nalimutan daw at clockwise o paharap ang ikot sa drive side sa Italian colnago bka masira ang thread kasi lalong pahigpit daw yun
Hi SIR sana matulungan moko na sqiare type dn ako 1 month palang bike ko pero this past few days pag nasa highways lang ako ok lang naman bottom bracket ko pero pag nasa ahon napo at medyo may katigasan na ang padyak lumalagutok na sya left and right po sira na po ba yan? Need naba palitan?? Any advice sir?? Sana makita nyo po to 👍👍👍👍
surrender po yung bike shop na nag attempt tanggalin yung seized na BB kasi nag crack na po yung pang tanggal na sa tigas, any advice po? yun lng kasi ang major problem para mka takbo ulit yung bike.
Bakal po ba yung frame? Nangyayari yan kasi sa steel frame tapos pag may kalawang dumidikit na. Nagawa ko once ginamitan ko ng heatgun, gumana naman pero mahirap pa din. Heatgun lang para di masira pintura. Pag blowtorch kasi (suplete) masusunog pintura. Kung aluminum yung frame, tyagaan lang. Wala kasing lock yung remover. Pag tumagilid ng konti, dudulas na. Kung makapag improvise ka ng lock para fixed yung angle nya mas maganda. Tapos gamitan mo ng mahabang tubo pang pwersa. Sorry haba ng reply.
Adjustable lang ginagamit ko sa BB remover. Di ko alam yung saktong size. Pero malaki sya. Pwede ka din gumamit ng square drive socket drive kung meron ka. Papasok sa butas ng BB tool yun
Common naman yang sa square tapered. Pag bibili ka sabihin mo yung pang square tapered na BB. Yung shimano na hollowtech II, ibang sukat naman. Pero isang size lang yung para sa mga hollowtech II na BB.
Kailangan mo talaga ng pang tanggal. Masisira yan pag di mo ginamitan ng pecific na tool. Dalhin mo nalang sa nearest bike shop sayo pwede mo naman ipatanggal. Mura lang labor nyan.