•This is a step by step procedure of replacing, broken wheel bearing. • Hopefully this will help you to make it easier, for you to repair your own motorcycle. •Thank you!!!
Importante lang po n unahin nating tanggalin yung bearing n nasa brake disc part. Para di po tayo mahirapan s pagtatanggal ng mga bearings. Salamat po s panonood🙏
Dapat po nilagyan muna nya ng grease bago tinakpan.. sken sinusungkit ng dahan dahan ko yan ang takip ng bearing at lagyan ng high temp grease .. meron grasa sa loob ang bago pero konte lng.. kahit sa mga sasakyan namin pag nag palit ako bearing sa gulong pag hirap tangalin ang cover sa palad naman nilalagay ang grasa at dun mo ipahid ang bearing para ka pasok sa loob ang grasa..
Sa bearing sir last purchase ko nasa around 80 pesos ang isa. Pero iba na malamang sa ngayon possible na tumaas, depende pa sa area mo. Pwede mo i DIY sir, pero sa shop baka singilin ka ng 100-300 pesos. Depende po yan sa mapupuntahan mong shop.
Boss ask ko lang same tayo ng click v2 pati kulay kaya lang naka RCB nako na mags same lang kaya ng sukat ng frint wheel bearing yun kahit di na stock ang mags ?
Ganyan din sa ginawa sa motorcycle ko ng palit Ako ng bearing. Hindi ata siguro tinanggal ung seal ng bearing Basta na lang nilagay. Tapos sabi ko. Diba kailangan pa lagyan ng grasa. Sabi ng repair shop. My grasa na daw ung bearing. Tapos disk niya Hindi inayos naka lapag sa semento Hindi man lang tinukulan. Ganyan mga Yan parebasa Hindi sa knila motor. Kya mas mabuti talaga marunong ka mag fix ng motorcycle kysa magpagawa sa repair shop. Hindi nila inaayos. Bara bara Sila gumawa. Tapos labor 100 pesos
paano po Sir pag maalog na pag dumaan sa curbada kasi yung akin uncomfortable na po pag nag dadrive parang naalog kahit mahina ang takbo po parang maalog sa front
Good day po ask ko lang po if pwede din maging sanhi ng palitin na front wheel bearing ang vibration sa manibela? Or talagang ramdam mo minsan kaldag sa daan
Pag talagang malakas na ang alog ng wheel bearing ramdam na po sa manebela (possible po na yun qng cause ng vibration). Pero try mo po muna i check yung gulong kung umaalog. Kung hindi naman check tire pressure po baka sobrang tigas. Check din po kung walang tama yung mags, kung walang bengkong. At check din po yung manebela mismo kung kumakalog na sa part ng Ballrace.
Wala pong problema, na magbaliktad ang kabit ng axle. Yun nga lang masmadali ang pagkakabit ng gulong kapag sinunod natin yung original na orientation ng pagkakalagay ng front axle. Dahil kapag nagkakabit tayo ng gulong inuuna natin yung side ng front shock kung saan nakalagay yung brake assembly.
@@carlsjournal1922 isang tanung pa po sir..ung mc ko kasi simula ng pag kuha ko galing casa 6months na ngaun eh d ko pa nasagad ung takbo..gang 80 lang..wala ba magiging problima dun sa takbo ng makina thanks.rs
@@ungaztv2137 wala naman po. Mastatagal pa ang buhay ng makina mo pag ganyang alalay lang at maingat ang iyong driving habit👍 plus pa na masmakakatipid ka sa gas consumption. Ride safe po palagi!
Madalas po ay kailangan talaga ng regular inspection sa ating mga gulong sir. Upang ma notice natin kung kumakalog naba ang ating bearing. Hindi po kita mabibigyan ng idea na idedepende sa layo ng tinakbo ng motor. Dahil magkakaiba po ang situation ng bawat motor na ginagamit natin sa araw araw. The best way po talaga sir para ma justify kung need na ba palitan ang bearing. Ay thru visual check na kailangan nating gawin regularly. As part na din po ng ating ginagawang periodic maintenance. Subalit base sa aking sariling karanasan nakapagpapalit ako ng wheel bearing sa layo ng tinakbo ranging from 40k-70k kilometers. At gaya nga po ng aking sinabi magkakaiba po iyan ng sitwasyon kung saan natin ginagamit ang ating mga motor. maraming salamat po👍👍👍
Ibig mo po bang sabihin may part na sumasabit sa disc kapag iniikot yung gulong? Yung brake caliper assembly po sir try nyong linisin. Baka di n po masyadong gumagalaw yung kanyang piston.
Sa honda paps, mahirap maghanap sa ibang motorcycle shop. Bihira makatyempo ng front wheel oil seal/Dust seal. Pero sa online shop meron din. Search mo lang front wheel oil seal/dust seal for honda click.
Kapag bago po ang bearings no need na po lagyan. Meron na po yan grasa pagkalabas ng market. Ginagawa lang po yung repacking during maintenance at kung gusto natin pahabain ang buhay ng bearings during the time na nakakabit na ito sa ating mga gulong.👍👍👍
Yan po yung extra kong screw driver. Yung flat side po yung nasa loob ng bearing. Maaari naman po gumamit ng round material n magkakasya s loob ng bushing.
Pwede naman pong hindi, pwede din namang lagyan kung gusto nyo. Sakin hindi ko na nilalagyan may certain amount naman ng grasa na nakalagay sa bearing kapag bagong bili.
Honestly Boss hindi muna ako naglalagay ng grasa sa mga bagong bearing tulad nyan. Pero nag rerepack ako pag nagamit na or naluluma na for maintenance purpose. Pero yung iba nilalagyan na nila kaagad. May tamang amount din po kasi ng grease na nilalagay ang factory ng bearing. Kapag sobrang dami din po kasi ang nailagay na grasa. Itatapon din yan kapag umikot na ng high speed. Choice na po yun kung gusto nyong maglagay agad ng extra grease sa bagong bearing. Maraming salamat po👍
@@carlsjournal1922 salamat boss. yun kasi ang hinahanap ko. kung pano maglagay ng grasa sa bearing, binaklas ko kasi gulong ko. dko alam pano at kung gaani kadami ilalagay ko.
mas maganda kung wag nyo masydo ibaon ung bearing sa pag pukpok hanggat maari ung naiikot pa ung bearing..ksi pag binaon ng maigi sa pag pukpok nd na iikot ung bearing ksi naiipit na
Pagpaling po, feeling natin nakatabingi sa manebela. Aadjust po dun sa dugtungan ng t post at handle bar. Luluwagan kaunti yung isang bolt gamit ang 14mm at 17mm. Tapos iaalign mo po yung centro ng gulong.👍