#philstarnews
Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, June 21 ang mga suspect na nasa likod umano ng serye ng hacking sa ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Armed Forces of the Philippines.
Ang isa sa kanila ay nagpakilalang data security officer ng pahayagang Manila Bulletin na nagsabing inutusan daw siyang gawin ang paghahack ng editor ng naturang media outlet na si Art Samaniego.
Ito daw ay para may magamit ang mga impormasyon na kanilang nakuha para sa kanyang column at sa kanyang social media content.
Itinanggi naman ni Samaniego ang naturang paratang habang wala pang inilalabas na pahayag ang Manila Bulletin kaugnay dito.
Video by the National Bureau of Investigation
20 июн 2024