Mga Ate at Kuya, ipag pray po natin ang kalagayan ni Ate Magda. Naaawa ako sa kalagayan at sa dinadaanan nya. Sa lahat ng nag papadala ng mga kwento na related sa sitwasyon nya ay sa kanya lang ang walang happy ending😢😢. Nakakaawa po ang sitwasyon nya parang wala syang kakampi sa kakaibang sitwasyon nya😢. In the Mighty Name of Jesus, walang masamang nilalang o engkanto ang mag tatagumpay na sumubok sa buhay nya!! In JESUS MIGHTY NAME !!
Kahit man lang katiting na porsyento na maisip nilang dalhin si Ate Magda sa isang albularyo. Sorry sender ha, pero kayo na mismo ng nanay mo nakakita dun sa taong yun pero di man lang ninyo naisip na baka ang need talaga ng ate magda nyo ay albularyo wala naman sigurong mawawala kung nagtry kayo.
Natapus lang Ng Hanggang dun????..bakit d NYU manlang cia bigyan Ng pagkakataon na maipatawas o sa mangagamot/albularyo...d nmn un kawalan sa inyu... May Nakita na kayu, may prof.na e na totoo Ang cnasabi Nya????.. pilit lang kayung nagbulagbulagan.. my goodnessss klngan pabang e memorize Yan!!!!....
Wawa nmn 😢 hnd nmn kase lahat ng nawawala sa katinuan ang baliw, baka nga totoo na na ingkanto baka hnd pinatingin sa mango gagamot naniniwala Di kase ako sa mga manigno , dalawang beses ako naka kita nyan nong bata pa ako. Una kong nakita magandang babae 2 sa gitna ng malalaking puno ng pili sa mga taga bicol alam yan na pili or pili nuts, ang gaganda nila at puputi nakita ko un after ng bagyo kase namumulot ako ng mga laglag na pili. pangalawang. Beses akong naka kita sa likod bahay nmin tanghaling tapat habang nag sasampay ako ng mga linabahan ko paa nmn na pa curl green ang kulay parang paa ng dowende. Nawala din bigla ang subrang kaba ko noon. Siguro open ung 3rd eye ko noon. Mga 9 and 12 years old ako noon
Grabi kawawa naman si Magda, kayo na nga mismo may nakikita pero never man lang kayo gumawa ng paraan para matulongan sya. Sana man pinatingnan nyo sya sa albularyo.
Yung pinsan ko sobrang nkakatakot kwento nya kaya nagpatawas sya lumalabo mata nya parang may tumatakip wlaa syang makita nag umpisa yun simula ng umuwi sya hatinggabi galing sa trabaho...may pumara sa kanya na duguan ang katawan na babae ..sabi ng babae tulungan moko ihatid moko sa lugar na sinabi ng babae ..sabi ng pinsan ko pasensya kana 50 pesos lang karga ng trycckle ko hindi na tayo aabot dun...nagtatakbo na daw palayo...baka kako multo dahil wlaa naman daw nagkakagulo dun kasi duguan sya tahimik sa dinaanan nya kasi hatinggabi na....nagpatawas sya nakita sa tawas dalawang muka .ibig sabihin sya yung isa at may nakasakay sa likod nya..hanggang sa pumunta sa albularyo hindi pa nila nakakausap sinabihan sila na may kasama ka nasa likod mo ..may nakausap kaba o nasalubong na babaeng duguan. .nagulat pinsan ko at alam na ng albularyo ...binigyan pang paligo kusa daw aalis yun..sumama daw dahil nilingon pa nya ...hanggang kinabukasan may nag pray over sa kanya..naririnig ko sumisigaw sya ng tamana at boses babae ...lalaki yung pinsan ko..siguro napaalis yung babaeng nakasakay pero yung pinsan ko kinaumagahan para ng baliw wla na sa sarili parang naging bata hanggang sa palakas ng palakas nagwawlaa tumakbong hubot hubad dahil may humahabol daw sa kanya ...naliligo kasi nung time na tumakbo sya ..hanggang sa hirap pala humanapnng sychiatris schedule pa ..malala na pinsan ko..kaya nadala agad sa mental...pinaiwan hanggang pagdating ng ikatlong araw patay naraw..na impeksyon daw utak ..syempre yun ang findings kaya yun na pinaniwlaaan .pero para sakin yung babaeng duguan ang gumawa sa kanya..kasi napakalakas wlang sakit tapos nung gabi nayun nag patawas sakin ..dalawang araaq lang nagkaganun sya ...kakalibing lang ng pinsan ko...rest in peace pinsan sobrang hirap dinanas mo
Bat d nyo ksi pinagamot nga isang Albularyo...pra malaman nyo kng totoo ba mga sinasabi ni Magda..Pro kahit kau nakita at nagpakita sa inyo ang lalaki,na kng tawagin natin....NOT LIKE OURS...yun na yun....at naniniwala tlga ako kag Magda....Albularyo lng ksi ang dapat lapitan sa mga ganyan....
Para naman silang d taga probensya at d naniniwala sa ganon kung pinagamot sa magaling na albularyo d sana wala na gumagambala k magda kisa sa mental pa nila dinala lalo lng naging kawawa si magda sana maisipan nila na d lng pisikal ang nagiging sakit ng tao meron din espiritwal na gawa ng ibang nilalang sana maisipan nila mapagamot sa mga magagaling na albularyo
sana may magaling na albularyo para mapa alis yung engkanto! dipa kayo na niwala eh nakita niyo na nga! kawawang Magda. Magda palagi kang magdasal mas makapagyarihan ang Diyos sa lahat..
First time ko mag comment pero lagi po Ako nakikinig matagal na ofw po pampaantok ko Po ito minsan nakakatulugan ko na at pag ganun uulitin ko ulit thank you dahil may mga ganitong istorya papa dudut..
Cguro walang lalaking tatagal ky magda kasi merong ingkantong humaharang dto. Totoo pong naniniwala aq sa ingkanto, at ramdam kung hnd baliw c magda, cguro dhil lng yan sa ingkanto😢
Kawawa nman c ate sana naniwala kau kc nakita nyo na nga ung inkanto dapat pinaalbularyo nyo cya kc nainiwala ako sa kanya dhl pinsan ko nainkanto rin ayon gumaling cya kc pinaalbularyo at nilaban nila ung inianto
Yung description nila sa encanto same na same sa kinukwento ng partner ko na nangulit din sa kanya noon puting puti ang mata pati ang balat nakakakilabot
Kawawa Naman kasi talaga si ate Magda niya . What if , totoo I mean may mga Nakita na Sila Hindi ba? Tapos galing pa sa ibang Lugar si Magda bago sya sinuli nong lalaking Yun , what if talagang ginugulo sya Ng Isang nilalang? Bakit di nila Yun pinaniwalaan? Kahit 10 percent lang sana at pinatingnan talaga sa magtatawas eh . Hays . Sana magaling na si ate Magda . Na attached Ako bigla ah, ate magda😢
Nakakainis yun sarili mo magulang na di naniniwala sayu.. Kung ok naman sya bukod sa pinagsasabi nya enkanto dapar pina albularyo muna nila taga probinsya pa sila madami mangagamot don. Minsan kasi mahirap paniwalaan mga bagay bagay pero totoo. Nakita na nga ng mag ina hindi pa din sila naniwala ays. Kawawa naman si magda...
Good morning, in may opinion at base na rin sa lageh kung pakikinig sa horror stories dito ky papa dudot, sana po try nyo din pong dalhin sa sa albularyo..try nyo lng po, salamat po always listening habang nag lalaba suki ng lahat ng stories ninyo papa dudot lalo na ang horror stories
Medyo nalungkot lng aq, inaasahan q kc sa dulo dadalhin nila sa albularyo kc nkita din nila ung enkanto..bitin sa ending 😢(Girl po aq profile lng po ng asawa q ung pict. )
Totoo talaga ang ganito yung nililigawan ng kuya ko dati di sya sinsasagot ksi may nanligaw sa babae na Ingkanto pag sagutin nya ang kuya ko ay mapapa hamak si kuya...Kaya kahit mahal nya si kuya pina bibisita nya lang si kuya at pinapasabay sa hapunan gabi gabi pero bawal sila mag tabi..lagi may kausap yung babae s puno nag bayabas gang pina tigil n nya si kuya na bumisita s kanya
Maraming albularyo na makkatulobg sa kanya. 😢nakaka awa naman sya. Gagaling yan, wag lang dadalhin sa ospital kasi lalo syang mababaliw. ..😢yung pinsan ko pinaglaryan ng dwende, sinapian. Dinala nila sa ospital, nung na dextrosan nagbago ugali nun tapos parang nabaliw. Huli n bago pa maalala na may magaling palang albularyo sa lugar nila. Nung sinabi ng albularyo na wlaa na daw pag asa ang pinsan kong babae kasi nadla na saw sa dr. Nagalit ang mga dwende. Hanggang sa hinyaan n lang sya. Maganda sya at matangkad, na slender ang katawan. Dahil sa sitwasyon nya ay na gang rape sya at pinatay. 😢😢
Malay niyo naman totoo yung sinasabe nia meron tlgang ganyan sinaryo, sabe nia nga nkilala nia sa batis nung nag swimming sela tapus hnd n sya nilubayan posibling totoo n my nag kagusto sa kanya n inkanto. Dapat piba albolaryo na ninyo , wala nmn mawawala.
Totoo po ang engkanto may mga tao lng talaga n d naniniwala d mental hospital ang kelangan nya kundi albularyo nakaka lungkot lng isipin n walang naniniwala sknya
Yes totoo po yn.kasi maranasqn k9.po yn sa tatay talagang matatakot ka at masasavi mo na baliw talga ang tao na nag kakaganyan dahil tatay ko may nag kagusto sa kania na inkanto parehosila babae ang sabi pa na mamili dw si tata kng alin sa kanila dalawa ang gusto nia... kaya ganon tinatawag si baliw kasi salit ng salita sia hnd naman namin nakikita..tatlong taong sia nag supper pero bandang huli hnd na nia nalabanan na walana sua sa amin tuloyan sia kinuha ayaw din nia mag pagamot sa albulario kasi bilin dw ng babae na hwag mag pagamot.. dba nakaka loka talaga...
Alam niyo sa maniwala kyo o sa hindi totoo ang mga ganyan buti nga matatag at malakas ang paninindgan niya kng ang iba yan bka sumama n yan o nagpakamatay na.lahat ng bagay dto sa mundo ay may kababalaghan at nangyayari yan sa ibng tao lugar at mga bagay.totoo rin na maliban sa atin may mga taong hindi gaya natin na naninirahan sa mundong ito.lawakan natin ang ating icpan pag may mga taong ganyan na nakakaranas kausapin natin ng mabuti alamin ang pinag dadaanan nla, at tulungan natin cla.maging seyenxa man yan o albularyo gawin natin para sa knla.laht ng nagyayari sa isang tao ay may dahilan kya dpat natin clng pakinggan at tulungan.kc kami probnxa km at naniniwala km sa ganyan pag sumasakay km sa barko papunta sa amin sa loob ng barko grav ang tao punong puno at ibat ibng klase ng tao ang makikita mo pro pag nakalabas na ang mga tao magugulat ka na kukonti lng pla kc may hindi gaya sa atin na nainirahan sa ibng mundo at minsan nakkasama natin cla.tulad natin nabubuhay din cla ayon sa pamumuhay nla.
imbis mka isip na mapagamot sa albolaryo e hirap tlga pag wala paniniwala at kala matalino KC ayaw maniwala Sila pa nagkakapag pahamak imbis mka tulong wala tlga kaya na mamayani Ang spirito Ng dimonyo sa mga tao KC walang pananalig
Pa try niyo ipa albularyo wala naman mawawala kung susubukan..kung naniniwala tau sa panginoon na di natin nakikita malamang totoo din may mga nilalang na itinakwil ng panginoon..God bless po sa ating lahat
sakit naman sana gumaling na sya 🙏 🙏 at sana lawakan din natin ang ating pang unawa at makinig tayo baka need lang talaga ng kausap dahil sa may pinagdadaanan ung tao. Thank you for sharing this beautiful story 🙏🙏
I went through depression 2x. Iba talaga pakiramdam, para bang nabagsakan ka ng buong mundo tapos no one's there for you when you needed someone na makakausap mo. 12 hr shift ung asawa ko at ako lang mag isa sa bahay pag nasa work cya. So, what I did, I cried so hard pag wala ung asawa ko. Tapos nawala nalang cya especially tinatawagan ako ng asawa ko when he's at work. Ung time na un kasi I just had full hysterectomy after 3 to 4 days un grabe depression ko. Need kasi tangalin kasi patay na lahat ung female organs ko. In 3 months 5x po ako na hospital. So pag alam natin na may kakilala tayong may depression issue don't hesitate to talk to them. Kahit man lang 30 mins at ipaalam nila you are there for them na willing making sa kanila. God Bless Y'all Everyone ❤
Nakakaloka para kayong di taga probinsya partida quezon province pa , napaka impossible ba mangyare yun? Wala naman siguro mawawala kung ipapatingin niyo sa albularyo