Pag ibig ba kamo Fr. Nono. Tulad namin mga OFW na inilaan Ang buhay para sa aming pamilya, asawa at mga anak, magulang, kapatid, kaibigan. Mahirap po ang mamasukan sa ibang bansa tulad dito sa Saudi Arabia. Umalis Ng Pilipinas para maibigay Ang lahat para sa mga Mahal sa buhay tiniis Ang init lamig at gutom magtipid sa bawat kakainin. Isusubo na nga lamang ay iisipin pa Ang pamilya at mga Mahal sa buhay. Sa Pandemic na Ito natutunan naming mga OFW Ang tumawag at manalangin sa ating Panginoon Hesukristo, upang mabigayang Ng pagkakataon mabuhay at makauwi at maipadama sa pamilya at mga Mahal sa buhay kung gaano namin sila kamahal. Sa panalangin natuto kaming kakilala Ang ating Panginoon Hesukristo natuto makipagkapwa at magkakasakit sa kapwa kahit di mo kakilala dahil tawag Ng pagkilala na sila ay kapwa natin na nangangailagan Ng pagkain at pamatid gutom. Yan ang pag ibig na nakita namin dito sa Saudi Arabia sa aming kapwa na mahalin at maging matatag at higit sa lahat ibahagi Ang mabuting balita Ng ating Panginoon Hesukristo na siyang may pinakamalaking pag ibig sa ating lahat. Salamat Fr. Nono sa pag ibig na hatid mo sa Amin sa mabuting balita Ng Panginoon sa. Amen
Let the BEST come out in this season. LOVE conquers everything because God is Love ♥️ I believe in sacrifice, I believe in goodness and I believe in LOVE ♥️