Kayo Ay Mahal Namin
Lyrics by Brother Ben Villaflor
Music by brother Rhan Darrel Estarija
Arrangement by Brother John Vincent Bautista
Vocals by Brother Edmont Lawrence Boy & Sisters Shaniah Gizelle Sarmiento, Jem Sevrin Javier & Sister Danielle Bonaobra
Minus one starts at 3:45
1
Sa milyon-milyong tao sa mundo,
Ang matamis po ninyong ngiti
Ang aming paborito.
Sapagkat kami ay lumalakas
Kapag kayo po ay nasisilayan
Nag-uumapaw sa tuwa ang aming mga puso.
2
Sa dinamirami ng tao sa mundo,
Ang aming huwaran sa katapatan ay kayo.
Sa Diyos kami ay lalong nalalapit
Dahil sa inyong pagtuturo at pagmamalasakit.
Chorus 1
Kayo ay mahal namin,
Aming Namamahala,
Damdamin ay gumagaan
Sa tuwing kayo po ay nakikita.
Kayo ay mahal namin,
Aming Namamahala,
Sa Diyos ay amin pong hiling
Bawa’t sandali, kayo’y laging ingatan.
3
Sa puso ay iingatan
Lahat po ng payo n’yo sa amin
Hinding-hindi namin iiwan, aming paglilingkod
At mga pagsamba
Lagi kaming mananalangin
Sa lahat ng sandali
Sa kahalalan ay mamamalagi.
Chorus 2
Kayo ay mahal namin,
Aming Namamahala,
Damdamin ay gumagaan
Sa tuwing kayo po ay nakikita.
Kayo ay mahal namin,
Aming Namamahala,
Salamat po sa pagmamahal
Na sa amin ay ibinibigay!
Hindi po lilimuting,
Sa Diyos ay idalangin
Na kayo'y bigyan pa ng mahabang buhay
Araw-araw ay ingatan at bantayan.
Kayo ay mahal namin.
#incoriginalmusic
15 фев 2024