TITLE: KAYO NA PALA
BY: MERCY BLESS C. LIGERO
Kayo na pala
Mahal, naaalala mo pa ba na tayo pa
Na andito pa ako, na minamahal ka
Na nanatili sayong tabi
Na ikaw ang nasa sa isip sa umaga hanggang gabi
Di mo ba natatandaan, na di mo pa natutuldukan
Ang namamagitan sa ating dalawa
Kung ayaw mo na magpaalam ka naman
Di yung minamahal kita pero may minamahal kana palang iba
Di yung asang asa ako na ako lang talaga
Pero pinagsabay mo na pala kaming dalawa
Teka lang muna
Pinagsabay mo ngaba kaming dalawa?
O ako lang itong pinagmukha mong tanga
Akoy minahal mo ba talaga?
O ako lang yung kailangan mo sa tuwing napapagod ka
Wala kabang pakealam kapag may pusong nasasaktan
Walang kabang pakiramdam kapag may taong uuwing luhaan
Nagmamahal lang ako pero bakit naman
Bakit kailangan ko pang maramdaman
Ang sakit na kahit kailan di ko naransan
Sana kung ako lang ay kailangan mo
Di mo na pinangakong akoy mahal mo
kung kaibigan lang naman pala ang hanap mo
Sana simula palang sinabihan mo na ako
Di mo na sana pinaabot sa ganito
Na ako’y tuluyan ng naging alipin ng pag-big mo
Na kahit na pilitin ko mang burahin ka
ay di ko na magawa dahil mahal na mahal na kita
Bakit ba kasi pinakita mo pa na ako’y mahalaga
Bakit ba kasi pinaramdam mo pa na akoy mahal mo na
Sana kung di mo lang naman kayang patunayan
Ay nagpaalam ka n’at lumisan
Ng sa di na umabot sa puntong di na kita kayang pakawalan
Na kahit na ipilit ko mang ipaalala sa puso ko na iba na ang mahal mo
Ay di ko na kayang paniwalaan
Dahil sa binalot mo na ang puso ko ng katangahan
Na kahit na alam ko na ang katotohanan
Ay mas pipiliin kong magbubulag bulagan
Kesa masaktan…
Maspipiliin ko na magmukhang tanga sa iyong harapan
At mas pipiliin kong maging tanga hanggang nasasaakin kapa
Dahil mas mahihirapan ako na mawala ka sa pananaw ko
Mas mahihirapan ako kapag akoy tuluyan ng talikuran mo
Kaya mananatili ako sa tabi mo
Kahit na alam kong siya ang magpapasaya sayo
Mananatili akong sayo
Kahitala kong merong ng kayo……
FACEBOOK PAGE :
/ mercy-bless-1024176646...
FACEBOOK:
/ mercybless.ligero
FOR COLLABORATION CONTACT ME
- mercyblessligero17@gmail.com
REMEMBER TO SUBSCRIBE
GOD BLESS!
music produced by: • December Avenue feat. ...
12 сен 2024