Тёмный

Kritiko - Kababata (old version lyrics)♪ 

Nnos♪
Подписаться 4,1 тыс.
Просмотров 56 тыс.
50% 1

Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama
Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin
Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim
Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta
Ang sumpaang idinikta mo sa 'kin
Ang pag-ibig na manggagaling sa 'yo kahit mga bata pa tayo
Ay hindi na mabilang ang mga nabubuong mga plano
Kasabay ng eroplanong papel
Ang paglipad ng mga pangarap nating gusto nating marating
Tunay na pag-ibig na ang nadama, sa aking edad na siyam
Ako'y palaging masaya, 'yan lang ang aking alam
Sa bawat oras na kasama ka, habang naglalaro sa ating baryo
Ay hindi ko mapigilang matitigan
Medyo pilyo na ang pagtingin mo sa 'kin
Pero 'di mo kinakailang ako'y gusto mo rin
At parang 'di ko na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin, sa aking dalangin, palaging nando'n ka
Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama
Araw-araw ang eksena ay palaging masaya
Sa pagpasok, pag-uwi ng eskuwela, kasama ka
Hanggang sa paglalaro, ikaw pa rin ang kaparehas
Sa aking kaharian, ikaw ang natatanging reyna
Lahat ay itsapuwera kahit na anumang bagay
Katunayan, boto sa 'kin ang iyong mahal sa buhay
Kumpleto na't matibay at lahat ay okay na
Hanggang sa dumating ang biglaan na problema
Nagulat ako isang araw, nakita ko ang aking ama at aking ina
Nakita ko na sila'y mayro'ng bisita, ang mga kulay ng mata ay iba
Tinawag nila ako't lumapit sa aming bisita, "Halika, anak, kalika"
No'ng narating ko, "Bakit, ano po?", "Anak, ganito, maupo ka"
"Matutupad na ang pangarap ko para sa 'yo, heto na 'to
Huwag mo sana kaming bibiguin, umaasa ako at ang ama mo
Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit, kakayanin ko 'to
Lilisan ako pero tandaan mo na ako ay magbabalik para sa 'yo"
Nagbilang ng mga araw at buwan
Ngunit panaginip nang muli kang madatnan
Kung sana'y 'di nawalay kahit na isang saglit
Pag-ibig ay buhay pa rin
Kahit 'di na pumikit
Sa 'king pag-uwi
Baon ko'y walang hanggang ngiti
Lundag ng puso, sabay sa bawat paghakbang patungo sa 'yo
Ngunit parang may nagbago
Lumipas ang napakaraming taon
Sa wakas ako'y nakabalik nang muli
'Di masukat sa labi ang mga ngiti
Napawi ko na lahat ng pighati
Pumasok sa aking isipan
Na ang kasagutan ko sa katanungan ay narito na
'Di na maghihiwalay
Humawak ka sa 'kin, ibabalik ka
Sa dating napakasaya
No'ng tayo'y mga bata pa
Sa lugar kung saan na ikaw at ako
Ay nangako na tayo na ngang dalawa
Nagtungo ako, baka naroon ka
Kasi nga gusto na kitang makita
No'ng narating ko, niyakap mo ako
"Salamat sa iyo, dumating ka"
'Yan ang salita na nanggaling sa 'yo
Napaluha ako, ngayong katabi ko
Na ang babaeng nag-iisa lamang
Na pinakamamahal ko sa mundo
Humawak ka sa 'king kamay
Kasabay ng mga luhang taglay
Ng emosyon at pananabik
Napakasarap ng mga bawat halik
Tumangan ka sa 'kin
At ibinulong mo ang iyong mga pangungulila
Nagpasalamat ka sa 'kin
Pero, "Patawad, mahal" ng mahina
Tinitigan kita sa mata
"Bakit mayro'n ka bang kasalanan?"
Laking gulat ko na lamang
Nawala ka nang biglaan
Pero bakit gan'to? Ano ba ang nangyari?
Bakit wala man lang sa 'kin nagsabi?
Ano bang klaseng biro ito?
Ikaw daw ay naaksidente
Ayokong maniwala sa kanila
Mahal ko, ako ay nakabalik na
Mahal ko, ngayon, ako'y narito na
Ibabalik natin ang dating saya
Sumama ka sa 'kin, sabay tatahakin
Ang mga hangarin na para sa atin
Salamat sapagkat ako'y inantay
'Di na muli pang maghihiwalay
Kahit na masakit kakayanin ko 'to
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kahit na masakit kakayanin ko 'to
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kung nalaman ko lamang
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan
Kung nalaman ko lamang
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala

Видеоклипы

Опубликовано:

 

28 сен 2021

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 12   
@markjohni.dacillo9911
@markjohni.dacillo9911 9 месяцев назад
si chestah yung hook ng OG version nito . dinilete nila sa YT. simula nung ginamit sa himig handog ung kanta na to 🙌 CHESTAH of CRSP pa din 🔥🔥🔥
@reynaldtv7631
@reynaldtv7631 9 месяцев назад
Ang bet si chesta mag chorus
@user-gg2ji9qj4p
@user-gg2ji9qj4p 3 месяца назад
akala ko naman yong original hyss imiss you idol chestah sya tunay na chorus neto eh
@JemreyOlita
@JemreyOlita 6 месяцев назад
hyss nakakamiss yong old version neto. Hindi naman yan yong original eh si chestah original chorus Nyan sountrip namin dati sa tambayan yan
@pogisifrinz6941
@pogisifrinz6941 2 года назад
SI kuya kritiko Pinsan ko same kami montero
@angelabhea433
@angelabhea433 2 года назад
Di naman yan ung old version 😊
@angelabhea433
@angelabhea433 2 года назад
Di babae ung nag chorus non.
@nnos9039
@nnos9039 2 года назад
Ay weh hahahahhaha yan lang po kase naabutan ko nung dipindot pa cp ko hahahahahha
@evansalvacion7272
@evansalvacion7272 Год назад
Di yan original kase si kritiko lang kumanta nyan wala si kyla
@evansalvacion7272
@evansalvacion7272 Год назад
Meron ka pa nung original ..meron ako nun eh kaso na format sd card card kaya nawala lahat
@copypaste1298
@copypaste1298 2 года назад
Hinde yan..ang chorus nun lalaki si chestah
Далее
Alaala Nalang - Hambog Ng Sagpro Krew [ LYRICS ]
6:18
Kung Sana Lang - Yayoi of 420 Soldierz (Lyrics)🎵
5:56
Kris Lawrence - Ikaw Pala (Lyrics)
4:32
Просмотров 469 тыс.
Kritiko - Huling Liham feat. Yumi (Kiel Neis Story)
6:20
BISROCK Songs
53:11
Просмотров 9 млн
LUhA LyriCs by: (RepAbLikAn)
4:36
Просмотров 11 млн
Ang Balay Ni Mayang||official lyrics
3:20
Просмотров 749 тыс.
Huling Mensahe
6:32
Просмотров 1 млн
Sirena - Gloc-9 ft. Ebe Dancel (Lyrics)
4:36
Просмотров 12 млн
Jacky Chang - Pero Atik Ra (Lyrics)🎶
4:42
Просмотров 753 тыс.
Stray Kids "JJAM" M/V
3:20
Просмотров 2,7 млн
GODZILLA
2:09
Просмотров 871 тыс.