Unti-unti tayong pinapatay ng rehimeng Duterte.
Mula sa kawalan ng mainam na tugon sa COVID-19, sa malawak na kawalan ng trabaho at lumalalang pagkagutom, hanggang sa tahasang pag-atake sa mga taong nagbabayanihan sa panahon ng krisis, hindi nauubusan ang estado ng paraan para isadlak ang manggagawa at mamamayang Pilipino sa patuloy na pagkakabusabos!
Ngunit hindi na natin aantaying umabot sa panahong iyon. Panahon na para kalagin ang tali ng tusong amo, at angkinin ang nararapat na sa atin: sahod, benepisyo, serbisyo, karapatang pantao.
Manggagawa at Mamamayan, maki-sing-along tayo sa "Kung Patay na ang Kabayo" orihinal na kanta ng Tambisan sa Sining!
29 окт 2024