Ipinaliwanag ni dating senador Ping Lacson ang kaniyang social media post tungkol sa aniya'y "Jukebox Gang" na kumakanta kapalit ng pera.
Kabilang sa mga sinasabi niyang miyembro ay si dating Philippine Drug Enforcement Agency #PDEA agent Jonathan Morales na resource person ngayon sa pagdinig ng Senado sa umano'y PDEA document leaks.
"Nung makita ko si Jonathan Morales, nagbalik-tanaw ako doon sa 2001, 2002 na kung saan napasama siya sa Witness Protection Program. Ewan ko kung paano siya napasok doon. Inabutan niya doon si Ador Mawanay pati si Rosebud (Ong)," ayon kay Lacson sa programang #Storycon ng One News.
"Nag-issue na rin siya ng statement na ako, nung chief PNP ako, involved ako sa illegal drug activities... Katunayan after a while, nag-retract si Mawanay," aniya.
"Doon 'yung hugot ng aking tweet. Ito'y wala namang kinalaman doon sa mga hearing na isinasagawa ni Sen. Bato dela Rosa," dagdag niya. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph
15 май 2024