Hello. May konti lang po akong comment. Hindi po ganun kadali masira ang bearing ng motor. nasisira lang yan ng ganun kadali kung kinalawang siya, meaning nababasa yung bearing na iyan kaya kinalawang. Dalawang possibleng dahilan kung bakit nababasa iyan. Una, hindi maganda yung level ng unit, or nagbara yung drain kaya tumaas yung tubig hanggang maabot ng elesi ng condenser fan at magkaroon ng splashing or spray ng tubig sa loob at pinasok yung bearing. Pangalawa, nung pag cleaning ng aircon, hindi tinanggal yung fan motor sa chassis or hindi ito binalot ng maigi at pinasok ng tubig yung bearing nung ginamitan ng pressure washer. Para maiwasan ito, dapat naka inclined kaunti yung ac unit para ma drain ang tubig at dapat tanggalin yung fan motor kung mag washing.
Pwede po hindi e drain ang tubig to maximize efficiency. Naka design tlga yung fan to pick up water and splash to condenser to maximize efficiency. Not applicable to all
same.. ganito din aircon namin.. ilang months naging maingay din... issue na talaga yan ng aircon na yan.. pero tipid talaga sa kuryente compared sa iba
Same aircon Sir, maingay na din siya compared noong una pero di ganyan ka ingay sa iyo. Naka ilang linis na din. Mag corrode din yung sa control terminal niya na maliliit na wires kaya pina rekta ko na halos yung maliliit na wirings. Salamat sa solution idea. Ang temporary solution ko po ay isilent mode siya para mahina lang ang fan speed haha
dun sa lumang hitachi 1 hp inverter ko, bearing din ang naging problema ng isang fan motor. Dalawang fan motor yung sa mga hitachi window type inverter, isa sa labas, isa sa loob. nag-upgrade ako sa LG LA150GC last week. Sana maiwasan ko itong bearing issue rin ng fan motor, since isang fan motor lang pala ang LG.
Balak ko naman bumili niyan palit sa Carrier namin. 10 months lang sira na agad bearings?!! Carrier ko 5 years bago ko panalitan ang bearings. Sensitive naman ng LG. Nilike ko tong video dahil dito ko nalaman na may issue pala ito.
Nung una ko to na experience, ang ginagawa ko, nag papatugtog ako ng ulan sa ipad hahaha. Hanggang sana. Kinakaya ko n sya. Wahahah. Akala ko madadaan sa linis. Per this vid, need tlga ipaayos.
Sir update lang no other issue pa rin sa LG aside sa bearing? Planning to buy since 25k yung price nag reresearch muna ako bago bumili since medyo pricey sya.. wala na bang other problem na lumabas? Thank you
We have the same ac po, samen 1.5hp bought it less than 2 years plang. Hindi na lumalamig, maalaga kame sa ac, well maintained ng linis, after more than a year hindi na lumalamig, today pina check naman pinakarga ng freon, paid 2k. Lumamig ng konti, pero not satisfying padin. Nakakalungkot na hindi manlng namen na ROI un unit, thinking of buying a new one and another brand nlng. Haist. LG ung ref at washing namen pero sumbablay sila sa AC.
Natapat lang po yan minsan talaga e me madaling masira tayong mabibili kahit anong brand ngayon po kasi e pangnegosyo na mga ac kinakabitan na nila ng mga china na spare parts kahit branded pa yan
Im here ngaun kasi guess what??? Maingay din siya. Natutulog ako kahapon biglang may sound na parang may sumasabit sa elesi.. apaka init pa naman at panggabi ako. Ngaun medyo nawala. Pinilit ko tlga at monday padaw mapupuntahan
@@JVtechlife Sir, nung nagka sound issue po, tinry nyo po ba i check using Smart diagnosis sa app? I was wondering if mga ganitong issues ni LG nakikita sa Smart diagnosis po.
sir pano po kapag parang nagloloko yung compressor? like for example po before mag on yung compressor ng ac ko ang ingay muna parang nag vavibrate ganon? and then after siguro ilang beses na vibration like attempting na mag on yung compressor, dun palang po mag oon pero ngayon po kasi anlala ayaw na mag on ng compressor ang ingay.
Hindi po ba fake video to, ang alam ko hindi repairable ang ang dual inverter blower motor, hindi ito na palitan ng bearing kasi sealed type sya Dapat hiningi nyo po yong video ng Kong paano nila pilitan ng bearing, kasi unfair sa mga tech, akala ng costumer papalitan ang bearing
Sir pwede makuha yung contact number nang pinagawan m nang aircon mo? Same problem at same dn tau nang unit..iba technician kasi ayaw mag baklas nang ganyang unit maselan daw
Sir after 10 months edi iingay yan ulit dahil sabi nyo nga po alikabok nag cause dun sa pagkasira ng bearing at papasukan nanaman ng alikabok dahil nga po maalikabok sa area ninyo tulad ng sinabi ninyo sa video?
Sir hindi po ba normal lang yung matinis na tunog sa outdoor part po ng AC?? yung akin po kase kabibili lang may ganun agad upon start and never nawawala humihina lang pag nareach na yung desired temp and sabe ng mismong shop normal lang daw po yon. salamat po
same problem din sakin, matinis sa labas, tpos ngayon may naririnig kami na water noise sa loob naman parang kumukulo na tubig at gargling sounds. kakabili ko lang dn
Normal lang po ba yung ingay ng aircon LG dual inverter pag open sir naka energy saving mode po sya tapos minsan may water noise pag nag oon na ulit sya feel ko wala tubig na nalabas sa drain nya kabibili ko lang po eto dec
same case po tyo, kkabili ko lang dn wala pang month. pag mag on sya tpos bubuga na yung compressor may water noise na parang kumukulo or tao na nagmumog ng tubig. pag ma reach naman nya ang temp, nawawala. bumabalik lang pag bubuga na naman.
@@JVtechlife It is much better kung the cause of the problem has been reported to LG Repair and service for documentation and further correction ni LG sa mga susunod na units they will release. Mahinang class ang bearing na ginamit. Should be stainless and sealed type bearings. Japan manufactures best bearing. Kaya this problem is not experienced in Panasonic...
Cool mode is tuloy tuloy lang ang pag workout nya ng pag lamig. Energy saving is, pag na feel nya na malamig na ung buong room sa desired temperature, mag sstop sya mag workout habang nakkeep pa ung room temp. Mag on and off sya ng cooling para lang ma keep ung lamig. Ganun sya mag wowork.
Hi sir, nasa description po ng video yung link nung pinagpagawan namin. Kung under warranty pa po yung inyo pwede nyo pong patingnan sa lg technicians. Yung samin kasi hindi na sya under warranty.
May tanong lang ako Sir. Pwede po ba pa share kung anong number ng bearing yan. Para makabili na ako dahil malayo sa bilihan yong lugar namin. Same issue kasi yong aircon namin. Salamat ng marami.
Mali lang pag kakabalik ng mga tinangal dyan lods. Hahahha ganyan din sakin kla ko sira na.. After ko linisin biglang may umingay.. Pero ngyun ayus na check ko lng lahat kunt tama pagkakabit ko hahahah
boss, plano kasi namin bumili ng same AC. Ask ko lang, pwede kaya thru normal outlet yang inverter AC? Wala kasi kami circuit breaker e. if hindi uubra, hm kaya painstall ng circuit breaker?
Yung cb around 200 pesos lang ata or 350 pesos depende sa brand at sukat. Pakabit nyo balang po overall siguro 500-600 pesos lang kasama na cb. Di po pwedeng walang cb ang aircon.
@@JVtechlife bali 0.8 hp version po pala yung balak namin kunin, LG LA080EC.. nakalagay sa manual ng LG is 15A, oks lang po ba yun or dapat sobrahan like 20A? Thanks sa response lods
Sir question lang paano magiging updated yung filter management sa thinq app? Nalinis ko na kase yung filter pero hindi nagupdate dun sa app. Same unit tayo ng aircon sir.
ano pong counter measure para di pasukin ng alikabok ang bearing?? kung ang ginwa lang ay replacement ng bearing at walang soslusyon para di pasukin ng alikabok ang bearing,, uulit lang ang problema nan..
Pinasok sya ng gabok nung naoalinis namin sa di marunong, binaklas then pinasiritan nila yung fan bearings. Counter measure next time sa marunong nalang magpalinis yung gamay na yung ganitong unit.
@@JVtechlife hi sir possible po kaya dahil sa last nag linis ng AC kaya nag kaganyan dn po ung AC namen? Pero 1month na po after nung nilinis , then ngaun gabi lang po namen na encounter ung same ng sau sir. same po tau ng issue sir. 2yrs n dn samen toh. ilang beses na dn nkapag palinis .
@@aethandandaddie hindi pa boss. Pero mas lumala po ung ingay. Pero sabi samen nung last tech LG na naglinis possible daw my hindi nabalot ng ayos nung nilinisan then napasukan ng tubig. dun nag start ung unUsual na ingay. Kung ako sayo boss ireport muna agad para mahabol mo pa. active naman po ung LG support. iRecord mo lang boss para my resibo ka.
Boss ung ac namin hindi nawawala ung water noise, nung sinilip ko now madaming tubig sa likod pano kaya madrain? Kaya kapag tumatakbo na ung ac ang ingay nung tubig parang umaagos pero wala natulo
Yung sa amin po maingay din na ganyan parang barko, tapos po pag naka 23 yung temp namamatay na na sya wala ng hangin na lumalabas ,normal po ba ito? secondhand lng po kasi namin nabili. Sana po masagot Thanks
Thank you sir planning to buy po next week pinagiisipan ko pa kung LG dual inverter or Panasonic sabi kasi may nakita akong post sirain daw ang LG 😢 kamusta naman po ang aircon ninyo ngayun?
@@charleyvinceroxas4729 3 yrs na ac namin, naddamage lang naman ang aircon sir pag napahawakan sa hindi marunong na technician. Sa case namin noon mali yung cleaning na ginawa kaya nabasa yung bearings.
Sa 3yrs wala naman po naging prob ac namin since regular naman cleaning nya, nasaltuhan lang sir na napalinisan sa hindi maingat. Pero sa functionality never pa kami ngkaproblema
Sir ask ko lng po...diba most of the aircon..may daanan ng tubig sa liked..meron din po ba to sa AC nato? Ganito din AC ko pero salang daanan ng tubig..normal ba to?
Nasa right side po. Dapat medyo naka angle sya para tumuloy dun yung tubig. Basta hindi dapat naka tungo yung harap ng ac. As long na hindi napasok sa loob yung tubig i think wala naman prob dun.
May problema kaya sa a/c namin? After kong ipalinis, hindi na sya nag-aautomatic na mamatay kapag sinet mo sa 25 pababa ang thermostat nya. Pero kapag sinet mo naman sa 26 pataas, doon lang sya nag-aautomatic. Hindi naman to ganito dati. Na-stress ako, baka biglang lumbo ang bill namin.😔
hi ask ko lang po, bakit kaya sa energy saver mode pag ng stop matagal na ulit bago magpalamig ang ac? at sa cool mode di nag sstop ng ac (yung dapat na gawain ng inverter na pag na reach na yung temperature ay mag stop, saka na lang ulit babalik para palamigin pag medyo nawawala na ang lamig)
ang energy saver po minamaintain nya lang temp kung ano naiset nyo po sir halimbawa 25 kapag nareach nya na yung temp nun hihinto sya if iinit sya above 25 mag bubuga lang sya ng temp to maintain 25 % temp kaya sya humihinto di katulad sa cool kung ano iset nyo na 27 or 26 tuloy tuloy po sya pero mas malamig po yun hindi katulad sa energy saver mode na maintain lang temp sana po makatulong correct me if im wrong :)